Bakit Ba Ikaw?

1 0 0
                                    

[🏡]
Bakit ba ikaw ang nakita?
At napili ng dalawa kong mga mata.
Sa libu-libong kababaihan,
Sa isang tulad mo nahulog ulit
ang pusong noo'y nagluluksa.

Bakit ikaw ang pinili ng puso
upang maging rason ng aking pananatili?
Sa mundong akala ko'y wala akong silbi.
Sa mundo kung saan nilalabas ko
ang aking pekeng ngiti.

'Tila bang nagsilbing ilaw,
ang tulad mong may pusong maaligamgam,
At mas di inasahan na ika'y mapunta sa akin,
sa akin na natakot ulit magmahal.

Bakit ba ako ay iyong pinili?
Bakit ako'y pinagtuunan ng atensyon
kahit parang ako'y walang silbi?
Bakit ako'y iyong minahal
kahit noon ay wala akong balak suklian ito?
Bakit mas pinili mong manatili
na kasama ako?

Exquisite PoetriesWhere stories live. Discover now