Taga-Hanga

5 0 0
                                    

[🏡]
Sa bawat kindat mo na kahit sinong babae ay natutunaw,
Sa bawat ngiti mo na ang kalungkutan ko'y binubugaw.
Sa bawat paglapit ng loob mo sa akin,
Unti-unti mo rin nabibihag ang puso kong puno ng pighati.

Mala-adonis na kagwapuhan, ika nga ni Balagtas,
At sa iyong katapangan, nararamdaman kong ako'y ligtas.
Sa ugali mong ikinagigiliwan ng lahat,
Masasabi ko bang ikaw na ang Florante sa buhay ko na tinatahak?

Ngunit naalala ko pala, isang taga-hanga mo lang ako pala.
Walang karapatan na sabihan kang 'akin ka lang, sinta.'
Sa sandamakmak kaming minamahal ka at mga dumadagdag pa,
Unti-unting kumukonti ang tiyansang ako'y iyong makilala.

Ngunit sa kabila ng lahat na iyon, nandito pa rin ako nakaantabay sayo.
Laging nandito para sundin ang iyong mga bilin at payo.
Sa kahit ano mang pagsubok ang haharapin mo,
Lagi mong tandaan, nandito lang ako bilang isa alalay at taga-hanga mo.

Exquisite Poetriesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن