Chapter 46: All Together

Start from the beginning
                                    

Ayokong mag-isip ng masama. Gusto kong isipin na naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon. Hindi ko talaga kayang mag-isip ng masama tungkol sa kanya.

Mahal ko, eh. Mahal na mahal.

Tinayo ko si Genoah sa lap ko habang nakaalalay ang mga kamay ko sa magkabilang kili-kili niya.

"Ang cute-cute mo talaga, anak. Kaya lang hindi talaga bagay sa 'yo ang pangalan mo. Pasensya ka na sa ama mo ha? Hindi kasi 'yon magaling mag-isip ng pangalan."

"I heard that." Nakakunot noo siyang nakatingin sa akin.

"Ano namang masama ro'n? Eh totoo naman," sagot ko. "Kung gising sana ako, mas maganda ang pangalan mo ngayon," sabi ko sa baby ko.

Umiling si Ralph saka kinuha sa akin si Noah para kumbinsihin ito. "Don't mind your mom, son. You have a very nice name. Ako kaya ang nagpangalan niyan sa 'yo kaya dapat maging proud ka."

Hindi nakaimik ang anak namin at nakatingin lang sa kanya habang naglalaway pa. Natawa ako sa mukha nito.

"See? Kahit ang bata hindi agree."

Sumimangot si Ralph na bumaling sa 'kin. "Pinagkakaisahan niyo 'ko."

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Naging maayos ang development ko at makalipas ang dalawang araw, na-discharge na ako sa hospital. Nag-celebrate pa kami no'n at dumating ang mga kaibigan namin ni Ralph sa huling araw ko sa hospital. Lahat kami ay masaya sa nangyayari.

Nung oras na nakauwi na ako ng bahay namin saka lang talaga bumalik sa normal ang lahat. Nitong nakaraang araw ay puro saya at tawanan. Pero ngayon, kailangan ko nang harapin ang totoo.

Kailangan ko nang pumunta sa NSO. Hindi kasi matahimik ang isipan ko hangga't maraming gumugulo rito. Kailangan kong malaman kung may dapat ba talaga akong problemahin. Baka kasi gawa-gawa lang ni Mel Vincent 'yon. Posible naman 'yon. Pero bakit naman siya magsisinungaling sa gano'ng bagay?

Naiinip na kasi ako. Parang wala namang balak si Ralph na sabihin sa 'kin. Ilang araw na ang nakalipas. Pa-sweet at paglalambing lang ang ginawa sa 'kin. Which is gusto ko naman. Pero hindi ko tuluyang ma-appreciate ang ginagawa niyang paglalambing sa 'kin hangga't alam kong may nililihim siya.

Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para umalis. Ayaw pa kasi ni Ralph na lumalabas ako nang mag-isa. Dapat daw kasama siya. Kaya simula no'ng makalabas ako ng hospital, nasa bahay lang talaga ako at nag-aalaga ng anak namin.

"May lakad ka ba ngayon, Ralph?"

Nilingon niya ako. Nasa kama pa kami at nakahiga dahil kagigising lang namin.

"Why?"

I shrugged my shoulders. "Wala lang naman. Nagtatanong lang."

Ngumiti siya saka tumagilid at hinapit ako sa baywang palapit sa kanya. Magkaharap na kami ngayon at naalibadbaran ako sa klase ng ngiti niya. "Ayaw mo akong umalis, 'no? You want us to stay like this all day and cuddle together."

Napakunot ang noo ko.

Hindi 'no. Mas gusto ko ngang umalis siya para makaalis din ako.

"Hindi, ah. Ang feeling mo naman. Wala naman akong sinasabing ganyan."

Tumawa siya saka binigyan ako ng mabilis na halik sa labi., "Sorry to disappoint you, love. Pero kailangan kong pumunta ngayon sa opisina. Tumawag si Leo kagabi na meron kaming dapat asikasuhin ngayon. Don't worry, babawi ako sa 'yo bukas."

Hala siya. Masaya nga ako na aalis siya ngayon. Ito talagang si Ralph simula gumising ako ay naging feeler na. Baduy pa minsan. Ito ba ang ginawa sa kanya ng anim na buwan akong wala?

Minsan tuloy nakatatakot na. Hindi naman 'to ganito ka-sweet dati. Baka nga may kasalanan talaga kaya ganyan siya sa 'kin. Malalaman ko rin naman ang totoo mamaya.

"Why do you look so happy? Masaya ka pa na aalis ako ngayon?" nakakunot noo niyang tanong. Napansin niya siguro ang ngiti ko.

Mas lalo akong ngumiti. "Oo. Para naman may time kaming mag-bonding na mag-ina ngayon. Pag nandiyan ka kasi, mas sa 'yo gustong sumasama ni Noah. Sa 'yo lagi nagpapakarga."

Totoo 'yon. Siguro dahil siya ang nakagisnan ni Genoah kaya sa kanya siya mas close. Pero okay lang sa 'kin dahil natutuwa akong makita ang strong attachment nilang mag-ama at do'n ko lang napatunayan kung gaano pala kahaba ang pasensya ni Ralph pagdating sa anak namin. Lalo na pag aatakihin ng tantrums ang anak namin.

Bigla siyang nalungkot. "Is that so? I'm sorry if I made you feel that way. Don't worry, starting from now, I will give you both time together para masanay rin siya sa 'yo. He imprinted on me first kaya siguro mas ako ang nakagaanan niya ng loob."

Umiling ako. "Hindi mo kailangan gawin 'yon. Okay lang sa 'kin na nandiyan ka. Naiintindihan ko naman. Mas masaya pa rin pag magkasama tayong tatlo."

He smiled and kissed my lips again.

"I love you, Gen."

Tumango lang ako na ikinasimangot niya. "Where's my I love you too?"

"Kailangan ba 'yon?"

He nodded. "Oo naman. I need it."

"Sige na nga. I love you."

"Napipilitan ka lang, eh."

"Hindi, ah," sagot ko.

"Then say it again. With feelings," pakiusap niya na parang bata.

"Ayoko nga." Humiwalay ako sa yakap niya saka tumayo na ng kama.

"Gen, please say it again," protesta niya.

"Ayoko. Para kang bata. Tumayo ka na nga riyan! Papasok ka pa, 'di ba?"

Wala siyang nagawa kundi ang tumayo na lang. Dumeretso siya sa banyo at padabog na pumasok dito. Natawa na lang ako sa inasal niya. Para talagang bata minsan. Nahawa siguro kay Noah.

Naghilamos at nag-toothbrush ako sa banyo ng kwarto ko dati bago ako naunang bumaba. Naabutan kong pinakakain na ni Jinggay si Baby Noah sa high chair nito.

"Good morning, anak ko!" Nilapitan ko siya saka hinalikan sa pisngi. "Anong kinakain mo ha, baby? Masarap ba?" He giggled and laughed. "Ang saya naman ng baby namin."

"Kain na rin po kayo, Ma'am."

Tumango ako kay Jinggay. Nagtimpla muna ako ng kape para kay Ralph saka ako bumalik sa hapag kainan.

"Ako na riyan, Jinggay. Kumain ka na rin."

Habang pinakakain ko si Baby Noah ay saka naman bumaba si Ralph na nakabihis na. Dala niya ang gamit niya sa office.

Humalik siya sa pisngi ni baby saka umupo para kumain. Nakasimangot na naman ang mukha niya. Mas lalo akong ngumisi dahil sa akto niya. Akala mo naman inaway siya.

"There's nothing funny."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagsalita ito habang hindi nakatingin sa akin. Paano niya nalaman na pinagtatawanan ko siya?

Tumikhim ako at pinigilan ang sarili ko na matawa. "Anong sinasabi mo riyan? Wala namang tumatawa, ah?"

"Tsk."

Suplado mode na naman siya. Ganyan 'yan. Pag hindi binibigay ang gusto, nagtatampo.

"Kumain ka nang kumain, anak. Wag kang gumaya sa daddy mo na nakabusangot sa harap ng pagkain, okay?" Tumawa siya saka ko siya sinubuan. "'Yan ganyan nga, anak. Ang obedient talaga ng baby ko." At saka ko siya hinalikan sa pisngi.

Natawa na lang ako nung tumayo na si Ralph saka nagpaalam na kay baby. Hindi man lang nagpaalam sa 'kin. Hinayaan ko na lang. Patuloy lang ako sa pagpapakain kay Noah. Pero nung ilang segundo ay nagulat ako nang bumalik siya saka humalik sa pisngi ko.

Agad akong bumaling sa kanya sa gulat.

"I'm leaving," sabi niya lang saka tumalikod na ulit at umalis.

Napangiti na lang ako at napailing. Hindi rin pala niya ako matiis.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now