Chapter 46: All Together

139K 2.2K 66
                                    


Geneva's POV

Hawak ko ang anak ko sa braso. Ang bigat niya na. Sobrang laki na rin niya. Hindi ko man lang siya nakitang sanggol pa lang.

Isang linggo na simula no'ng magising ako. Dalawang beses ko pa lang siya nakarga simula nung nagbigay na ng abiso ang doctor nung isang araw na pwede na raw.

"Anak ko, ang gwapo-gwapo mo talaga," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin. "Buti na lang sa 'kin ka nagmana na masayahin."

Pero sa itsura, mukhang wala man lang minana ni isa sa akin. Lahat kay Ralph na. Ang daya. Lalo na yung lips.

Tama nga siguro sila na siya ang pinaglilihian ko nung buntis ako.

Sobrang saya ko na okay ang anak ko. Dahil kasalanan ko kung may nangyaring masama sa kanya dahil hindi ako naging maingat. Kaya siguro ako pinarusahan sa loob ng anim na buwan. Hindi ko nakita at nahawakan ang anak ko dahil sa na-coma ako. Sana sapat na 'yon para pagbayaran ko ang katangahan ko.

"Mahal na mahal ka ni Mama, anak ko." Hinalikan ko ang pisngi niya saka niyakap siya nang buong puso. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na mayakap ang anak. Sobra.

Sinabi sa 'kin ni Ralph na siya raw ang nag-alaga sa anak namin. Kinwento rin lahat sa 'kin ni mommy lahat ng sinacrifice niya para alagaan ang anak namin. Sobrang na-appreciate ko 'yon kaya proud ako sa kanya. Mas lalo akong humanga sa kanya dahil kinaya niya lahat nang mag-isa.

Pero hindi mawala sa isip ko yung nalaman ko bago ako maaksidente. Nakikita at nararamdaman ko naman na mahal ako ni Ralph. Sa simula hindi pero tanggap ko 'yon. Alam kong may dahilan siya kung bakit ginawa niya 'yon. Pero bakit niya nilihim sa 'kin? Sa ilang buwan na maayos na kami, ni hindi niya sinabi sa akin. Sa iba ko pa nalaman.

Mahal na mahal ko si Ralph at ayokong gumawa ng bagay na pagsisisihan ko sa huli. Kaya gusto kong malaman muna ang lahat lalo na kung totoo ba talaga bago ako magdesisyon. Dahil natuto na ako. Kung hindi ako nagpabigla nung sinabi sa 'kin ni Mel ang totoo, sana hindi ako nagkaganito. Hindi rin sana nadamay ang baby ko.

Hangga't maaari, gusto kong bigyan si Ralph ng chance na magpaliwanag. Alam ko namang kung may sasabihin siya sa 'kin, naghahanap lang siya ng timing gaya dati. Pero sana wag naman niyang tagalan.

Pero paano pag hindi pala totoo ang sinabi ni Mel? Na ginawa niya lang 'yon para siraan kami? Possible iyon. Kaya sa oras na makalabas ako rdito, aalamin ko ang totoo.

"Gen, are you listening?"

Napabalik ako mula sa malalim na iniisip nung magsalita si Ralph.

"Ano yung sinasabi mo?"

He shook his head. "Wala ka na naman sa sarili. Sigurado ka ba talagang maayos ka na?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi talaga ako makapaniwalang kaya niya akong lokohin. Kung titigan niya ako ngayon ay parang ako lang ang mundo niya. Paano niya nakayang ngumiti sa harapan ko sakaling may tinatago nga siya sa 'kin?

Please, Ralph. Sabihin mo na ang totoo.

Mas gusto kong sa kanya mismo malaman para paglabas ko rito, hindi ko na kailangang alamin pa sa ibang paraan. Mas masakit pag sa gano'n ko malalaman.

"Okay lang ako. May iniisip lang."

Tumango siya. "Okay. Now that you're getting better, we will arrange with your doctor kung kailan ka na pwedeng lumabas."

"Sige."

Isang linggo na mula nang magising ako pero ni isang beses ay hindi man lang nag-open up sa 'kin si Ralph. May balak ba siyang aminin sa 'kin ang totoo? O balak niyang itago ito?

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon