Epilogue

6K 103 41
                                    

Epilogue

If there's one thing I've learned from all the bad things that happened to me, that is things happen when it's supposed to happen. I have no control over things. Kahit na patuloy ko mang iwasan ang isang bagay, kapag nakatakdang mangyari ay talagang mangyayari.

I don't want to see Blue again. Simply because I don't want to be reminded of all the pain he caused me. I want to be fully over it. But what can I do? Mukhang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana.

"What?!" Keanna exclaimed when I told her about me and Blue and his family meeting. We're currently at a bar, celebrating Keanna's promotion. This is supposed to be just a fun night but I couldn't hold it any longer. Kung wala akong pagsasabihan ay pakiramdam ko puputok na lang ako bigla.

"Ang awkward nga eh," sabi ko habang nakatulala. I tried erasing it in my mind pero patuloy pa ring bumabalik na tila ba ayaw akong lubayan. Ang traydor lang talaga ng memories eh.

"Buti nakaalis ka pa nang buhay," she commented. "So anong nangyari? Did you talk?"

"Hindi. Para akong tangang tumakbo palayo sa kanila," I replied.

When I saw them earlier, my body froze for a while. Pero nang maka-recover ay hindi ko na napigilan ang sarili ko't bigla na lang tumakbo na parang nasa race. It was stupid, I know. But that's how my body reacted. And it already happened kaya wala na akong magagawa pa.

"Di ka niya hinabol or what?"

"As if naman hahabulin pa ako 'non," I mumbled saka ininom na lang ang natitirang gin sa baso ko. I suddenly want to get drunk tonight. "But you know what?"

"What?"

"I somehow felt relieved that I let him go," I said. Hindi ko na namalayang bahagya akong napangiti. May sakit akong nararamdaman but it was not as painful as it was at first.

"Nakita kong ngumingiti si Blue. It wasn't like the smile he used to give me before. It was different. He's happier," I mumbled as I thought of his face, his smiling face. "And their kid? He's so cute and he's so happy. Kung ipinatuloy ko 'yong kasal, I'd feel guilty. I can't take away the kid's happiness. He's happy he's with his dad." Naramdaman kong lumapit si Keanna and sat beside me. And she began hugging me while I began crying.

"Masaya na siya, Keanna. Masaya 'yong pamilya nila. Masaya sila kasi kompleto sila."

"Magiging masaya ka rin, Kristy. I know you'll find your happiness soon."

"Pwede bang ngayon ko na lang makita 'yang happiness na 'yan? Ang lungkot-lungkot ko. Gusto ko nang sumaya," parang tangang sabi ko.

"Oo, parating na," Keanna whispered just when Raymond arrived.

"Anong nangyari diyan?" Tanong nito nang makita akong umiiyak.

"Nakita niya 'yong tarantado mong kaibigan," Keanna replied. I let go of her hug and tried to wipe my tears with my hands. Napansin iyon ni Raymond so he gave me some tissue.

"I'm so sorry, Kristy," sabi nito. Every chance he gets ay nagso-sorry siya sa akin. It was like he's saying sorry again and again in behalf of Blue.

"CR lang ako," paalam ko saka tumayo na't naglakad papuntang CR.

I went inside the CR and checked if anyone's there. Wala namang tao kaya ibinuhos ko na lahat ng pwede kong ibuhos.

I cried my heart out, like it's going to end my pain. Wala naman akong magagawa eh. I'm just good at crying.

I faced the mirror and saw my tear-stained face. Pulang-pula na ang mga mata ko sa kakaiyak.

"Huling iyak mo na 'yan, please," I said to myself through the mirror. "Mag-move on ka na. It's time for you to be happy again. Please."

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon