Chapter 35

2.6K 60 3
                                    

Chapter 35

"So, umamin na pala sa 'yo si Gelo?" Keanna murmured after I told her everything that Gelo told me last time.  Syempre kailangan ko ng tulong niya so I had to tell her. Kaso it looks like mukhang alam niya na noon pa.

"You knew?" I asked. Ang inaasahan ko kasi ay mabibigla siya. But I guess it's just me who's shocked about Gelo's revelation.

"Yeah. Tagal na. Halata kaya. Sadyang manhid ka lang talaga," she said as she stopped counting the invitations. We're currently checking to see if the invitations are complete para maibigay na namin. It's a week before the wedding na lang kasi.

Inilagay niya sa table lahat ng hawak niyang invitation cards as she looked at me intently.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" I questioned. Edi sana I had a clue nang nadistansya ko sana ang sarili ko. I just don't want to lose a friend like Gelo, but seems like I am really losing him.

Matapos niyang sabihin sa akin 'yong feelings niya ay hindi na siya nagpakita sa akin. He's not even contacting me. Hindi ko nga alam kung totoo 'yong sinabi niyang pupunta siya sa wedding ko. I want him to be there because he's my friend.

"Kristy, it's not my feelings to tell. Ayaw kong pakialaman 'yong tao. At saka, he asked me not to tell you. Ayaw ko namang bulabugin siya," Keanna stated. Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang stressed.

Stressed na stressed ako lately. Isang linggo na lang bago ang kasal ko kaya dagdag pa iyon sa stress ko. Gustong-gusto ko nang mag-beauty rest but there's still a lot of stuff to do and to think about.

"Ang hirap talagang maging maganda," I joked.

"Wow ha," Keanna commented. "Nagawa mo pang mag-joke sa lagay na 'yan."

"Ano ba naman kasing magagawa ko? Mukhang messed up na lahat. Lumayo na sa akin si Gelo," I just said.

Ang bigat pala sa dibdib kapag nilalayuan ka ng kaibigan mo. Gustuhin ko mang pilitin siyang pumunta sa kasal ko ay hindi ko naman kayang gawin. Alam kong masasaktan siya and I don't want to add to the pain I already caused him. Ayaw kong maging selfish. Kaso sa tuwing naiisip kong hindi siya makakapunta ay hindi ko maiwasang maging malungkot. Minus one na rin 'yon sa bilang ng mga mahahalagang tao na gusto kong makasama sa kasal ko.

"Aabutan ko pa rin ba siya ng invitation?" Tanong ko kay Keanna. Wala kasi talaga akong idea kung ano na ang gagawin. Never ko naman na-experience ang ganito dati. Eh si Blue pa lang naman ang lalake sa buhay ko (aside from my Dad of course).

"I think so," she replied.

Kaya the next day ay nagtungo ako sa unit ni Gelo. Gusto kong ako mismo ang mag-abot sa kanya. At para na rin makita ko ang kalagayan niya.

Ilang minuto akong kumatok nang kumatok sa pinto niya pero wala namang sumasagot. Idinikit ko ang ulo ko sa pinto, sinusubukang pakinggan kung may ingay ba sa loob. Baka mamaya niyan alam niya pala na ako ito kaya hindi niya ako pinagbubuksan.

"Wala pong tao diyan."

"Ay palaka!"

Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Agad akong napalayo sa may pinto nang nakahawak sa dibdib. Aatakihin ata ako sa puso.

Napatingin ako kay Kuyang Guard na nasa harap ko ngayon.

"Wala pong tao dito?" Tanong ko na lang. Kahit hindi pa rin magkamayaw sa pagtibok ang puso ko dahil sa gulat.

"Ah, opo. Last week lang walang tao diyan," sagot niya. Napakunot-noo naman ako. Saan naman pupunta si Gelo?

"Alam niyo po ba kung saan siya pumunta?" I asked.

"Hindi po eh."

"Marami po siyang dalang gamit paalis?"

"Hindi naman po masyado."

Bigla akong napaisip kung saan posibleng pumunta si Gelo. Kaso wala naman siyang nakukwento.

Nagpaalam na lang ako sa Guard at bumalik na lang sa unit ko.

Maybe I should just asked Keanna.

Pagkarating ko sa unit ko ay naabutan ko pa si Raymond at Keanna na naglalampungan. Na-miss ko tuloy ang Blue ko.

"Keanna," tawag ko sa kanya. Hindi niya kasi pinansin ang pagdating ko. Paano, lahat ng atensyon niya ay nasa boyfriend niya.

"Oh?" She responded.

"Alam mo ba kung saan nagpunta si Gelo?" I queried. Napatingin naman sa akin si Keanna nang nakakunot ang noo.

"Bakit? Wala siya doon?"

"Wala eh," I replied. Naupo na rin ako sa tabi ng magjowa. Pero syempre may safe distance naman sa pagitan namin. "Last week pa daw siya wala doon sabi ng isang guard."

"Anong last week? Eh kakakita lang namin 'nong isang araw," sagot niya na nagpagulo sa akin.

They met the other day?

I see. Iniiwasan niya nga ako.

Pero kung last week pa siya wala sa unit niya, san siya tumutuloy ngayon?

Curiosity got me kaya agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya. Kaso cannot be reached naman siya.

"Iniiwasan niya talaga ako!" I hissed while dialling his phone number again. Kaso ganun pa rin. Still cannot be reached.

Nagtataka namang napatingin si Keanna sa akin sabay kuha ng phone niya at may kung anong dinial.

"Hey! Ba't di ka ma-contact ni Kristy?" Narinig kong sabi ni Keanna. Agad akong napatingin sa kanya at sakto rin namang nakatingin siya sa akin.

"Sino yan?" I asked.

"Gelo," she mouthed saka iniabot sa akin ang phone niya. I see. He blocked me!

"Huy-" Hindi pa man ako tapos magsalita ay namatay na ang linya. "Aba!"

Sa pagkabigla ko ay agad akong nag-text kay Gelo gamit ang phone ni Keanna. Hindi niya naman mababasa kung gagamitin ko ang phone ko.

Hindi pa man ako tapos mag-type ay kinuha ni Keanna ang phone niya.

"Hey-"

"Wag na, Kristy. Baka nagmo-move on 'yong tao," Keanna murmured. "Hayaan mo muna siya. Hayaan mo munang mabawasan 'yong sakit na nararamdaman niya."

"Yeah. Wag mo munang piliting kausapin," Raymond butted in. Nabaling naman ang tingin ko sa kanya.

"You know?" I asked, confused.

"Yeah. She told me," sagot niya sabay turo kay Keanna.

Napasandal na lang ako sa couch. Kahit naman naiinis ako sa lalakeng 'yon, hindi ko pa rin kayang iniiwasan niya ako. Hindi ako sanay na hindi siya nakakausap.

"Come on, Kristy. That'll pass. Wag mo munang pilitin kung ayaw niya. That's the least thing you can do for now. I guess he's moving on so you should cooperate," dagdag pa ni Raymond.

"Oo, Kristy. Naniniwala naman ako sa friendship niyo ni Gelo eh. Hindi naman 'yon aamin tapos hahayaang mawala ang friendship niyo. He treasures our friendship. Siguro he's still weighing things out right now. Babalik 'yon. At sa pagbabalik niya, I'm sure our friendship will still be the same," Keanna stated.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Maybe they're right. Dapat ko muna siyang hayaan kasi hindi siya makakamove on kung patuloy ko siyang gagambalain.

But I just hope, I really hope we'll still be fine sa pagbalik niya. Because our trio won't be complete without him.

With a sigh ay bumalik na lang ako sa unit ni Blue, wishing for Blue to be there.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon