Chapter 21

3.6K 110 2
                                    

Chapter 21

Dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig ni Gelo ay napalo ko siya sa braso. He then acted like he was hurt pero ang totoo niyan eh ako ang nasaktan. Kasi naman nagwo-work out pala itong isa at may katigasan ang braso kaya ako tuloy itong nasaktan. I even mouthed the word 'ouch' na napansin niya ata kaya biglang napalitan ng pag-aalala ang kanina ay aliw na aliw na mukha niya.

"Masakit ba?" He asked worriedly as he took my hand and checked my palm.

"Hindi, ang sarap sa pakiramdam," I answered sarcastically. Bigla ay parang may gumuhit na kung ano sa mukha niya, guilt I bet?

"Sorry. I should've warned you that my biceps are hard. Nasaktan ka tuloy," he murmured sincerely but I can still sense a hint of conceitedness. Inilayo ko nga sa kanya ang kamay ko. Aba, akala ko pa naman nag-aalala 'to eh ibibida lang pala ang biceps. Oo nga naman at matigas pero wala akong pake!

"Nakakahiya naman sayo uy," I said. "Tara na nga lang at baka ma-late pa tayo sa next class natin," sabi ko na lang sabay tayo. Tumayo na rin siya at sumunod sa akin.

"Matigas 'no?" He murmured while chuckling. Nilingon ko siya and gave him a bored look. Aba, ang yabang talaga.

"Yabang," I commented and just looked at straight ahead. Kaso ay bigla niyang ginulo ang buhok ko saka ako inakbayan. Ang bigat ng braso niya!

Pinilit kong alisin ang pagkakaakbay niya kaso hindi ko matanggal-tanggal kasi nga naman mas malakas siya. He was just laughing the whole time. At sayang-saya pa siya niyan ha?

"Bigat-bigat ng braso mo eh!" Reklamo ko na tinawanan niya lang. Reklamo ako nang reklamo, paulit-ulit pero di niya naman pinapansin kaya hinayaan ko na lang. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay ganoon pa rin ang ginagawa niya. Tinukso pa kami ng mga kaklase namin, kesyo ang bilis raw naming naging close. Malamang, eh feeling close rin kasi itong isa.

Natanggal lang ang pagkakaakbay niya sa akin nang maupo na ako sa upuan. Salamat naman!

--

Muntik na akong makatulog sa klase kasi wala si Keanna na dumadaldal sa akin tuwing klase which helps me in keeping myself awake. Si Gelo kasi ay concentrate sa pakikinig. Grade conscious siguro.

Kaya nang matapos ang last class ko for the day ay agad na akong tumayo kasi antok na antok na ako. Mukhang any moment ay titiklop na ang mga talukap ng mga mata ko.

"Uwi ka na?" Gelo asked. Sinabayan niya na ako sa paglalakad papuntang gate. Akmang aakbay pa nga siya kaso inunahan ko na siya at inilayo ko na ang sarili ko sa kanya.

"Aakbay ka na naman? Alam mo bang ang bigat ng braso mo? Para na rin akong pumasan ng isang sakong bigas," I murmured and he just chuckled.

"Sorry," natatawa niyang sabi. "So ano nga, uwi ka na?"

"Oo. Antok na antok na ko," I answered.

"Halata nga. Kulang na nga lang kanina eh lagyan mo ng stick iyang mga talukap mo para wag lang magsara," he stated. Ganun kahalata?

Hindi ko na siya sinagot kasi hikab na ako nang hikab pero salita pa rin siya nang salita. Ang daldal pala nito.

"Pauwi ka diba? San ka uuwi? I brought my car. Baka gusto mong sumabay," Gelo mumbled.

"Wag na. Malapit lang naman 'yong dorm ko. Magta-taxi na lang ako," I said. Papara na sana ako ng taxi, but a familiar car stopped in front of me. Maya-maya ay lumabas mula rito si Blue, eyeing me with his usual unreadable eyes.

"Looks like... may sundo ka ata," I heard Gelo said kahit na medyo pabulong niya lang iyong sinabi.

Hindi ko ulit iyon sinagot. Tiningnan ko lang si Blue who's looking intently at me right now.

"I'll take you home," he said. But now he's looking at Gelo.

"Ah, oo nga pala, si Gelo, kaibigan ko," pakilala ko. I turned to Gelo, "Gelo, this is Blue." I don't know if I should say he's a friend, a suitor, or whatever so I just stopped there.

"Hi," Gelo grumbled as he offered his hand for shake hands, Blue took it.

"Sa kanya na ako sasabay, Gelo."

"Sige. See you tomorrow na lang," he readily replied.

"Sure. See you."

"Ingat kayo."

"Ikaw rin."

That was our last conversation before I went inside Blue's car and locked up in silence. Heto na naman ang awkward na katahimikan. Hindi na naman nagsasalita si Blue. Wala pa naman akong baon na kahit anong topic since I still don't feel comfortable talking to him dahil sa nangyari last time.

Hindi pa rin ata naa-absorb ng utak ko ang mga nangyari. Para bang when it comes to him eh tumitigil sa pag-iisip ang isip ko. Nakakaloka.

"You have plans tonight?"

Agad akong napalingon kay Blue nang magsalita siya. Buti naman. Kasi mukhang mapapanis na ata ang laway ko.

"Wala. Bakit?" Tanong ko kahit na obvious naman na aayain niya ako 'no. Para may masagot lang talaga at para na rin mapahaba ang usapan.

"Care to have dinner with me?" Aba, tinatanong pa ba 'yan?

"Okay lang. Wala naman ata akong gagawin," kunyari ay chill na sabi ko when in fact eh ang saya-saya ko. Ewan ko ba. One moment gusto kong magtampo tapos the next ang saya ko na. Nababaliw na ata ako.

"Okay, then. We'll just go straight there."

"Daan muna tayong dorm. Okay lang? Magbibihis lang ako," I said and he just nodded.

Matapos iyon ay balik tahimik na naman kami. Bakit ba kasi naging ganito. Sa sobrang tahimik ay ang dami ko tuloy oras para mag-isip ng kung ano-ano, including Keanna. Kumusta na kaya iyon? Malamang kinakabahan na 'yon. First niya pa naming makipag-meet sa parents ng boyfriend niya. Of course that would put a lot of pressure on her kasi dapat maganda first impression sa kanya ng parents niya. Mahirap na, baka magka-complicate pa kung may ayawang magaganap.

Few more minutes at nasa harap na kami ng dorm ko. Agad na akong bumaba and just told Blue to wait for me in the car kasi mabilis lang ako. Tinakbo ko pa nga papasok ng dorm para hindi masyadong matagalan. Didiretso na sana ako sa may stairs at palagpas na sana sa lobby when someone called me. Agad akong lumingon only to find my Mom sitting on the sofa. After seeing me, she stood up and walked towards me with a smile on her face.

"How's my lovely daughter?" She asked.

Uh-oh. I'm not prepared for this.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon