Chapter 19

4K 107 4
                                    

Chapter 19

Nabigo ako. Nabigo akong makuha ang loob ni Blue. Ang akala ko ay kapag nasabi ko na sa kanya nag nararamdaman ko ay magkakaroon na ng something special sa aming dalawa.

Hindi pa ba something special ang ginagawa naming churvahan?

For a moment, I wanted to slap myself. Eh kasi kung ano-ano na lang ang naiisip ko. Ang manyak-manyak ko na. Buti sana kung may maitutulong itong pagiging manyak ko sa improvement ng relationship namin ni Blue.

Ilang segundo pa ang dumaan pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nagulat ko ba siya? Nabigla ba siya sa sinabi ko? Ano ba dapat gawin ko ngayon? Ano ba dapat ang sabihin ko? Shet, ito na nga ba ang sinasabi ko. Masyado talaga akong padalos-dalos.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang lumingon siya sa akin. Pero wala naman akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya.

"I'll take you home," sabi niya saka naglakad papunta sa kotse. Ni hindi niya man lang ako nilingon at diretso lang na sumakay sa kotse. But he said he'll take me home. Hindi ba kami magsi-sex? Ayaw na niya?

Sa di ko malamang dahilan ay nakaramdam agad ako ng kirot sa dibdib. Did I just felt my heart continuously breaking into pieces? With that thought ay bigla na lang uminit ang sulok ng mga mata ko. This is gonna be the end of me.

Huminga ako nang malalim at pinaypay ang mga mata. Hindi dapat ako umiyak. I shouldn't be crying just because I felt rejected when he didn't even react with my confession and for not getting sex tonight. Nakaka-frustrate man pero siguro may limitasyon talaga lahat ng bagay. Hindi ibig sabihin na gusto mo eh makukuha mo na. Siguro kailangan ko lang ng mas mataas na pasensya. Sige lang, sabi nga nila, patience is a virtue.

Matapos kong palakasin ang loob ko ay sumunod na rin ako kay Blue at tahimik na pumasok sa kotse. Medyo awkward pa nga pero hindi ko na iyon inisip. Ida-divert ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Tutal tahimik lang rin naman si Blue at mukhang walang ganang magsalita. Masasayang lang laway ko.

Naging abala ako sa pagmamasid sa paligid na hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng dorm. Agad na akong bumaba at hindi na nag-abalang magpaalam sa kanya. Hindi ko alam pero parang may parte sa puso ko ang naapakan. Masakit.

Pagkarating sa kwarto ay wala pa roon si Keanna. May lakad pa siguro 'yon kasama si Raymond. It was a relief anyway. At least walang mangungulit sa akin. Kaya matapos makapagpunas at bihis ay agad na akong nahiga sa kama. And later fell asleep with a heavy heart.

Kinabukasan ay inagahan ko ang paggising para mag-exercise nang konti kasi nararamdaman ko nang tumataba na ako. I was in the middle of my yoga when I heard my phone ringing. Hindi ko sana iyon sasagutin dahil ayaw kong maistorbo sa ginagawa ko. But the caller was persistent kaya saglit muna akong tumigil para sagutin ang tawag. It was Blue.

"Yes?" I answered. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Ang aga naman kung tumawag.

"Breakfast?" He asked. Naisip niya rin kaya ang sinabi ko kahapon? Hindi ba siya nakatulog nang maayos? Na-realize niya na ba na ganun rin ang nararamdaman niya para sa akin?

Hay. Heto na naman ako sa pagiging assuming. Kaya tayo nasasaktan eh.

"Okay," I just said. Matapos iyon ay naghanda na ako at bumaba para hintayin siya. Sakto ring pagkababa ko ay ang paghinto ng sasakyan niya sa tapat ng gate. I didn't wait for him to open the door for me and just hopped in myself.

Diretso lang akong nakatingin sa unahan, naghihintay na magsalita siya. Few seconds but he still hasn't started the engine. Kaya nagtaka ako at nilingon siya. He was looking at me.

Ano ngayon? Magsusukatan kami ng tingin?

"I know why you're acting like this," he murmured. Manhid ba siya or sadyang tanga lang ako?

Hindi ako sumagot at nagpanggap na lang na walang narinig. Ayoko nang mapahiya. Masyado ko nang ipinahiya ang sarili ko. Kailangan ko rin atang magtira ng kahit konting kahihiyan.

I heard him took a deep breath and started the engine. Nagmaneho siya and later on, parked the car near a café. Sa sobrang pre-occupied ko ay hindi ko iyon agad namalayan.

Bago pa man niya ako pagbuksan ng pinto ng kotse ay binilisan ko na ang pagbaba. Syempre nasa tampo mode pa ako ngayon kaya mag-iinarte muna ako, which I don't even know why. Ang pabebe ko. Pero can someone blame me? I was hurt.

Nauna na akong pumasok sa café and looked for a table for us. Siya naman ay nakasunod lang sa akin. We started ordering nang hindi pa rin nag-iimikan. Mas mabuti na 'to para naman walang masaktan kung sakali mang may lumabas na kung ano sa mga bibig namin.

At iyon nga ang nangyari. Buong oras na magkasama kami ay walang nag-attempt na magsalita. Mukha kaming mga pipi habang kumakain. Kahit 'nong natapos na kaming kumain ay wala man lang ring nagpaalam sa amin. Dire-diretso na akong pumasok sa loob ng dorm. Ganon ba talaga kasama ang loob ko sa kanya para maging ganon kami? Gaano bang nasaktan ang bangs ko? Ang OA na ata.

Wala na rin lang akong nagawa kaya pumasok nalang ako sa school. Medyo maaga pa pero keri lang para may oras pa akong magmuni-muni at mag-isip-isip.

Nasa classroom na ako, without Keanna beside me. Malamang magkasama na naman sila ng boyfriend niya. 20 minutes pa naman before class kaya siguro sinulit muna nila.

Nakatulala lang ako the whole time I was alone in the classroom. Wala pa rin kasi 'yong mga classmates ko. But that's just what I thought. Kasi the whole time na nakatunganga lang ako ay nasa tabi ko pala iyong Gelo na iniiwasan ko. Shems, ang tanga ko talaga forever!

"You've been spacing out for minutes," I heard him said. Shemay, ang hot niya nga lalo na't nag-eenglish pa siya.

I faked a smile at him and pretended to be chill. Pero putspa, nahihiya na naman ako.

He suddenly chuckled na ikinagulat ko. Ano na naman kayang pinagtatawanan nito? Do I look like a clown?

"Sorry for laughing," he said. "Come on, hindi naman ako nangangagat. Why do you look so scared?"

Agad akong napahawak sa pisngi ko. Ganon ba ko ka-obvious?

"Let's be friends, Kristina," he said as he offered his hand. Hindi ko iyon tinanggap. But I was surprised when he took my hand for shake hands.

Iba ka rin, Koya.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon