Chapter 27

2.8K 72 1
                                    

Chapter 27

"Good morning," bati ko kay Blue. Kagigising niya lang samantalang ako ay kanina pa. Hindi lang ako bumangon para tumabi pa sa kanya.

"Morning," he replied. He caressed my arms na tila kumuryente sa balat ko.

Dahan-dahan siyang bumangon kaya bumangon na rin ako. Blanket lang ang nakabalot sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Grabe, ang wild ni Blue.

Agad na nagbihis si Blue saka lumabas ng kwarto. Ni hindi niya man lang ako niyayang lumabas para sabay na kami. Minsan talaga iniisip ko, boyfriend ko ba talaga 'to? Minsan, nagpapaka-boyfriend. Minsan naman parang wala lang kami. Grabe ang pagka-moody. Dinaigan pa ako. Kung hindi lang talaga siya magaling, nako baka matagal na kaming wala.

Nagbihis na rin ako at sumunod kay Blue sa labas. Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang naghahanda na ng makakain namin.

Naupo lang ako sa may dining area at tinitingnan ang bawat kilos niya. Kung iisipin, para na kaming mag-asawa. Kasal na lang ang kulang. At siguro dagdag na pagmamahal pa.

Naks.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko. Wala kasi akong magawa tapos hindi pa siya nagsasalita. Ang suplado talaga. Akala mo naman pasan niya ang mundo. Saka naka-mute rin ata siya. Di masyadong nagsasalita eh.

"Nah, I'm fine," walang kabuhay-buhay na sagot niya. Napasimangot na lang ako. Para kasing hindi siya masaya na ako 'yong una niyang nakita sa umaga. Nakakalungkot.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala kasi ata siya sa mood.

"Uwi na muna ako," sabi ko sabay tayo. Mas mabuti sigurong umuwi na muna ako sa unit namin. Wala kasi ata talagang gana makipag-usap si Blue. Matapos niya akong pagurin nang sobra kagabi.

"Stay," wala pa ring kabuhay-buhay na sabi niya. Mas lalong gusto ko na lang umalis.

Hindi ko alam anong pinagdadaanan nitong si Blue. Baka napagod kakatrabaho. Ang sungit, daig pa ang babaeng may mens. Nahahawa na rin ata ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng inis.

"Wag na. Mukhang hindi ka naman masaya na nandito ako," sagot ko saka tinalikuran na siya.

Nakakainis lang isipin na parang kagabi lang parang sabik na sabik siya sa akin tapos ngayon naman parang ayaw niya akong makita sa sobrang sungit niya. Nakakawala ng ganang manatili dito. Nakaka-bad vibes. Balak ko pa naman sanang sabay kaming mag-shower para masaya kaso wag na lang. Nawalan na ako ng gana.

"No, stay," sabi niya ulit.

I rolled my eyes. Hindi niya naman makikita.

"Wag na nga kasi. Aalis na lang ako. Nakakahiya naman at nasira ko ata ang mood mo," agad na sagot ko.

Just when I was about to take another step ay natigilan ako.

"Kristina, stay," matigas na sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang meron sa tono na 'yon at napabalik ako ng upo sa kaninang inuupuan ko.

Para akong bata na biglang naging masunurin nang marinig ang pagalit na boses ng nanay. It shouldn't be this way. Hindi dapat ako takot kay Blue. Pero bakit parang ako ata ang submissive?

Tahimik na lang akong naupo at pinili na lang wag magsalita. Baka mas lalo pa kaming mag-away kapag ibinuka ko pa ang bibig ko.

Ilang minuto pa ang dumaan bago natapos si Blue sa niluluto niya. Agad siyang naglapag ng pagkain sa mesa. Ako naman ay parang batang nakasimangot. Ayaw ko siyang pansinin kasi nasaktan ako nang hindi niya ako masyadong pinansin kanina. Minsan nga napapaisip ko, masyado ata akong clingy at needy. Pero kasi sadyang cold lang talaga siya minsan. Daig pa ang yelo. Di ko alam bakit ko nagustuhan 'to.

Nang matapos siya sa ginagawa ay naupo na siya sa harapan ko. Nakayuko lang ako at walang balak na tingnan man lang siya sa mata. Bahala siya.

"Kristina, eat," sabi niya. Sa tono ng boses niya, para siyang nag-uutos sa aso. Aso ba ako? Anong akala niya sa akin? Sunud-sunuran sa kanya? Ha! Asa siya! Away na kung away!

Hindi ako kumilos at nanatili lang nakayuko. Manigas siya. Hindi ko siya papansinin.

Ilang segundo ang dumaan. Hindi pa rin kumikilos si Blue. Hanggang sa marinig ko siyang nagbuntong-hininga.

"I'm sorry," he said. Hindi ko siya sinagot. Anong akala niya? Ganun-ganun na lang 'yon? Matapos niya akong sungitan? Magso-sorry lang siya tapos okay na? Manigas talaga siya kasi susungitan ko rin siya. It's my time to shine!

"Hey," mahinang sabi niya. Hindi pa rin ako nagpatinag at nanatili lang nakayuko.

Maya-maya ay narinig ko ang pagtayo niya. Ang akala ay aalis siya at mag-aaway na kami. Pero naramdaman ko na lang ang presensya niya sa tabi ko. He sat on the chair next to me. Saka ko naramdaman ang kamay niyang hinawakan ang chin ko para iangat ang ulo ko.

"Hey, I'm sorry," mahina niyang sabi.

Pinilit niya akong pinatingin sa kanya kaya nagpapilit na lang ako.

He looked at me in the eyes and so did I. This time ay may nakita akong something sa mata niya na para bang nagsasabing patawarin ko na siya.

"I'm sorry, okay?" He softly said.

Tinitigan niya ako sa mata. Sa tagal ng titigan namin ay para akong nalulunod. Hanggang sa naramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Are we fine?" Tanong niya. Hindi ako sumagot kaya hinalikan niya ulit ako.

His lips were moving slowly on my mouth. Na-tempt akong sagutin ang halik niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Until he bit my lower lip which made me open my mouth a bit and that's when his tongue explored my mouth.

Agad akong napahawak sa batok niya sa sensasyon na nararamdaman ko. And the next thing I knew ay nakaupo na ako sa lap niya, my legs around his thighs. Nararamdaman ko na rin ang pag-iinit ng katawan ko.

This time I answered his kisses as intense as what he's doing. Oara na akong mawawalan ng hininga pero sige pa rin ako. Hindi ko alam anong meron sa bibig ni Blue at sa tuwing hinahalikan niya ako ay parang ayaw ko na lang tumigil. Until he stopped kissing me which annoyed me a bit.

"Are we good now?" Tanong niya na sinagot ko na lang ng tango.

Shocks. Halik lang pala ang katapat ko.

He kissed me again. But just when I was about to involve my tongue ay tumigil siya.

"Shall we eat first?" Tanong niya. Ayaw ko pa sana because I just wanted to kiss him. But his next words made me nod my head.

"We'll do it under the shower," he whispered in my ear as he bit it. I felt his tongue wet my ear too.

God, that was good.

Kaya agad kong binilisan ang pagkain ko so I could eat my dessert next...

Under the shower.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon