Chapter 26

3K 78 0
                                    

Chapter 26

Ilang linggo na rin ang dumaan simula nung makita ko si Blue na may kasamang magandang babae sa restaurant. Medyo busy nga siya nitong nakaraan kaya hindi kami masyadong nagkakausap. Hindi ko rin siya natatanong tungkol doon sa nakita ko. At mukhang hindi ko na rin maitatanong kasi ayaw ko nang ungkatin. Baka pag-awayan pa namin. Saka may tiwala naman ako sa kanya.

"Nakakapagod na," reklamo ni Keanna. Tapos na ang semester kaya heto kami at nag-aayos at nagbabalot ng mga gamit kasi lilipat na kami sa isang condo.

"Bakit ba kasi ang dami nating mga gamit?" Reklamo ko rin.

Kanina pa ako napapagod. Actually ay kahapon pa kami nagsimulang mag-impake. Kaso sa sobrang dami ng mga gamit namin ay naabutan kami ng isang araw.

"Oo nga. Bakit nga ba?" Pabalik na tanong ni Keanna.

Medyo marami-rami pa ang mga gamit na hindi namin naaayos kaya mukhang matatagalan pa kami.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos namin ay may kumatok sa pinto. Since ako ang malapit doon ay ako na ang nagbukas.

"Hi," bati ni Gelo. Nanlaki pa ang mga mata ko kasi paano siya nakapasok? The last time I checked ay bawal pumasok ang boys dito.

"Hala. Paano ka nakapasok?" Tanong ko.

"Nakiusap ako sa landlady niyo," sagot niya saka diretsong pumasok sa loob ng kwarto namin. Medyo nahiya pa ako kasi ang dumi ng paligid. "Ang sabi ko ay tutulungan ko kayo sa pagliligpit."

"At pumayag naman?" Tanong ni Keanna.

"Yup," he replied. "So, anong maitutulong ko?"

"As in?! Ma-text nga si Mond para papuntahin dito," agad na sabi ni Keanna. Agad siyang tumayo at kinuha ang cellphone saka lumabas ng kwarto.

"Pakilagay na lang lahat ng mga books na yan sa box," utos ko. Itinuro ko sa kanya iyong pile of books na ginamit namin noong nasa lower years pa kami ni Keanna.

"Dadalhin niyo 'to?" Tanong niya habang sinisimulang gawin ang utos ko.

"Hindi. Itatapon namin 'yan."

"Seryoso?"

"Joke lang," sabi ko. Ang bilis talaga mauto nitong isang 'to. "Baka ibenta namin 'yan online. For the lower years. Yung iba kasi diyan hindi na available sa bookstore."

Tinulungan nga kami ni Gelo sa pag-iimpake. Maya-maya rin ay dumating si Raymond at tumulong na rin. Tuwang-tuwa pa nga ang kaibagan kong maharot kasi andito boyfriend niya. Napaka-PDA pa.

Kung andito lang sana si Blue.

"San ba si Blue? Ba't di mo papuntahin dito?" Tanong ni Keanna.

"Busy 'yon. May work pang tinatapos," sagot ko naman. Na-text ko kasi siya kanina at iyon nga ang sabi niya, busy raw siya. Pero ang sabi niya naman ay babawi siya sa akin.

"Napaka-mysterious talaga niyang si Blue," Keanna mumbled out of the blue. Agad naman akong napatingin sa kanya.

"At bakit naman?"

"Feel ko lang. Babe, diba friends kayo?" Baling niya kay Raymond. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o hindi talaga agad nakapagsalita si Raymond. Kinakabahan tuloy ako. Baka may tinatago silang hindi ko alam.

"Ganyan talaga 'yan si Blue. He's building his own name kaya ganyan ka-workaholic," sagot ni Raymond. That made me not think about what I just thought earlier.

Dahil sa tulong nina Raymond at Gelo ay napadali ang pag-iimpake namin. Kaya nang matapos kami ay agad kaming nagpadeliver ng pizza at dito na sa kwarto kumain. Sad nga lang kasi wala rin akong malandi kasi wala dito si Blue.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon