Chapter 31

2.7K 63 2
                                    

Chapter 31

"Liko ka diyan," I instructed Blue. Papunta kami ng bahay ngayon.

Napagdesisyunan kong ipakilala na siya sa parents ko. Gaya ng sabi ko, I want to say it slowly sa parents ko para hindi naman sila mabigla. Nasabi ko na iyon kay Blue. Ang sabi niya ay ready naman daw siya. Hindi raw siya kinakabahan but I could see it in his eyes. Napangiti na lang ako.

Inutusan kong bumusina si Blue nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin. Ayaw niya sana at bababa na lang siya but I insisted.

Agad naman kaming pinagbuksan ng gate ng katulong namin. Medyo malaki rin ang garahe namin so we still have space for Blue's car.

Nang mai-park na nang maayos ang sasakyan ay narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. Natawa naman ako kasi ang sabi niya hindi raw siya kinakabahan, that there's nothing to be nervous about. Pero halata naman sa mga kinikilos niya.

"Kinakabahan ka 'no?" I teased.

"No," agad na sagot niya.

"Asus, kunwari ka pa," I said. I held his hand and squeezed it. "Mabait ang parents ko. I'm sure they'll like you," I added.

I saw him smile a little. Kaya inaya ko na siyang bumaba para makapasok na kami.

I already called home last night. Sinabihan ko na si Mommy na pupunta ako rito at may dala akong bisita para naman makapaghanda sila at hindi sila mabigla. Kaya hindi na rin ako nabigla nang makapasok kami ng bahay ay tanaw ko agad ang mala-fiestang pagkaing hinanda ni Mommy.

"Mommy, andito na ako," sigaw ko pagkapasok. Nakita ko namang dali-daling lumabas si Mommy ng kitchen. Naka-apron pa siya at may hawak na spatula.

"Hi," masiglang bati ni Mommy. Saglit siyang lumapit sa maid and instructed her something saka tinanggal ang apron. Agad siyang lumapit sa akin pagkatapos at sinalubong ako ng yakap.

"I'm glad you're finally home," she said.

"Si Daddy?" Tanong ko.

"Nasa library," sagot niya. Napatingin naman siya kay Blue, and then to me. "At sino itong gwapong kasama mo?" Nakangiting tanong niya.

"Mommy, si Blue po, boyfriend ko," pakilala ko. Agad namang lumapit si Blue kay Mommy. Nabigla pa ako nang bigla siyang magmano.

"Hi po, tita," he greeted.

"Ito na ba si Mr. Right?" Tanong ni Mommy sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ko. Kung ano-ano talaga itong sinasabi ni Mommy.

"Mommy talaga," nahihiyang sabi ko.

"What's wrong with what I asked? As far as I know ang nasa isip mo ay hindi ka magbo-boyfriend hangga't hindi siya si Mr. Right. So siya na nga ba si Mr. Right?" Tanong ulit ni Mommy.

Napangiti na lang ako kay Mommy. Di ko kasi alam anong isasagot.

"What's happening here?"

Sabay kaming napatingala sa second floor nang marinig na magsalita si Daddy. He was walking down the stairs now at papalait na sa amin.

"Daddy," I said as I hugged him.

"Ano itong mga narininig ko kanina?" Tanong ni Daddy.

"Ah Daddy, si Blue po pala, boyfriend ko," pakilala ko ulit. As expected ay agad lumapit si Blue at nagmano kay Daddy. I could sense na natataranta siya. Ang cute lang.

"Hello po. Nice meeting you," Blue said. Saglit lang siyang tinitigan ni Daddy, his face unreadable.

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Tanong ni Dad kay Blue. Napatingin naman ako kay Blue at ngayon ay kita ko nang kinakabahan na talaga siya.

"Daddy naman," pigil ko.

"Yes, sir. Seryoso po," sagot ni Blue.

"Mabuti naman. At ayokong sinasaktan ang anak ko," Dad added.

Saglit na humari ang katahimikan sa amin. Ang awkward tuloy. Napaisip tuloy ako kung tama bang ngayon ko dinala si Blue sa bahay. Is it too early?

"Buti na lang you called last night kaya nakapaghanda ako," basag ni Mommy sa katahimikan. "Halikayo at kumain na tayo."

"Are you okay?" I whispered to Blue.

"I'm fine," he replied.

Isa-isa kaming naupo sa dining. Medyo awkward pa rin kasi hindi mabasa ang mukha ni Dad. Hindi ko tuloy alam kung nasiyahan ba siyang may ipinakilala ako o wala. Feel ko naman cool lang si Daddy sa idea na magka-boyfriend ako. Never naman kasi nila akong pinagbawalan. Although, I don't know what his thoughts are right now.

Tahimik lang kami nang magsimula kaming kumain. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga kami ganito. Medyo maingay kami habang kumakain. Hindi ko ngga lang alam kung abkit ang tahimik ngayon. Siguro ay dahil may iba kaming kasabay ngayon sa pagkain.

"So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Tanong ni Dad kay Blue.

"I'm working on my Dad's architecture firm po," he quickly replied.

Shoot.

"Di ko pala alam 'yon. Well, now I know.

"Saan kayo nagkakilala ni Kristina?" Dagdag na tanong ni Dad. Nanlaki naman ang mga mata ko nang maalalang sa bar nga pala kami unang nagkita. And my parents know I don't go to places like that.

"Ah, pinakilala po siya sa akin ng boyfriend ni Keanna. Magkaibigan po kasi sila," agad na sagot ko. Napatingin naman sa akin si Blue nang nakakunot ang kilay. Sinenyasan ko na lang siya na sakyan ako.

Sorry po sa pagsisinungaling. Feeling ko kasi hindi magiging maganda ang impression ng parents ko if I say it. Hindi naman sa hindi ko ipinagmamalaki na nakilala ko si Blue. It's just that my parents are quite conservative kaya maaring maisip nilang bad influence siya sa akin. And ayaw ko namang magkaroon sila ng bad impression.

I know I did something wrong there and I somehow felt guilty pero bahala na si batman.

Kung ano-ano pa ang itinanong ni Daddy at maayos naman iyong sinagot ni Blue. Medyo tumatawa na rin si Daddy nang dumaan ang ilang minuto ng usapan kaya medyo napanatag na ako.

Nagpatuloy pa ang usapan namin matapos kumain. Ilang oras rin kaming naupo sa may sala. Mom and I are having tea while Dad and Blue are having coffee. Ang saya nga naming tingnan kasi para kaming isang buong pamilya.

As I look at them, wala akong ibang maramdaman kundi kasiyahan. Ang sayang isipin na tanggap nila si Blue. Hindi naman nila sinabi nang direkta pero ramdam ko. Hindi rin naman kasi mahirap magustuhan si Blue. Hindi kasi siya iyong Blue na una kong nakilala. He's quite different now, madaldal na at madalas na ring tumawa at ngumiti. Minsan nga napapaisip ako, ako ba ang dahilan kung bakit nagbago siya?

Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang minamasdan ang mga mahal ko sa buhay na magkasama at masayang nag-uusap. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko na tuloy pakasalan si Blue.

"Are you happy?" Tanong ni Blue 'nong kami na lang dalawa ang naiwan sa sala. Umakyat na kasi si Mommy at Daddy kasi may aasikasuhin pa.

Nakaupo lang kami ngayon sa sofa. Nakasandal ako sa balikat niya, his arms around my shoulder. Pini-picture out ko pa lang itong posisyon namin, kinikilig na ako. Mas romantic pala ito kesa sa ibang mga positions.

"Sobra," I replied.

Narinig kong nagbuntong-hininga siya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"May problema ba?" Tanong ko.

"No. Don't mind me," sabi niya saka pinasandal ulit ako sa balikat niya saka naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng ulo ko.

Kinilig ata ang mga alaga ko sa tiyan sa kiss na 'yon. Mas iba pala talaga sa pakiramdam kapag ganoon. Para bang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal.

Sana ganito lang kami palagi, walang problema, walang drama. I like it this way. Sana magtuloy-tuloy na 'to.

Sana.

And Then It Happened (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon