Fell on the Ground

Start from the beginning
                                    

"Okay!"

Kahit hindi na siya nakatingin ay hindi ko magawang tumingin muli. Inuunahan ako ng hiya sa aking sarili. Hiya na nakita niya ang video. Kung paano ako kasaya sa pag-aakalang puno ng pagmamahal ang bawat halik niya sa akin. Sa bawat pagkukusa kong pag-alay ng aking sarili sa kanya. Walang ideya na binababoy niya na pala ako. Lihim na tinatawanan sa paniniwalang totoo ang kanyang pagmamahal. Lalo ko pa siyang minahal sa kanyang kasinungalingan sa kabila ng kinukuhaan pala niya ang ako ng video.

Suminghot ako dahilan kung bakit siya lumingon sa akin.

"Huwag kang lalapit."

Huminto siya. Nananatiling nakatingin sa akin.

Lalo akong nandidiri sa sarili ko. "What are you doing here? Go away. Don't make me feel like I am the dirtiest living creature!"

"Do you really want me to leave?"

"Go away!" I screamed at the top of my lungs.

I heard him loudly took a deep sighed. "If that's what you want... then."

Tiniis kong huwag lumuha habang papalayo siya. Kahit pa parang dinudurog ang puso ko habang pinapanood ko siyang bumabalik sa nayon. Bumuhos ang luha ko ng makita ko siyang sumakay sa Dodge Challenger niya at umalis. I covered my face with my palm and cried harder.

Akala ko wala na akong iluluha pa matapos ng limang araw na paghihinagpis. Hanggang ngayon ang sugat sa aking puso ay hilaw pa. Ang sakit-sakit na ang nag-iisang taong gusto kong makita ang maayos kong pagkatao ay masasaksihan ang pinakamasakit na maaaring mangyari sa akin. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kaya.

Tulala ako sa kawalan ng lapitan ni Lani.

"Ma'am. Tara na po?"

Tumango ako at sumunod sa kanya. Papalubog na ang araw ng makauwi kami lulan ng kabayo. Angkas ako ni Martin, habang si Lani ay sakay ng isa pang kabayo. May pinag-uusapan sila, samantalang ako ay nananatiling tulala sa kawalan.

"Kumakain po ba kayo ng mais, Ma'am?"

Tinitigan ko ang magandang mukha ni Lani. She is smiling genuinely. I can't bear to be rude or acted sad again. "Oo, Lani. Tutulong ako sa pagluluto."

"Huwag na, Ma'am. Laga lang naman ang gagawin ko."

"Kahit na. Tutulong ako."

Sumama ako sa kanya sa likod. Hindi gaya noon ay mas maliwanag na ang kubo ngayon. Nagulat din akong may refrigerator na roon at electric fan. Nag-improve rin ang sala dahil sa makukulay na kurtina at bagong flat screen TV. Sa limang araw kong hindi paglabas sa kuwarto ay hindi ko manlang napansin iyon. Hindi rin naman ako nagreklamo kung mainit dahil malamig ang simoy ng hangin kapag gabi.

"Damihan mo ang mais, Honey. Favorite ko pa naman 'yan," tukso ni Martin.

Tumawa si Lani. "Alam ko." Sumulyap siya sa akin bago nagpatuloy sa pagsaalita, "Pasensiya na, Ma'am kung ito lang ang hapunan natin. Siguro po ay masasarap ang pagkain niyo kapag hapunan."

Natulala ako kay Lani. Gusto ko sanang ipagmalaki sa kanyang tatlo o higit pa sa putahe ang niluluto kada meal namin, kaso naisip kong there is no good in being arrogant. Especially when you know that these people only eat corn for their dinner. They are satisfied with it. While sometimes I don't have the appetite to eat even if the foods are superb and delicious.

Hindi ko manlang naisip na maraming nagugutom, pero ako ay tinatanggihan ang isusubo nalang sa akin na grasya.

"Lani, mahilig din ako sa mais."

"Naku, dapat ko yatang dagdagan ito."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nagugutom na rin ako kakaiyak kanina, kaya baka nga marami akong makain.

Scurrilous AffairWhere stories live. Discover now