"Gi-gino. Sasama na lang kas-si ako."

"Liyah, napag usapan na natin to. Kailangan ko to. Kailangan ko ng oras mag isa." Humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya.

Nagbuntong hininga muna sya bago magsalita. "Hay, basta bumalik ka ng walang galos ha. Sa-saka yung mga pasalubong ko!"

Tss. Pasalubong agad talaga oh. Haha.

"Hay. Oo na. Ikaw pa. Lahat ng bilin mo tatandaan ko. Ayan na nga oh, may listahan na. HAHAHA." Habang pinapakita ko sa kanya ang listahan ng mga gusto nyang pasalubong.

Sige na, mahal ko naman yan bilang nakababatang kapatid. Apat na taon din kasi ang tanda ko sa kanya. Umaakto lang ako bilang isang kuya sa kanya. Kami ni Kuya Mark.

"Osige na, paalam na. Papasok na ko. Mag iingat kayo dito ha." Sabi ko sakanilang dalawa habang papasok na sa loob.

"Brad, yung akin din ha!" Pahabol pa ni kuya. Haha.

----

After approximately 12 straight hours ng byahe. Andito na ko sa... London.

Yes, London, England. Ang place ni Harry Potter at One Direction. HAHA.

Alam ko lang to, pano si Mika at si author fan na fan ng 1D at ni Harry Potter. Sus, mas gwapo ako sa mga yan!

(LOL Gino. Oo na gwapo ka na. Pero gwapo din sila ;>)

Ayun na nga, actually di ako maghohotel dito kasi may pinagawa din akong bahay dito. Dito ko naisipang magpagawa ng vacation house kasi nakwento sakin noon ni Mika na gusto nya daw pumunta at tumira sa London.

**

"Huy Gino! Gino! Tingnan mo oh. Ang ganda at ang gwapo talaga ni Prince William at ni Kate Middleton! Bagay na bagay. Hihi. Grabe, gusto ko talaga tumira dun. Parang ang sarap sarap. Tapos gusto ko din magbuhay prinsesa. Hihihi." Pangungulit ni Mika sakin habang pinapakita yung magazine na ang cover ay ang bagong kasal na sina Prince William and Kate.

"Teka Mika, natutulog naman ako e. Istorbo naman to oh." Haay kulit, inabala yung pagtulog ko.

"Sus! If I know, nananaginip ka na nasa HANNY land ka. HAHAHAHA."

(HANNY is yung candy bar na binigay ni Gino kay Mikay sa PrincessAndI. Masarap yun. Lagi ako kumakain nun dati e :)) )

Ayy loko. Baliw talaga to.

"Tss. Hindi no! Pinagsasasabi mo jan."

"HAHA. Ayan oh! You're drooling. Eew. Namamantasya ka na naman sa Hanny." Turo nya sa may labi ko.

Hinawakan ko yun at... tssss.. wala naman e. -__- Pinagtitripan na naman ako.

"HAHA. Uto uto ka Gino! Hahahaha." Cute talaga nito pag tumatawa. Haay.

"Ah. Uto uto pala ha. Halikan kita dyan e. Ano!" Biro ko sa kanya habang lumalalapit.

Nalayo naman. Haha. Natakot to sa seducing charms ko. Bwahaha.

"Ano Mika, uto uto ba ko?" Nilapit ko sa muka nya ang muka ko. Hindi na sya makakaalis kasi nacorner ko na sya. Bwahaha. Sige, asarin mo pa ko lagot ka sakin.

"A-aah eh. De. Jo-joke lang. Hihi. La-layo ka na dali."

Napangisi naman ako dun.

More Than ThisWhere stories live. Discover now