"Painosente ka pa!"

"Aray! Oo na, tama na--aray! Tama na. Baka masira na 'yung mukha ko, sayang."

"Kapal mo! Hindi ka na gwapo!"

A-anong sabi ko?

"Edi ibig sabihin, naging gwapo ako sa paningin mo?"

"Heh! M-manahimik ka na at mag-drive ka na lang." Sabi na nga ba at lalaki na naman ang ulo nitong panget na 'to.

♥-♥-♥

Mga after 15 minutes, nakarating kami sa isang fast food chain. Pagpasok namin sa loob, pinagtitinginan pa rin siya. 'Yung isa ngang employee nakabunggo ng tao eh. Napagalitan pa tuloy siya.

"Grabe, gan'on na ba kalakas ang appeal ko?"

"Gusto kitang sabunutan ngayon pero public kasi ito kaya hindi ko magawa."

"Ang sadista mo pa rin talaga, Angel ko."

"T-tigilan mo ako! Bahala ka na ring um-order dyan!" Naghanap na lang ako ng mauupuan at inilabas ko ang cellphone ko para masabing may pinagtutuunan ako ng atensyon. Kaso, wala eh. Mukhang tanga lang ako. Bakit ba kasi tinawag na naman niya ako ng gan'on? Ano bang nasa isip niya? Feeling niya sa kanya ulit ako? Hell no! Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung ginawa niya sa'kin dati!

"Here's your food." Inilagay niya sa harap ko 'yung pagkain ko at pumunta na rin siya sa kabilang upuan.

Okay, kakain na ako. Wala ng hiya hiya.

"You know what? Walang nagbago sa mukha mo. Ikaw pa rin 'yung Angel na nakilala ko. You're still cute."

"Inaasar mo ba ako?"

"That's a compliment."

K.fine.

Hindi dapat ako maniwala sa bawat sasabihin niya. Binobola niya lang ako.

Kukuha sana ako ng fries kaso bigla namang sumingit 'yung kamay niya. Means...nakalagay 'yung kamay niya sa kamay ko.

"'Yung kamay mo,"

"What?"

"Puputulin ko 'yan o aalisin mo?" Kung saan-saan humahawak eh. Dapat nga pinuputol na 'yan. Masyadong makasalanan.

"Okay, okay." sabi niya habang natatawa. Pansin ko lang lately, parang mas naging cool siya kumapara dati at mas tumangkad siya ng kaunti. Dati kasi tenga niya lang ako pero balikat niya na yata ako. Tapos ang kengkoy kengkoy din niya pero ngayon, parang pa-cool na siya lagi. Nag-matured na siguro(?). Ah ewan.

I was about to drink nang mapansin kong nakahalumbaba siya at titig na titig sa'kin. Isama mo pa 'yung ngisi niyang nakakairita.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Durugin ko eyeballs mo eh."

"Wala lang, nagagandahan kasi ako sa'yo. Saulong-saulo ko pa rin ang features mo. Hindi kita nakalimutan, lagi ka ngang nasa isip ko noong nasa Korea pa ako eh."

Ewan. 'Yan ang mga lines na nakakainis.

"M-may tanong nga pala ako."

"Go ahead."

Matagal na 'tong nasa isip ko kaya maiging ilabas na. "Akala ko ba sa Maynila kayo lilipat? Bakit sa Korea? At kung sa Korea kayo lumipat, bakit isang taon lang? Bakit bumalik ka pa dito?" Napatigil ako nang ma-realize ko na ang dami ko na palang tanong. But then, bakit ako mahihiya? Kating-kati na naman talaga akong itanong sa kanya 'yun atsaka baka ito na ang huli naming pag-uusap kasi nga ayoko na siyang kausapin pa sa susunod na mga araw.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now