KENZO

42 0 0
                                    


i will share my story with you guys, nung simula ng nalaman ko na im positive with hiv, nung una hindi pa ako makapaniwala, although kahit alam ko sa sarili ko na may posibilidad talaga ako magkaroon ng hiv dahil naging sexually active din ako, una pa nga nun parang dedma pa ako nung nalaman kong im positive with hiv. hanggang sa nagsink in na din sakin lahat, nadiagnosed pala ako march 2016 and nung mismong day na nadiagnosed ako nalaman din agad ng pamilya ko na im positive with hiv, akala ko nun itataboy na ako ng family ko nung araw din yun, pero mali ako tinanggap pa din nila ako, oo sabihin na natin nandun na yung acceptance ng family, pero ako hindi ko  pa rin matanggap sa sarili ko na may hiv ako, nung nadiagnosed ako.. hindi agad ako nagpatreatment kasi hindi pa din ako makapaniwala na nagkaroon ako eh, hanggang sa umabot na sa punto na nanghihina na ako, nagiging sakitin at pumapayat na ako, nakita ng family ko ang pagbabago sa katawan ko, nakita ko din ang pagaalala nila sa akin, nung time din na yun dun ko naramdaman na despite of my condition eh nandyan parin sila para sa akin at nakasupport, at dun na ako nagsimula magtreatment sa tulong ng isa din kaibigan na hiv positive din, alam ko lahat tayo dito maaring hindi tanggapin ng ating pamilya once na malaman nila na may hiv tayo, naisip ko rin yan, nadepressed din ako, hindi talaga mawawala yan. tinamaan din ako ng "OI" Oi means opportunistic infection.. nung nagkaroon ako nun at nagstart na ako ng treatment, dun ko nalaman na i was on clinical stage 4 or considered as Aids, pero kahit ganun, ginawa ko kahit nahihirapan na ako nagpatreat ako, nagunder go ako ng treatment pinilit kong makarecover, and here i am know, fully recovered, and most of all im virally supressed or Undetectable, ngayon eto pa rin ako nagpapatuloy ako lumalaban, hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam ko dadating din ang araw na tatanggapin din tayo, mikrobyo lang yan, you can still live a normal life. yan nga po pala ang aking kwento :) im kenzo, 25yrs. old, im proud to say that im a PLHIV.

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) Where stories live. Discover now