KLEVEN

119 1 0
                                    


Hello. Call me Kleven. Diko tunay na pangalan. 20 years old. Bago ko simulan, gusto ko pong malaman ninyo na isa akong taong puno ng pangarap sa buhay. Nag-aral ako ng IT. Ngayon, nagtatrabaho ako bilang isang non-voice rep. Mahilig akong magtravel. Kapag rest day ko, umaakyat ako ng bundok or naliligo sa dagat. Wala akong bisyo. Hindi din ako nagyoyosi. Sumasali din ako ng male pageants. Ganun lang buhay ko. Hindi sa pagmamayabang pero may itsura at talino akong pwedeng iharap kaninoman at saanman. (No doubt) Nakabrace ako, sakto lang katawan and pati yung skin color. Nga pala, nagseserve din ako sa simbahan bilang isang sakristan.

Last January 2017, nagpa-test ako. Sobrang kabado. Nanginginig kamay ko. Tagal ko ng gustong gawin ang magpa-HIV test. Nagkapartner kasi ako 3 years ago, (2 months lang tinagal ng relationship namin) later on, nabalitaan ko na lang na namatay sya, pneumonia ang reason. Wala pa akong alam about safe sex, HIV. 17 years old pa lang ako nun.

So ayun. Boom! Positive ako! Gumuho ang mundo ko. Napalunok na lang ako. Parang gusto ko ng maglaho that time sa loob ng clinic. Pinakita ko sa mga tao dun na strong ako. Pero deep inside, para akong hihimatayin. Tuloy pa din ang panginginig ng kamay ko. Masyadong nag-sink sa utak ko na positive ako.

Nag-hanap ako ng CR. Pag-lock ng pinto, habang umiihi, tumulo ang luha ko. Bakit ako pa? Bata pa ako. Madami pa akong gustong puntahan, madami pa akong pangarap sa buhay?! Gusto ko pang magcelebrate ng birthday sa bahay ampunan. Nanlumo ako. Angbango bango ko. Anglinis ko tignan pero madumi pala ako. :(

Nagsimba ako after kong magpa-test, humingi ako ng tulong Kay San Roque, patron ng mga may sakit at malubhang karamdaman.

Naaalala ko, Naglalakad ako nun. Diko alam kung ano gagawin ko. Bakit may HIV? Bakit may ganyang sakit? Bata pa ako.

Lumingon ako sa paligid, angdaming naka-smile. Pero ako, hindi ko alam kung makakangiti pa ako.

Pauwi nako nun, nasa bus. Iniisip ko kung paano na ako. I decided na gagamutin ko ang sarili ko, magte-take ako ng ARV pero hindi ko sasabihin to sa pamilya ko.

Lumingon ulit ako sa paligid. Huminga ng malalim. Bahala na....

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) Where stories live. Discover now