Chapter 7 - That's the Demon Army?!

Start from the beginning
                                    

Anyways nasa harapan na kami ngayon ng classroom namin ni Prinsesa Irina nang may mapansin akong isang mabilis na projectile na tatama kay Prinsesa Irina

Mabilis kong hinawakan ang braso niya at marahan ko siyang hinila papunta sa likuran ko

Saktong pagpwesto niya sa likuran ko ay nakita ko ang isang bagay na kasing laki lang ng maliit na karayom

Agad ko iyong hinuli gamit ang aking daliri at doon ko lang napansin na may nakalagay na matinding lason sa talim nang karayom

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng karayom pero bigo ako dahil sa dami ng estudyante pero may napansin akong isang bakas na iniwan ng bastardong gustong patayin ang Prinsesa

Mabilis akong lumikha ng maliit na apoy mula sa aking palad at tinunaw ko ang karayom na hawak hawak ko

"Yuuki anong nangyari? May problema ba?" agad akong napaharap kay Prinsesa Irina nang bigla niya akong tanungin

Bakas ang takot at kaba sa kanyang mukha habang nakaharap sa akin, siguro ay napansin niya na bigla na lang nagbago ang aura ko kaya naman bigla siyang kinabahan dahil baka may kalaban

"There's nothing to worry about, i just caught an insect that wants to harm you" nakangiti kong sagot sa kanya habang nagtatago sa loob ko ang isang nakakatakot na killing intent

Masyadong walang utak yung bastardong iyon dahil nagiwan siya ng bakas na makapagtuturo sa kanya, at dahil lang sa maliit na bakas na iyon ay matatapos ang maliligayang araw niya

Kung nagtataka kayo kung ano yung bakas na iniwan nung tanga well simple lang yung sagot, yung mismong karayom na hawak hawak ko ang iniwang bakas nung hunghang na yon

The moment i touched that needle like thing bigla na lamang may nagplay na scene sa utak ko at kasama sa scene na iyon yung salarin at yung binayaran niyang pumatay kay Prinsesa Irina

Since hindi naman na mahirap pang hanapin yung nasa likod ng pagbabalak na pagpatay kay Prinsesa Irina maya maya ko na lang siya huhuntingin

Sa ngayon ay papasok na lamang muna kami dahil ayokong may mamiss sa klase

"Pasok na tayo sa room Prinsesa Irina, malapit nang magsimula ang klase" yakag ko sa prinsesa at kahit na mukhang hindi siya satisfied sa sagot ko kanina sa kanya ay tumango na lamang din siya

Pagpasok namin sa loob ng classroom ay agad din namang dumating na ang una naming guro, nagsimula na itong magturo ng kung ano anong mga bagay tungkol sa mundong ito na ikinakuha ng buong atensyon ko

Pero hindi ibig sabihin noon ay nakababa ang depensa ko

Nagdeploy ako ng isang invisible barrier na pumapalibot kay Prinsesa Irina at kanina pa din ang patuloy na pagtatangka sa buhay niya na siyang ikinatatawa ko na lang ng palihim

Kung ano ano na kasing paraan ang ginagawa nung kumag pero lahat ng iyon ay napupunta sa wala

Kumbaga nagsasayang lang siya ng pagod

Lahat ba naman kasi ng mga ginamit niya para mapatay ang prinsesa ay naglalahong parang bula sa tuwing tumatama sa <Azurean Barrier>

Imbis na mainis ako sa ginagawa niya natatawa na lang tuloy ako, pakiramdam ko tuloy nakikipaglaro lang ako sa kanya... Wait

Hmmm, mukhang maganda ang mangyayari sa kanya mamaya ah hehe

Lumipas ang oras at tapos na ang klase sa mga pangumaga naming asignatura, lunch break namin ngayon at natural lang na papunta na kame ng cafeteria

Habang naglalakad kaming dalawa ng prinsesa ay hindi ko maiwasang itago ang nakakairitang ngiti sa aking mga labi

Hindi ko nga alam kung nagmumukha na akong ewan o ano

The Ultimate Anti-Hero Wants To Be The Hero (ON HOLD)Where stories live. Discover now