Chapter 1 - I am the Anti-Hero?!

485 36 20
                                    


Yuuki' POV

Hi ako nga po pala si Yuuki Kazehaya, a certified otaku and other calls me a weeb pero wala akong pake sa kanila since three dimensional people sucks

17 years old na nga po pala ako, magisa lang ako sa bahay dahil ang mama ko ay nagtatrabaho abroad habang ang tatay ko naman ay sumakabilang bahay na or in short sumama na sa kabit niya, walang hiya yung lalaking yun eh

Anyway katulad nga ng sinabi ko isa akong certified hardcore otaku at dahil doon ay wala akong kaibigan sa eskwelahan namin, actually ako pa nga palagi ang trip ng mga bully sa school at syempre walang tumutulong sa akin dahil lahat ng tao sa school ay ayaw sa akin or in short story nandidiri silang lahat sa akin

Oh well pakielam ko naman sa kanilang lahat, as long as nageexist ang anime sa mundong ito ay kakayanin ko ang lahat ng mga pambubully nila sa akin

Isa pa sanay na din naman ako na nabubully ako dahil since elementary pa lang ako talagang binubully na ako at hanggang ngayon ay hindi pa din iyon nawawala

Anyway tama na yung usapan tungkol sa mga bully since wala naman akong mapapala sa kanila, besides isang taon na lang din naman ang titiisin ko at gagraduate na ako sa high school

Grade 12 na kasi ako ngayon at kapag grumaduate na ako ay sabi ni mama kukuhain niya na ako at doon na din ako titira abroad kasama siya kaya naman medyo excited ako

Anyway meron nga pala akong isang pangarap at paniniwala sa buhay, sa japan tinatawag nila itong 8th grade syndrome pero dito sa pilipinas ewan ko lang

I ALWAYS BELIEVE THAT I EXIST IN ORDER TO BE A HERO IN ANOTHER WORLD

Dahil sa paniniwala kong iyan kaya ako nasimulang mabully, nung sinabi ko ang paniniwala kong iyan sa classmate ko nung elementary ako ay tinawanan niya ako ng napakalakas at ang kasunod ay ipinagkalat niya na sa buong school ang tungkol sa sinabi kong iyon

Kinabukasan ayun nagsimula na silang mabully ako, noong una ay syempre umiiyak pa ako dahil sa hindi pa ako sanay pero nung tumagal na ay parang wala na sa akin iyon at normal na lang ba sa akin ang mabully kaya naman parang wala na lang

Anyway kanina ko pa sinasabing huwag na nating pagusapan ang tungkol sa pangbubully sa akin pero ako itong kwento ng kwento haha, sorry na agad

So punta na tayo sa reality... no mali yung pagkakadescibe ko, punta na tayo sa fucked up reality

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papasok sa school namin kung saan nagtitipon tipon ang lahat ng mga demonyo sa mundo, well no exception na iyon kahit na ang mga school staffs pa at mga teachers

Kung bakit pati sa kanila ay galit ako? Simple lang ang sagot, miski sila ay binubully ako dito sa eskwelahan namin, kahit nga ang guidance councillor namin binubully ako eh

Diba?! Saan ka nakakita na ang guidance councillor ang isa sa mga nangunguna sa pangbubully, awesome right?

Anyway pagpasok ko sa school ay napakaganda ng bati nila sa akin dahil may nagbato sa akin ng tatlong pirasong itlog, ang kinalabasan? Syempre ang lagkit ng katawan ko at ang dumi na agad ng uniform ko

Well as if namang may pakielam ako sa kanila, dumire-diretso na lang ako sa paglalakad pero hindi nila ako tinigilan

Pinagbabato nila ako ng kung ano ano, itlog, harina, juice basta marami ayoko nang isa-isahin dahil mauubos ang oras kapag inisa isa ko pa, basta lahat ng pwedeng maitapon nila sa akin naitapon na nila, kahit nga mga batong malalaki eh hinahagis nila sa akin eh

The Ultimate Anti-Hero Wants To Be The Hero (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon