Chapter 7 - That's the Demon Army?!

298 25 20
                                    

Yuuki's POV

Kagigising ko lamang at kasalukuyan ako ngayong naghahanda para sa pagpasok

Maraming mga interesanteng bagay ang nangyari kahapon sa eskwelahan kaya naman excited akong pumasok ngayon

Gusto kong malaman kung ano namang bagong experience ang ipaparanas sa akin ng bago kong eskwelahan sa bago kong mundo

May mga maganda at pangit na nangyari kahapon pero masasabi kong lamang ang pangit na nangyari kahapon kumpara sa exciting

Tanging ang pagtuklas ko lang kasi ng ilang bago kong school spell ang kinatuwa ko kahapon, ang iba pa ay puro mga bullshit na lang

Nanakit pa ako ng babae kahapon amp, sobrang higpit pa naman ng pagkakahawak ko sa leeg nung babaeng Emerie ata pangalan noon

Halatang halata na yung pagputla ng mukha niya kahapon habang sakal sakal ko siya eh

Well who cares, ginawa ko lang naman yung trabaho ko kahapon as Princess Irina's personal knight, at isa pa bully yung Emerie kaya parang tinuruan ko lang siya ng leksyon

Serves her right haha

Siguro naman sa ginawa kong iyon sa kanya kahapon titigilan niya na ang pambubully kay Princess Irina

Saktong pagkasuot ko ng school uniform ko ay bigla na lamang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto

Agad akong lumapit sa pintuan at binuksan iyon

Mula sa tapat ng aking pinto ay nakita ko si Princess Irina na nakangiti sa akin

"Morning Yuuki" masayang bati niya sa akin

"Good morning din Princess Irina" bati ko din sa kanya tapos ay kinuha ko na ang aking bag sa gilid at mabilis itong isinukbit

Lumabas na ako ng aking kwarto at isinara ko na ang pintuan ng aking kwarto

Kinuha ko at isinukbit sa kaliwa kong balikat ang bag ni Prinsesa Irina pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad

Habang naglalakad kaming dalawa ay namamayani ang katahimikan sa pagitan namin, walang nagsasalita at tanging mga huni lamang ng mga ibon sa labas ang maririnig na mga tunog

Wala naman akong balak na basagin ang katahimikan dahil pabor sa akin ang tahimik, ayoko sa sobrang ingay na tao dahil mabilis na iinit ang ulo ko

Pagdating namin sa dining room ay katulad nang mga nakaraang araw sumabay ako sa pagaalmusal ng royal family

Medyo nakakaadopt na nga ako at hindi na din ako masyado naiilang sa kanila pero awkward pa din para sa akin, gulo ko ba? haha

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay nagpaalam na si Prinsesa Irina sa kanyang mga magulang

Sumakay na kame sa karwaheng sinakyan din namin kahapon

Pagdating namin sa eskwelahan ay muli nanaman kaming pinagtitinginan ng mga estudyante lalong lalo na ng mga commoners o yung mga anak ng tipikal na mangagawa sa loob ng kaharian

Nagpaalam na ang karwahe sa amin ng prinsesa kaya naman nagsimula na kaming maglakad papasok ng eskwelahan

Bawat madaanan naming mga estudyante ay tumititig sa amin ang iba pa nga ay nagbubulungan at hindi lahat ng mga bulungang iyon ay maganda kaya naman alam ko na agad kung sino ang mga hindi dapat na pagkatiwalaan sa eskwelahang ito

Well wala naman talaga akong balak na magtiwala kaya hindi naman malaki ang epekto nila sa akin

Kung gugustuhin ko kaya ko silang paglahuin ng walang natitirang kahit na anong bakas, pero syempre hindi ko gagawin ang bagay na iyon unless may ginawa silang hindi kanais nais

The Ultimate Anti-Hero Wants To Be The Hero (ON HOLD)Where stories live. Discover now