CHAPTER FORTY-THREE ~ a second chance

Start from the beginning
                                    

"Zayn anak, huwag kang kabahan sa harap ko pwede?" pagpuna niya sa namumutla ko sigurong mukha. "Hehe, nakakatawa naman ... parang kailan lang, pareho kayo ni Katniss, ayaw magpakasal subalit tignan  mo, natulog lang ako ng ilang buwan mag-asawa na pala kayo."

"Hmm. Oo nga po Tito, a marriage for business sake"

"But wala nga bang love Son?" 

"Love? Noong simula po wala. Sapakan at sabunutan lang ang alam namin gawin. Subalit ang anak niyo ho. Hindi siya mahirap mahalin. Minahal ko siya hindi dahil kailangan o pinilit lang ako. Minahal ko siya, dahil siya si Katniss. Mahal ko po ang anak ninyo." sabi ko at nakita kong ngumiti si Daddy.

"Talaga? Kahit di siya marunong magluto? Kahit sobrang kulit niya at tigas ng ulo?" tanong niya sa akin sabay higop ng kape na kanina pa niya hawak bago pa man ako dumating.

"Dad, kahit ano pa si Katniss. Mahal ko siya." 

"Kahit sobrang kulit niya matulog?"

"Okay lang po."

"Kahit tamad siya maligo, di mahilig magpaganda ?"

"Kahit ano man siya, siya parin ang maganda akin Dad."

"Hmm. Hahaha, I guess my daughter found the right man. Thank you for loving and caring for my daughter Zayn. Noong mga panahong wala ako... Sorry kung dahil pagka-aksidente ko napilitan kayong magpakasal ng wala sa oras."

"Daddy, no. You don't need to be sorry, maybe nangyare talaga yun. Para makilala ko si Katniss."

"Yeah right son. Everything really happened for a reason."

Sa mga puntong yun, kumain na kami pareho ng pakaing kakadating lang. Katniss Dad is such a jolly man. Walang duda kaya naging mag-bestfriend sila ni Daddy, Though sa ugali magkabaliktad sila ni Daddy, pero si Daddy Mike may charisma kasi siyang hindi mo maipaliwanag subalit mag-eenjoy kang kasama siya.

"Son, masanay ka ng tawagin akong Daddy ha. Masanay ka ng isang malaking pamilya tayo. Hindi lang sa negosyo --"

"Ah, oo nga po Dad." sabi ko at siya naman ay ngumiti sa akin.

"Zayn, matanong ko lang kailan niyo ba planong magkapamilya ni Katniss. How about having a baby?" sabi ni Daddy mike na bigla kong kinasamid. 

*cough*

*cough*

*cough*

"Zayn anak? Anak anong problema?" Naku naman kasi sa lahat ba naman ng tanong tinaon pa ni Daddy na kasalukuyan akong umiinom ng tea. 

*cough*

"Nak, ito tubig" inabot ko ang tubig at saka huminga ng malalim. 

*cough*

"Son, okay kana?" tanong niya habang hinahagod ang likuran ko. Naku po Katniss asan kaba at iniwan mo ko sa Daddy mo. Kung makatiming naman kasi ng tanong hanep. T_T Aray ang sama ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko lumabas lahat ng ininom ko sa ilong ko.

"Son, sorry nagulat ba talaga kita sa tanong ko?" nag-aalalang tanong ni Daddy. *cough*

"Dad, okay lang po. Hihi, ano po kasi *cough*, yung tungkol sa bagay na yan. Hindi pa namin napapag-usapan ni Katniss. Tyaka, nasa magkahiwalay na kwarto po kami."

"What?! Haha, okay lang sayo?" gulat naman niyang sabi. 'Hala bakit Daddy, gusto mo na ba magka-apo?' Tss. siyempre di okay yun. Paminsan-minsan napipilit ko siyang tumabi sakin pero, pagkagising ko eh lumipat pala pabalik ng kwarto niya. Eh ano pa nga ba magagawa ko? 

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Where stories live. Discover now