Chapter 34: Spaghetti

ابدأ من البداية
                                    

Napasimangot ako. "Wala kaya."

Taka naman siyang tumikim ulit at pinagpipilitan niyang may lasa naman daw.

"Eh di sa 'yo na lang. Ayoko na." Simangot ko saka bumaba ng high stool. Nasa counter kami kasi kumakain.

"Wait, I bought this for you tapos hindi mo man lang kakainin?"

Umiling ako. "Gusto ko ng spaghetti."

Napakunot ang noo niya sa 'kin. "Spaghetti? I thought you like chicken salad more?"

"Wala nga kasing lasa 'yang binili mo," naiinis na sabi ko kasi paulit-ulit na naman siya, eh.

May binulong sa kanya si Jinggay na biglang kinakunot lalo ng noo niya at takang tumingin sa akin. "Okay. I will buy you spaghetti."

Natuwa ako bigla. "Talaga!"

Alam kong naiinis siya pero agad naman siyang umalis. Siguro mga thirty minutes bumalik siya na may dala ng spaghetti na agad ko namang inagaw sa kanya pagpasok pa lang niya sa front door ng bahay saka dinala sa kitchen at nilantakan.

"How is it?"

Napatango ako at napa-thumbs up. Grabe masarap talaga ang spaghetti. Mas masarap kaysa sa kinain ko kanina.

"Thank God you liked it," dinig kong sabi niya. "I thought babalik na naman ako sa labas because of your pregnancy cravings."

Natigilan ako sa sinabi niya. Naglilihi na pala ako. Ito na ba 'yon? Hindi ko napansin kanina. Akala ko lang talaga na normal lang yung hiningi ko kanina. Nagtaray ba ako sa kanya?

"Pasensya ka na, Ralph. Minsan hindi ko napapansin na napagtatarayan na kita. Alam mo na, buntis, eh."

He nodded. "I understand."

Himala na pinanood niya lang akong matapos kumain habang siya at hindi man lang kumakain ng kahit na ano sa mga binili niya. He's patiently waiting for me.

Napapansin kong unti-unting nagbabago na siya. Nakasanayan na rin niya ang ginagawa ko sa kanyang biro, minsan hindi na siya napipikon, tapos hindi na siya madalas pumuntang trabaho. Dati kasi minsan lang umuuwi 'yan pero ngayon tatlong beses yatang naka-off sa isang linggo saka bihira na siyang hindi umuwi.

"Sigurado ka bang ayaw mo?" Tumango naman siya kaya inubos ko na lahat. Simot na simot ang binili niyang spaghetti. Ang sarap, eh. "Busog na busog ako pati si baby. Thank you, Ralph."

Natatawa siyang napailing. "Now I've done my job, I'll go back to work."

"Papasok ka?"

"I'll be here in my office room working on my desk."

"Okay." Hinayaan ko na siya kasi alam ko namang madami siyang ginagawa at kumuha pa talaga siya ng oras para bumili ng pagkain ko. Sobrang na-appreciate ko 'yon.

Hindi ko na siya inistorbo hanggang sa gabi. Kumain ako ng dinner habang siya ay sa kwarto nagpahatid ng pagkain kay Jinggay. May tinatapos pa raw kasi siya.

Nakatulog ako agad pagkahiga ko dahil madalas na talaga akong antukin. Hindi ko inasahang magigising na lang akong naduduwal kaya napatakbo ako sa banyo at sinuka lahat ng kaya kong ilabas.

"Gen?" Mabilis na lumapit sa 'kin si Ralph. Tinapik nito ang likod ko nang mahina saka inabutan ako ng towel. "Are you alright?"

Tumango naman ako. "Okay lang. Salamat." Tumayo na ako at nakaalalay lang siya sa akin habang naghuhugas ako ng kamay. Binalingan ko siya pagkatapos. "Alas dos na ng madaling araw, bakit gising ka pa?" Naka-pajama na rin siya.

"I just finished my work. I thought of checking on you before I went to bed. I was glad I did cause I saw you in this situation." Halata ko ang pag-aalala sa kanya. Hindi ako sanay na may lungkot sa mga mata niya.

Nginitian ko siya para mapanatag ang loob niya. "Okay lang ako. Nagpaparamdam lang si baby. Normal lang daw to sabi ni doc."

Medyo kumakalam pa ang sikmura ko pero tiniis ko para hindi siya lalong mag-alala. Bumalik ako sa kama at nakasunod lang siya sa akin. Paghiga ko ay umupo siya sa kama sa bandang gilid ko.

"Are you sure you're okay?"

Hinila ko ang kumot pataas ng leeg ko saka ngumiti sa kanya. "Oo nga. Kulit mo. Matulog ka na, Daddy, okay lang si Mommy." Pinabata ko ang boses ko na ikinatawa niya nang mahina. Tumango naman siya saka tumayo na.

"Good night, Ralph."

Nilingon niya ako. "Good night"

Ilang sandaling pinikit ko lang ang mga mata ko ay nakatulog na agad ako. Mga alas otso na ng umaga nung nagising ako. Pagdilat ko ng mga mata ko ay ang gwapong nilalang agad ang nakita ko na nakapikit ang mga mata at mahinang napabuga ng hangin.

Napangiti ako na tiningnan siya. Ang gwapo talaga kahit tulog. Hindi ko pa rin alam bakit siya ang binigay sa 'kin. Hindi ko naman mapigilan na hindi siya halikan nung mapunta ang mga mata ko sa labi niya. Napadilat siya dahil sa ginawa ko.

"Naks para kang si Sleeping Beauty ah. Isang halik ko lang, gising ka na agad."

Napabangon siya nang kaunti at umusog pataas. "What do you feel?" tanong niya habang di pinansin ang sinabi ko.

"Okay na ako. Dito ka pala natulog? Akala ko bumalik ka sa kwarto mo kanina?"

"I was worried, so I came back here. You were already asleep when I came in. I decided to just sleep here in case you would need me."

Nagblu-blush yata ang mga pisngi ko. Dinaig ko pa yata ang isang teenager sa kilig dahil sa ang sweet ng asawa ko. Nginitian ko siya nang matamis. "Ang thoughtful naman ni mister. Pa-kiss nga ulit."

Napailing siya. "Can you be serious? I want to know if you're really okay."

"Oo nga. Okay na okay ako. Pero mas okay ako kung dito ka lagi matutulog katabi ko." Ngumisi ako sa kanya.

Tiningnan niya lang ako nang maigi na nakakunot na ang noo na parang pinag-aaralan ang mukha ko. Siguro kabisado na niya ang mukha ko dahil madalas niyang gawin 'yan. Hindi na ako magugulat kung alam niya kung ilan ang moles ko sa mukha.

"Sobrang ganda ko ba kaya hilig mo lagi akong tinititigan nang ganyan?"

Natauhan siya at agad napaatras ang mukha. Ilang sandali lang 'yon dahil lumapit naman ulit siya at hindi ko inasahan ang susunod niyang ginawa. He wrapped me around with his arms as he enveloped me into a hug. Yung yakap na alam mong may laman. Yung hindi pilit at lalo na, puno ng emosyon.

Natigilan ako at hindi makagalaw. Hindi ako makapaniwala na si Ralph ito.

"Sino ka?"

Unti siyang napahiwalay at nagtatakang nagtanong na, "What?"

"Hindi ikaw si Ralph. Hindi ako kailanman niyakap ng asawa ko. Magsabi ka ng totoo, saan mo siya dinala?" Nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanya.

He shook his head and laughed. "Silly."

Napangiti na lang din ako because I saw him laugh AGAIN. As time passes by, he is changing, and I'm liking it. Gusto kong hindi magising kung panaginip lang ito.

"I hope we can stay like this forever."

Ako naman ang napakunot ang noo. "Ano ba 'yang iniisip mo. Siyempre oo naman, 'no. Mahal kaya kita. Ikaw ba mahal mo 'ko?"

Akmang magsasalita na siya pero pinigilan ko gamit ang daliri ko na nilagay ko sa bibig niya. "Shhh.. Wag mo munang sagutin. Hindi pa ako ready. Saka na ha? Okay?" I smiled even though deep in my heart, I'm nervous.

"Okay," he obediently answered.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMحيث تعيش القصص. اكتشف الآن