Making IT Safe

53 12 1
                                    

Sa huling pagbabahagi ko para sa #makeITsafePH campaign, simple lamang ang tumatakbo sa isipan ko -- don't be afraid of change

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa huling pagbabahagi ko para sa #makeITsafePH campaign, simple lamang ang tumatakbo sa isipan ko -- don't be afraid of change. Change isn't always a bad thing lalo na kung para ito sa isang positive cause. We can take risks as a challenge in accepting change.

Parang sa lovelife lang 'yan, we don't move on but we move forward. We move forward because we know there will be something positive to happen in our lives. At kung magkamali man tayo sa mga desisyon natin, may natutunan tayo para umabot sa puntong iyon.

Mahirap, posibleng matagal, pero hindi ba ganoon naman talaga? Iyon lamang ang paraang upang lumago pa ang ating kaalaman at karanasan?

Parang noong mga bata pa tayo. Hindi natin alam kung ano ang pinagkaiba ng tama at mali. Lahat ng bagay ay tama sa ating inosenteng mga mata at kaisipan pero dumarating na lamang ang araw na pagsasabihan tayo o malalaman na lamang natin sa ating mga sarili na 'mali' pala ito. At dahil sa mga karanasang ito, natututo tayo.

Hindi natin napapansin pero nahuhulma ang "tayo ng kasalukuyan" at patuloy natututo at nabubuo ang "tayo ng hinaharap."

At sa online community, munti mang hakbang ang pagse-secure ng ating mga passwords at pag-iisip kung dapat bang i-post ang mga personal nating mga impormasyon, nababawasan naman nito ang tsansa na mapahamak tayo. I'm not saying posting photos and videos are bad things to do kasi this is how we connect with other people. What we're trying to say is you need to be more careful of what you post and share to the public.

Also, at the end of the day, "we don't regret the things that we've done but we regret the things we didn't do when we had the chance." H'wag nating hintayin na umabot pa sa point na puro 'sana' ang lumalabas sa isipan natin... Sana ginawa kong secure ang password ko... Sana hindi ko 'to inupload para hindi ako nabiktima ng identity theft... Sana hindi ko 'to nasabi online para hindi s'ya nasaktan ng ganoon... Sana hindi ako nagmura sa social media accounts ko para hindi ako nawalan ng trabaho. There will be too many regrets in the end. Kaya "do something today that your future self will thank you for."

Kaya ikaw? Anong pagbabago ang plano mong simulan?

#makeITsafePHWhere stories live. Discover now