Day 6: Love hurts

320 19 0
                                    

Zoey's POV:

I was sure this was the same guy that Gabe killed 6 Months ago. Si Marco ay isa sa mga tauhan ni Gabe, his right hand man. I have seen him on several occasions. I didn't tell her that I knew who he was. I watched as she sleeps, I didn't sleep the whole night. I was feeling numb at labis akong nakonsensya. I picked up my smart watch and decided to send Darcy another message.

"Darcy, it's Zoey. Please don't send the police. Walang kasalanan yung kumidnap sa akin. Napagutusan lang siyang patayin ako, pero iniligtas pa din niya ang buhay ko. I will come home soon. Send my regards to Mommy and your Daddy."

Hindi ko alam kung paano ako makakabawi kay Contessa para sa hindi niya pagpatay sa akin. Ito na lang ang tanging paraan na naisip ko. If I stay with her, she will somehow think that I meant that I was thankful for her saving my life. I trust her, hindi ko din malaman kung bakit ko siya pinagtitiwalaan. We have a connection, hindi naman din siya mahirap pagtiwalaan at mahalin. She's a pure and loving person. Nakikita ko naman sa kanya na may dahilan siya kung bakit hindi nya ako pinatay. Kung ano man iyon hindi ko din alam. I just know that I have to trust her. I rose up from bed and went to the bathroom. I took a quick cold shower.

Pagtapos ko magshower nadatnang kong gising na siya, nakaupo siya ngayon sa kama at nakatingin ng direcho sa pintuan ng banyo. Napatitig naman ako sa kanya. I offered a sweet smile to her.

"O, gising ka na pala, love. Maligo ka na, tapos I'll cook us breakfast." I said to her as I sat straddled in her lap.

I gave her lips a kiss. Kahit kakagising lang nya amoy mint pa din ang hininga nya. Bagay na nagpangiti sa akin, kasi kahit na nagyoyosi siya hindi siya amoy smoker. Hindi tulad ng iba na amoy usok.

"Uy, ang sarap naman nun love." She said smiling.

"Nambola ka pa."

"Hindi ako bolera, I am stating a fact. Wala nang mas sasarap pa na magising ka at mahalikan mo ang taong mahal mo."

"Napaka-makata mo talaga eh no? Sige na tumayo ka na dyan at maligo ka na." I said smiling as I stood from her lap and started to walk to the door.

"Okay, be right there after 30 minutes. Wag mong galingan magluto ng breakfast, wifey ko." She smiled sweetly at me.

"Hindi naman ako talaga magaling magluto wifey ko." I said chuckling at her.

Pagbaba ko sa kitchen, kasalukuyan nang nagbebreakfast sila Manang Cynthia. She smiled at me.

"Elize, may pan de sal pa dito at hotdog, ipagbubrew ko na lang kayo ng kape ni Contessa." She said smiling.

"Ay, salamat po Manang. Pero mayroon pa po kaming natirang ham at itlog sa ref, ako na po magluluto ng breakfast namin." I smiled at her.

"Ay oo nga pala, hindi mahilig si Contessa sa pan de sal. Sige Hija, may kanin pa naman sa ref." She smiled.

Kinuha ko na sa loob ng ref yung mga binili naming pagkain, I started to dice the ham and beaten a couple of eggs, chopped some garlic and onions.  I made french omelettes again with Ham and cheese as fillings. I also fried some rice in garlic. Nagprito din ako ng ham and bacon na natira kahapon. Pagtapos kong magluto ay ipinlate ko na ang mga niluto ko.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang yakap ni Contessa na nanggagaling sa likod ko. I can feel her breath hitting my nape.

"I'll miss this." She whispered.

"What? Me cooking for you?" I asked her as I finished plating the last piece of Bacon.

Kumawala naman siya sa back hug at nagsalin ng kape sa mug.

Seven Days In ParadiseWhere stories live. Discover now