Kahit pa imposibleng mahawakan niya ako, siya lang ang may kakayahan na hatakin ako patayo sa aking mga paa.

Agad siyang tumalikod at pumikit.

"How about we strike a deal?" simula ni Maki, "Tutulungan mo akong humanap ng paraan para makabalik sa katawan ko. And I will teach you a thing or two about business."

"Sure, sir. That would be nice."

"Great. We would start our lesson now. The most important part of business is self-care. Now, I've been with you for days now. My professional assessment: you don't know anything about self-care. In fact, you suck."

"What?!"

"People will not buy your product if you don't look presentable enough. Dapat, araw-araw kang nagsusuot ng magagandang damit. Hindi lang sa tuwing wala kang pambayad ng renta sa landlord mo."

Napalunok ako.

"Grooming begins right now as you take a bath. From now on, don't just use a regular soap. Gumamit ka ng loofah at body wash. You will use conditioner everyday, and blow dry your hair.

Tinignan ko ang loofah at body wash na si Jenny lang ang gumagamit.

"Don't just look at them! Use them! Chop! Chop! Use the shampoo first."

"Marunong ako maligo, Sir Maki."

"Shut it! I'm the professor, and you're my student. You're not supposed to talk back. Now get!"

Kinuha ko ang shampoo. Masyado raw matapang ang formula, masama sa scalp kaya dapat bantuan ng tubig. Sabunin ko daw ang scalp. Banlawan nang maayos. Ang pag-gamit pala ng conditioner, sa tips lang—hindi sa buong buhok kasi magiging sobrang oily at mapupunta sa mukha ko. Hayaan ko daw ang conditioner sa buhok ko habang kinukuskos ng loofah ang balat ko.

"Ayoko ng loofah! Masakit sa balat," reklamo ko, "Paano 'to tinitiis ni Jenny? Para akong tilapia na tinatanggalin ng kaliskis. Ayaw! Masakit. Gagamit na lang ako ng Safeguard."

"Kapag gumamit ka ng loofah, matatanggal niya ang mga libag at bacteria sa balat mo. Tignan mo ang kutis ni Jenny, hindi lang makinis, malambot pa."

"So tinitignan mo ang kapatid ko, Sir Maki?!"

"Bakit? Nagseselos ka?"

"Hindi, 'no!" Sinara ko ang shower.

Kinuha ko ang facial wash at hinilamos ang mukha ko. Tapos, kinuha ko ang loofah at agad kong sinalinan ng body wash. Una ko munang kinuskos ang kaliwang braso, tinitiis ang hapdi hanggang sa nasanay ako. Tapos sa kanang braso namin. Pati torso pababa sa paa. Iniwasan ko ang boobs pati puwit kasi...ang lahat ng kinukuskos ko, dama ni Maki.

"Think about it, Jaja. Whether you like it or not, I'm here to stay. So what if I feel you touching your body or if I saw you naked? Does it never occur to you that what we have is more than just...sexual tension? This is something spiritual. There are two souls relying to your body," mahinahong sabi niya, "You're not doing us any good with your malicious thinking. We both deserve to share a clean and healthy vessel. This is also difficult for me. So let's stop resenting this."

"Sir Maki..."

"I can't even touch you even if I want to."

Binaba ko ang loofah at kumalat ang buong init sa katawan ko habang inaalis ang hook ng bra, pati underwear. Sinabit ko sila sa tabi ng tuwalya. Kinokontrol ko, pero paano? Ang bilis ng kabog ng puso ko.

Tumagos sa aking dibdib ang kamay niya, matapos kong kuskusin ng loofah ang balat. Sumayad ang magaspang nitong texture sa kanang dibdib ko, wala akong iniwang spot. Ganoon din sa kaliwa. Matapos, binanlawan ko ang loofah at nilagay ito sa tamang lagayan.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now