[ 61 ] Birthday Gift

Magsimula sa umpisa
                                    

Muli silang bumalik sa harapan ng lamesa at doon, may inilabas na envelope si Jico.

"Para sa'n 'to?"

Binuksan niya ang envelope at naglalaman iyon ng plane ticket papunta sa Korea. Napatingin siya kay Jico nang makita iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ni ayaw niyang pag-isipan ang tungkol sa kasal at kung pupunta ba siya o hindi.

"Now tell me the truth, Steffi. Gusto mo pa bang ipagpatuloy ang paghihiganti mo kay ZAC o gusto mo ng tumigil? No matter what your decision is, I will respect it."

"Ji-Jico, why are you suddenly like this? Akala ko ba—"

"You're dying, Steffi. We all know that. Ni hindi natin alam kung hanggang kailan ka tatagal. I'm now giving you a choice to be happy and enjoy the rest of your remaining days. I will not force you to do me help in order to avenge myself to ZAC. The decision is now up to you."

"Ano na naman ba 'to? May kapalit na naman ba 'tong ginagawa mo? What's wrong with you for you to act like this?"

"What if, just what if I tell you that I like you?"

"Edi gano'n. May magagawa ba ako? Nakakapanibago kasi, eh. Ang bait mo sa'kin. Alam ko na may kapalit na naman 'to."

"No, Steffi. I'm being true. That is really my gift for you. Make a choice. Kung gusto mong ituloy, then I will help you 'til the end. If not, take this."

May inilapag itong muli na isa pang envelope but this time, mas malaki iyon. Binuksan niya 'yon at kinuha ang laman noon pero nanlaki ang mata niya nang makita ang titulo ng bahay na dati niyang tinitirhan kasama ang foster Dad niya. Sigurado siya na ang address na nandoon ay talagang ang address nila noon.

"I bought back your house. Whatever your choice is, the house is yours. Tanggapin mo na bilang regalo ko. It is your 18th birthday anyway."

"Pero sobra sobra 'to para sa regalo. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit mo 'to ginagawa."

"Can't we just say na pa-thank you ko na sa'yo 'yan? Sa dami ng nagawa mo para sa'kin, sa tingin ko tama lang na ibinalik ko 'yan sa'yo dahil sa'yo naman talaga 'yan. Pero kung ayaw mo talagang tanggapin, p'wede mo naman na ibalik na lang 'yan sa'kin at ibebenta ko ulit."

Bigla siyang napaisip. Sa oras na iyon, hindi niya talaga maintindihan ang kilos ni Jico. Hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari kung sakali ngang tanggapin niya iyon. Gustong gusto niyang bawiin ang bahay na iyon pero hindi niya iyon matatanggap.

"Hindi ko tatanggapin 'yong bahay. Itong plane ticket na lang ang kukunin ko pero pag-iisipan ko pa kung pupunta ako doon o hindi."

"Okay. Then, I will keep this for a while dahil baka magbago pa ang isip mo. I'll see you at the wedding if I'll see you. Everything is ready. I prepared everything kung sakaling pupunta ka. Check it inside your room and see if the dress and the shoes fit."

Habang itinatago nitong muli sa envelope ang titulo ng lupa, hindi niya maiwasan na titigan iyon. Balang araw, makukuha niya rin ang bahay ng dahil sa pagsisikap niya at hindi dahil sa tulong ng iba. Iyon ang ipinapangako niya sa sarili niya.

Tumayo siya at pumunta sa kuwarto. Kagaya ng sinabi ni Jico, nakahanda na doon ang lahat ng posibleng kakailanganin niya. Sinukat niya ang damit at sapatos at tamang tama ang sukat nito na parang ginawa iyon para talaga sa kanya. Matapos no'n ay bumalik siya sa labas at tinabihan si Jico.

"Jico, kung sakali kaya na pumunta ako sa kasal, mapipigilan ko 'yon?"

"It actually depends on you... kung ano ang gagawin mo. He is serious about you and I'm certain of that. It's just that he doesn't let his feeling show. Ikaw kasi ang kahinaan niya. Sa totoo lang, kahit na makita ka niya doon, sa tingin ko tutuloy pa rin siya sa kasal. In order to stop the wedding, you should make a scene."

"Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon but I will try. Curious lang talaga ako sa isang bagay. Ba't kaya siya nagkagano'n? Nalaman niya na kaya ang tungkol sa ginagawa natin?"

"He doesn't know a thing. Clueless pa rin siya hanggang ngayon. I'm sure dahil lang 'yon sa sakit mo. He is scared to lose you kagaya ng nangyari kay Monique. Umiiwas siya sa heartbreak kaya pinili niya na lang magpakasal kay Kim at para tuluyan na siyang malayo sa'yo. That is my analyzation sa nangyari."

"Pero bakit kay Kim pa? P'wede naman na sa iba."

"Don't you remember? Gusto siyang ipakasal ng Tatay niya kay Kim. If may tao man na madali niyang maisasama para magpakasal na walang problema, si Kim 'yon. Nagka-affair na sila noon kaya hindi na mahirap para sa kanila 'yon."

Hindi niya inaasahan ang narinig. Si Kim at si ZAC nagkaroon ng affair? Nagulat siya sa narinig. Of all people, hindi niya inaasahan na si Kim pa. May nalaman na naman siya na bago nang gabing iyon.

"Kailan sila nagka-affair?" may pagkausisa niyang natanong. Pinagtatagpi tagpi niya ang lahat ng bagay na maaari niyang malaman para magkaroon siya ng ideya sa kung ano ba ang mga nangyari noon.

"Noong girlfriend niya pa si Monique. I guess, nasagot ko na ang lahat ng tanong mo. I really have to get going dahil may lakad pa ako. I think you have enough days to make a decision. I'll see you soon, Steffi."

Pagkaalis ni Jico ay hindi na rin siya nagtagal doon at umalis na rin dala ang plane ticket at ang mga gamit na iniwan sa kanya ni Jico. Kailangan niyang magdesisyon kung pupunta ba siya o hindi at kung ano ang susunod na gagawin niya. Dahil sa mga sinabi ni Jico sa kanya, nakaramdam siya ng kaunting kalayaan. Ang ibinigay sa kanya ni Jico ay isang win-win na pagkakataon. Maari niya na lamang kunin ang bahay at mabuhay ng tahimik habang nabubuhay siya pero hindi niya ginawa dahil sa isang punto, sa kanyang puso, gusto niya na makuhang pabalik si ZAC para hindi nito mapakasalan si Kim.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon