Chapter Five: See What I Can Do

Start from the beginning
                                    

 Hindi ako nakapagreact. Hindi ako kaagad nakapagreklamo.

Gustuhin ko man, I can't. 

Jiro's lips are blocking my lips for speaking. Nanlaki ang mga mata ko, to the point na feeling ko lalabas na sila. Bakit hindi siya umaalis?! Bakit hindi niya alisin yung lips niya sa lips ko? Ang daming nanonood oh my God!

Hindi na virgin yung lips ko! 

 Athena's POV

There was a moment of silence after kong sigawa si Kurt. Sobra na kasi siya. Pinipilit niyang gawin ko ang ayaw ko namang gawin. Tsaka wala naman kasi talaga akong aalisin in the first place, kaya hindi ko magawa yung pinapagawa niya. If ever tumagal to, bistado na ako for sure.

Ang kapal pa ng apog niya para hawakan ako. Swerte niya ah?

Tapos may biglang tunog ng pagbagsak. Kasunod noon ang mahabang katahimikan, pagkatapos ay ang tilian at sigawan. Hinanap ko ang source ng commotion. Only to see my bestfriend, kissing someone on the lips.

I therefore conclude na hindi lang certified gangster ang bestfriend ko kung hindi certified malandi narin.

Pati nga si Kurt hindi nakagalaw. Kaya naman I took the opportunity para kaagad na kumawala sakanya at puntahan ang maharot kong bestfriend. Kaagad kong sinipa paalis yung guy sa ibabaw ni Cynthia. (That sounded gross.) Tapos ay hinila ko patayo si Cynthia gamit ang tenga niya. Narinig kong tinawag pa ako ni Kurt, pero tumakbo nalang ako lalo ng mas mabilis para makalabas na ng school.

Hindi man nga lang nagreklamo si Cynthia e, she was too 'tulala' to speak. Hila-hila ko ngayon tong babaeng to gamit parin ang tenga niya. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o ano dahil naitakas niya ako mula doon sa kumag na yun e. O dapat, ako ang pasalamatan niya dahil nakanakaw siya ng halik dun sa kasamahan ni Yabang.  

Tumigil ako nung makalabas na kami ng building. Malayo sa mga tao, malayo kay Kurt. 

Hinarap ko siya saakin. "Explain."

"Explain? E-explain ang alin?" Namumula niyang tanong. Sarap sampalin ng bestfriend ko. Painosente pa talaga siya.

"Bukod sa pangre-rape mo sa kaibigan ni Kurt, ano pa ba?" Sarcastic kong tanong sakanya.

Lalo naman siyang namula sa sinabi kong iyon. "Wala yun! Sinave na nga kita tapos ganyan ka pa!" Sumbat niya. Linigtas pa pala niya ako ng lagay na yun e no? Pero kung sabagay.. kung hindi nga gumawa ng eksena si Cynthia, malamang hanggang ngayon nakakulong parin ako sa pagitan ng mga kamay ni Kurt.

Ew.

"Kiss talaga? Di ba pweding nagsisigaw ka nalang okaya nagkunwaring nahimatay?" Tanong ko. "Kailnagan dumampi talaga ang labi mo sa labi ng lalaking yun para matulungan ako?"

She glared at me, "Hindi ko naman sinasadya yun no! May nanapilok kaya sakin, kaya nagkaganon. Tsaka, isa pa. Hindi ko naman kasalanan na ang bantot bantot mo umarte no."

Sinabunutan ko siya ng mahina, "Ewan ko sayo! Pakalandi mo."

"Ouch." Natatawang sabi niya, nakahawak pa sa puso niya. 

  

"Tara na nga." Walang gana kong pag-aya sakanya.

"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong naman niya saakin.

"May training grounds ba kayo sa HQ?" Tanong ko na naging dahilan ng paglaki ng mata ni Cynthia. Yung panlalaki ng matang iyon, hindi lang gulat ang makikita mo. Kasama rin doon ang matinding excitement niya.

Napapalakpak siya at napatalon, "Oo, meron! Meron!" Masaya niyang sigaw, konti nalang mapagkakamalan ko na siyang kapatid ni Budoy.

  

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now