Chapter 21: Past

140K 2.2K 65
                                    


Geneva's POV

I was lucky to have an early flight the next day. Nag-make up ako nang maayos para takpan ang namamaga kong mga mata.

Nagmadali akong bumaba bago pa sumikat ang araw at bago pa magising si Ralph.

Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero ayoko lang na makausap siya kasi baka mas lalo lang akong masaktan dahil pinamumukha niya sa akin na ayaw niya sa 'kin at ayokong sabihin na naman niyang umalis na ako rito.

Ang dami ko ring nasabi sa kanya kagabi. Pero hindi ako nagsisisi sa mga sinabi ko. Dapat naman talaga na lumaban ako at magsalita. Hindi ko hahayaan na tapakan niya lang ako.

But for now, I think we both need a break. Masyadong mabigat ang sagutan namin kagabi. Hindi muna siguro dapat kami magkita para iwas na rin sa bangayan.

Hindi ko dinala ang kotse na bigay niya. Nag-taxi lang ako palabas ng subdivision at papunta sa airport. Pagdating ko ro'n, sinabi sa akin na papalit ako sa isang FA na nagkasakit kaya naman nalipat ako sa international flight. Tingnan mo nga naman. Umaayon sa akin ang panahon dahil after a week pa ang balik ko.

I went back and forth to Malaysia and Singapore on my first two days then Hong Kong to Japan on the third day. From Japan, we went back to Hong Kong and from there, I had a flight to London. I stayed there for one more night. From London, I finally went back to Manila.

A week of being out of the country made me somehow forget what happened. In-enjoy ko talaga ang bawat lugar na pinuntahan ko. Isa pa, I wanted to clear my thoughts. Kaya gusto ko ang trabaho ko dahil tinutulungan ako nitong makapag-isip nang maayos. Kasabay ng pag-angat ko sa ere ay ang pag-angat din ng mga dinadala ko at parang hangin na nawala sa isipan ko.

But unfortunately, I am back. I asked Cathy if I could stay in her place. Hindi na kasi siya sa condo ng company naka-stay. Kumuha siya ng sarili niyang townhouse. Mag-isa lang siya ro'n nakatira. Pumayag naman siya na ro'n muna ako.

After a week straight of flying, I was given two days off to rest. I spent it staying with Cathy. Alam niya rin ang problema ko kaya naman pumayag siya na tulungan ako. Isa pa, hindi ko pa gustong umuwi. Ayoko rin sa condo dahil mahahanap ako ni Ralph do'n lalo na at siya pala ang may-ari n'on. Pero as if naman na hahanapin ako n'on after we fought.

"Last day ng pahinga mo ngayon, Gen. Hindi ka man lang ba mamamasyal?"

Umiling ako kay Cathy. "Wala akong gana."

"Iniisip mo pa rin ba ang masungit mong asawa?" Hindi ako sumagot. Nagpamaywang siya paharap sa 'kin. "Wag mo ngang isipin ang lalaking 'yon. Ipamukha mo sa kanya na hindi mo siya kailangan saka hello, siya dapat ang may kailangan sa 'yo, 'no. Siya itong pinakasalan ka tapos ang lakas ng loob niya na paalisin ka."

"Kalimutan na natin 'yon, Cathy. Ayoko nang isipin pa 'yon. Nagmo-move on na nga ko ro'n, eh."

Natawa naman siya. "Move on ka riyan. Nakamo-move on pala ang pag-iwas. Halika na nga, kumain na tayo. Mamaya baka mahimatay ka na riyan. Ang putla mo na kasi."

Tumango ako sa kanya. Nagugutom na rin kasi ako. Hindi pa ako nakapag-breakfast dahil late na akong nagising. Sinulit ko talaga ang pahinga ko.

After namin kumain ay nagpaalam ako kay Cathy na aalis muna ako. Hindi naman siya nagtanong kung saan ako pupunta na buti na lang hindi dahil ayoko namang malaman niya.

Sikreto akong nakipagkita sa assistant ni Ralph. Buti na lang may number niya ako nung isang beses na sinend ko sa kanya ang tungkol sa driver's license ko.

Sa isang kainan kami nagkita kung saan malayo sa bahay at office ni Ralph.

"Mabuti naman pinayagan ka ng amo mo na lumabas ngayon," umpisa ko nung umupo ako sa harapan na upuan. Kararating ko lang at siya naman ay nauna pa sa akin dito.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now