Chapter 18: Victims

134K 2.2K 97
                                    


Geneva's POV

I parked my car in the garage then bumaba na ako at pumasok sa loob ng bahay dala ang maliit na maleta ko at isang purse.

Katatapos ko lang kasi sa trabaho. I can't wait to lay down in bed dahil sa pagod.

Paakyat na ako nung makasalubong ko si Ralph sa hagdan. Tumigil ako at tiningnan siya. "Mabuti naman umuwi ka." Nakangiti ako habang sinasabi 'yan pero sa loob-loob ko ay nagtatampo ako. Ilang araw siyang wala.

At sa mga araw na 'yon ay malayo na ang narating ng isip ko. Papunta na ro'dun sa gusto ko siyang ilibing nang buhay sa pagpapaalala niya sa akin.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Parang binabasa niya ang isip ko.

"Wala man lang ba akong kiss? Na-miss kaya kita," pabiro kong sabi para pagtakpan ang totoong pagka-miss ko sa kanya.

Umiling siya at mukhang aburido na naman. "Stop making fun of me. Never joke something that you will regret later."

Natigilan ako dahil may laman yung sinabi niya. Hindi ko alam kung ano pero parang nakaramdam ako ng kaba.

Is this about his fling? No. Hindi naman siguro gano'n. Exaggerated lang talaga akong mag-isip.

"Saan ka galing? Bakit ilang araw kang hindi umuwi?" lakas loob na tanong ko.

"It's none of your bus—"

"Hindi totoo 'yan dahil asawa mo ko. Kailangan kong malaman kung bakit hindi ka umuuwi ng bahay. Nag-aalala rin ako, alam mo ba 'yon?"

Nag-aalala? Really, Gen! More of like nagseselos siguro dahil sa mga naiisip ko.

"I did not ask you to worry about me."

Malalim akong napabuntonghininga. Ang hirap talagang makipag-usap sa taong makitid ang isip. Palibhasa sarili niya lang ang iniisip niya kaya wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

"Why are you looking at me like that?"

Napansin niya siguro na grabe ang titig ko sa kanya.

"Ralph."

"What?" takang tanong niya.

Ilang minuto ko siyang tiningnan habang hindi pa rin sumasagot. I wanted to tell him na kung pwede sana ay sabihin niya sa akin ang totoo kung may babae nga siya o wala.

"May iba ka na bang inuuwian?"

Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa tanong ko. Napapalunok ako habang hinihintay ang sagot niya. Parang namamawis ang batok ko sa kahihintay ng isasagot niya.

"What do you mean by that?"

Napakunot ang noo ko sa isinagot niya. Akala kong alam niya ang ibig kong sabihin dahil nakita kong nagulat siya o baka naman nagmamaang-maangan lang siya na hindi niya alam?

Umiwas ako ng tingin saka lakas loob na sinabing, "May babae ka ba?"

His brows furrowed. "What?"

Doon na ako napatingin sa kanya. Nakikita ko ang gulat sa mukha niya. Base sa reaction niya ay parang hindi naman totoo ang iniisip ko kasi parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Nakita kong may kiss mark ang damit mo nung maglalaba kami."

He shook his head. "Of course not. I have no time for that," sagot niya lang without explaining kung saan galing yung kiss mark.

"Eh saan ka umuuwi nitong nakaraang araw?"

"I was working out of town. Why do you keep on asking me questions? I did not marry you to know all my whereabouts."

Ibang klase talaga si Ralph. Ilang beses niya talagang ipamumukha sa 'kin ang papel ko sa buhay niya? I don't want to get mad at him. I know he doesn't like me pero may tiwala akong nagsasabi naman siya ng totoo.

I know Ralph as being straightforward.

"Ma'am, Sir, handa na po ang dinner. Kakain na po," singit ni Jinggay na pinagpasalamat ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Naiinis ako kasi tuwing magbibiro ako sa kanya ay doble ang balik sa akin. Kainis.

Bumaling ako ng tingin kay Jinggay. "Salamat pero kumain na ako. Kayo na lang," sabi ko rito at hinila na ang gamit ko paakyat ng hagdan.

"Ma'am!" biglang pigil niya sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko dahil masyadong lumakas ang boses niya.

"Kumain po kayo ulit, Ma'am. Sige na po."

Umiling ako. "Pero busog pa ako."

Ngumiti siya sa akin nang makahulugan. "'Di ba po gusto niyong sabayan si sir?"

Saglit akong napaisip sa sinabi niya. Tiningnan ko si Ralph na napailing na lang. "Don't force her if she doesn't want to eat," sabi niya sabay alis at dumeretso na sa kainan.

Tama si Jinggay. Minsan lang naman nandito si Ralph kaya lubusin ko nang kasama siyang kumain.

"Sige na nga. Kakain na ako."

Ngumiting tagumpay naman si Jinggay at ayun, pinaghanda kami ng pagkain na masarap naman naming kinain ni Ralph.

"I thought you didn't want to eat?"

Nginitian ko siya. "Hindi pwedeng magbago ng isip?" Kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin.

Kumain na kami nang hindi niya ako pinapansin. Bahala siya at least kasabay ko siya. Inabutan din kami ng juice ni Jinggay habang kumakain.

"Mukhang iba ang lasa nito?" tanong ko.

"Bagong flavor po kasi 'yan na binili ko, Ma'am. Masarap naman po, 'di ba?" sabi niya nang may pilit na ngiti at parang pinagpapawisan pa siya eh ang lamig nga ng bahay.

"May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Po? Wala po."

Napailing ako. "Ako na ang magliligpit nito. Magpahinga ka na."

Hindi naman siya tumutol at ngumiti pa nga na nagpaalam sa amin na matutulog na raw siya. Ako naman ay niligpit na ang pinagkainan namin. Dumeretso naman si Ralph sa garden at parang may kausap sa phone.

Hindi ko na inabala ang sarili ko na makinig. Nakaramdam na kasi ako ng pagod kaya umakyat na ako sa taas pagkatapos kong magligpit. Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong nakaramdam ng hilo. Napakapit ako sa dingding at napahawak sa ulo ko.

"Bakit naging dalawa ang paningin ko?" nagtataka kong tanong dahil parang naduduling na yata ako at umiikot ang paningin ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama at naupo.

"Bakit ang init-init? Nakapatay ba ang aircon?" sabi ko sabay paypay sa sarili ko gamit ang kamay. Akmang tatayo na ako para i-on ang ceiling fan nung bumukas ang kwarto ko.

Imbis na magulat ay nagtaka ako dahil pumasok si Ralph sa kwarto ko at sinara yung pinto. Napahawak siya sa ulo niya habang dere-deretso papunta sa kama.

"Ralph, masama rin ba pakiramdam mo?"

Humiga siya sa kama at kunot noo na tumingin sa akin. "What are you doing here? Get out."

"Ha? Eh kwarto ko 'to."

Hindi siya nakasagot dahil umungol siya habang sapo ang ulo niya. Siguro umiikot din ang paningin niya gaya sa 'kin. Kasi ang tingin ko sa kanya ngayon ay dalawa rin. Nilapitan ko siya at tinawid ang kama kung saan siya at sinuri siya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"My head hurts." Dinilat niya ang mga mata niya at nagulat siya nung makita ako. I saw him swallow his saliva because of the lump in his throat.

"Ralph, kukuha ako ng gamot. Wait ka lang diyan." Pinilit kong umalis kahit nahihirapan na rin ako dahil sa bumigat na talaga ang ulo ko. I was about to pull myself out when he grabbed my arms and my eyes widened in shock when he kissed me. He kissed me!

Hindi ko na masundan ang nangyayari dahil sa umiikot na talaga ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga ikinikilos ko that's why I didn't know what happened next.

Miss Kae 💋

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now