"Ako na bahala" sabi ni Hero.

"Kulit" mahinang sabi ni Key habang humawak siya sa braso ni Hero saka sila nagpunta sa seminar house.

I was pissed, pero napangiti na lang ako ulit ng makita ko yung facial expression ni Chace. He's obviously jealous.

"Okay, nasabi na sa inyo kung saan yung rooms niyo di ba? Pwede na kayong mag-unpack tapos once tapos na kayo pwede na kayong magpunta sa beach" sabi ng teacher namin.

Dumerecho na nga kami sa kwarto na naka-assign sa amin. Random yung pagpili ng magiging roommates namin. Luckily, Marley, Yancy and I were in the same room. Nahiwalay naman si Lyah pero she's just in the room next door kaya wala naman kaming problema.

"Grabe talaga, naiirita na ako kay Key. Isn't she too clingy to both Chace and Hero?" sabi ni Yancy.

Parehas naman kaming nakitango ni Marley. Una sasandal sandal siya kay Chace sa bus tapos once na makababa kay Hero naman? She's nothing but bad news.

Bigla namang bumukas yung pintuan namin at nakita naming pumasok si Lyah na mukhang iritang-irita. "Guess who my roommate is" sabi niya.

"Di ba si Marisse?" tanong naman ni Yancy.

"The other one, three per room di ba?" sagot naman ni Lyah.

Napaisip naman ako. "Don't tell me, it's her?" I asked in disbelief. Tumango naman si Lyah.

"Argh! Bakit kailangan si Key pa!? Gusto kong makipagpalit, tapos talagang hinatid pa siya ni Hero!" inis na inis na sabi ni Lyah.

I immediately felt irritated. Ginagawa ba niyang alalay si Hero? "Hayaan mo Lyah, at least mas magkakaroon tayo ng news about kay Key" sabi naman ni Marley.

"Oo nga, in fact... why don't we pay her a visit?" tanong ko sa kanila.

Agad naman na nag-agree 'yung iba. Kaso nga lang, pagkabukas ko ng pinto, si Hero kaagad ang bumungad sa amin. Nakasandal lang siya sa pinto ng kwarto nila Lyah at Key tapos nakapamulsa siya. Seryoso rin ang tingin niya sa amin.

"I know what you're thinking, I suggest that you step back" sabi niya.

Speechless kami. Hero is my weakness, kaya ano naman ang maisasagot ko sa kanya?! "Hindi mo alam kung ano ang ginagawa ni Key" sabi ni Marley.

Napataas lang ang kilay ni Hero, kinuha kaagad ni Yancy yung phone niya at pinakita niya 'yun kay Hero. "Nakita mo yan? Clingy siya kay Chace at hindi mo 'yun alam" sabi ni Yancy habang tinuro niya yung picture na kinuhanan namin kanina.

"Ano naman? Masama ang pakiramdam ni Key at sinabi 'yan sa akin ni Chace. Yun lang ba o gusto niyo pang manira?" tanong sa amin ni Hero.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Kung wala rin lang kayong magandang sasabihin, manahimik na lang kayo. Wag niyo ring subukan pang lumapit kay Key, naiintindihan niyo naman di ba?" ngumiti naman ng bahagya si Hero. "Not unless na sobrang kitid ng utak niyo" pagkatapos ay umalis na siya.

Tch. It's always Key, lagi na lang siya! Nakakainis! Lumabas ako dahil inis na inis na talaga ako. Pumunta ako sa may beach at naglakad-lakad ako para magpalamig ng ulo. Sinabihan ko rin sila Marley na huwag na akong sundan.

It was as if fate was playing a game on me. Sakto naman na nakita ko rin na mag-isa si Chace. Nilapitan ko siya kaagad. "Hi Chace" bati ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin saka siya ulit tumingin sa dagat. "Spill it Audrey, alam ko naman na may balak ka" sabi niya.

I smirked. So he noticed. "Napansin mo naman pala" sabi ko sa kanya.

"Kung tungkol eto kay Key at Hero, itigil mo na kasi wala ka ng magagawa" sabi niya sa akin.

"Paano pag sabihin kong walang kinalaman si Hero?" tanong ko. Napatingin naman siya bigla sa akin.

"Ano?" tanong niya.

"Admit it Chace, may gusto ka kay Key di ba?" Nag-avoid naman bigla ng eye contact si Chace sa akin. Caught him. "It's obvious Chace" dagdag ko pa.

"Ano naman kung meron?" sagot niya, inamin niya rin.

"Di mo ba naiintindihan Chace? Gusto mo si Key at gusto ko si Hero, all we have to do is to separate them then parehas na tayong magiging okay di ba?" sabi ko sa kanya.

Sumama lang yung tingin ni Chace sa akin. "Stop it Audrey. Mahal ni Hero si Key at mahal ni Key si Hero. End of story" sabi niya.

"Eh ano? Hahayaan mo na lang na di mapunta sayo si Key?" tanong ko sa kanya. Why is he acting cool with this? Kung mahal niya si Key, hindi ba gagawin niya ang lahat para makuha siya?!

"Di ba mahal mo si Key?!" tanong ko sa kanya.

"Oo mahal ko si Key" sagot niya.

"Oh? Ganun na lang? Hahayaan mo siya kay Hero?" nakakainis! Why is he being so stubborn. We're in the same situation but we're handling it differently.

"Yun na nga eh. Ganun ko siyang kamahal kaya ayos lang ako sa ganitong sitwasyon"


Fools in Love [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن