Buti na lang at back to normal na siya ulit ngayon.

Di nagtagal at nagsimula ng umandar yung bus. We're off to Zambales! Ang ingay kaagad ng mga kaklase ko, pati naman ako nakikisama sa kwentuhan. Katapat lang ng upuan namin ni Key ay si Chen kaya naman may nakakakwentuhan rin ako kahit papaano,

Buti na lang rin at sa bandang harapan pumwesto sina Audrey kaya nakakasigurado rin ako na walang problema na mangyayari. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit tingin ng tingin sa akin si Audrey. I doubt na tumitingin siya dahil may gusto siya sa akin, kaya alam kong may iba pa siyang dahilan. Pero di ko na lang muna papansinin sa ngayon.

"Ayos ka lang ba? Ang tahimik mo naman yata" sabi ko kay Key. Nakasandal lang kasi siya sa bintana at para bang nangangarap habang kumakain siya nung baon niya.

"Ah... oo. Di lang talaga ako sanay sa ganitong byahe. Madali akong mahilo eh" sabi niya. Naintindihan ko naman siya kaagad, matamlay rin yung pagkakasagot niya sa akin.

"Pwede ka namang matulog eh" sabi ko naman sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. "Pwede bang sumandal muna ako sayo Chace?" tanong naman niya.

"Ayos lang" sabi ko habang umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Sorry ah" narinig kong sabi niya habang sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. "Kung mangangawit ka eh isandal mo na lang ulit ako sa bintana" mahina niyang sabi.

Napakagat na lang ako sa labi ko. Takte... bakit ba napapangiti ako?

Audrey's POV

Nakaupo ako sa may harapan ng bus, pero nakikita ko pa rin si Chace. Tsk. I think my intuition is right. Malakas ang kutob ko na may gusto etong si Chace kay Key, it's pretty obvious and I can really tell.

Hindi lang talaga ako makahanap ng tiyempo para ma-confront siya tungkol sa bagay na yun. Yung pagtingin ni Chace kay Key ngayon, ganun yung pagtingin niya sa akin noon. Those sparkling eyes and that boyish smile, alam ko yun since ganun si Chace kapag kinakausap niya ako.

Hindi ko lang talaga maisip kung ano lang ang meron si Key na dalawang lalaki pa talaga ang may gusto sa kanya ngayon! She's not as talented as me and pagdating rin naman sa itsura ay obvious na lamang ako sa kanya. So I can't really find an explanation on why those two boys would prefer Key rather than me!

"Audrey, tingnan mo naman si Key. Ano kaya magiging reaction ni Hero pag nakita niya yan?" napangiti na lang ako bigla sa sinabi ni Marley.

"Kunan niyo ng picture" sabi ko.

Hindi pa rin ako tapos Key, I'm not planning on giving up on Hero just yet. Ako ang nauna kay Hero, hindi ako papayag na mapunta lang siya sayo. "Pero na kay Key na si Hero" a voice in my head said.

Umiling na lang ako, no... not yet.

A few hours later ay nakarating na kami sa destination namin. May isang seminar house dito na kung saan kami magsta-stay for the next three days. Kinuha na namin yung mga gamit namin sa bus at bumaba na kami. Nakita ko naman na inaalalayan ni Chace at Chen si Key habang pababa siya ng bus. Artista talaga.

Kasama kong naglalakad sila Marley ng bigla naming nakita si Hero na papalapit sa amin. As far as I know wala akong ginagawang masama, kaya bakit naman siya lalapit sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya pero nawala yun kaagad ng nilampasan lang ako ni Hero.

Hinawi pa nga niya kami nila Lyah saka siya dumerecho papunta kila Key. "Okay ka lang?" tanong niya kaagad kay Key.

"Okay lang ako, sorry kung nag-alala ka" sabi naman ni Key. But despite that, Hero still offered his arm to Key tapos kinuha pa niya yung gamit ni Key mula kay Chen at Chace.

Fools in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now