Chapter 16: What If

138K 2.3K 186
                                    


Geneva's POV

Gustong-gustong-gusto ko na talagang tawagan si Ralph. Eh paano ba kasi limang araw na siyang hindi umuuwi! Hindi ko man lang alam kung nasaan siya at wala naman siyang tawag o text kahit isa. Wait, bakit ba ako nagagalit? Eh dati naman isang linggo siyang hindi umuuwi, eh.

Anong bago sa limang araw na hindi niya na naman pag-uwi, Geneva?

Hay, ewan ko ba. Kasalanan ko naman kasi masyadong na-attach na yata ako kay Ralph simula nung pumunta siyang Ilocos. Siya kasi ang unang lalaki na ipinakilala ko sa pamilya ko at ang dumalaw sa parents ko. Sa tatlong araw na magkasama kami, hindi ko mapigilang mapalapit sa kanya.

Masyado akong clingy sa kanya dahil lang do'n. Baka ako na naman ang masasaktan nito. Pero hindi ko kasi mapigilan, eh. Kusa siyang nangyayari. Masaya kasi ako pag kasama siya kaya nalilimutan ko kung ano ang hindi dapat pwede.

I-text ko na lang kaya siya?

Kinuha ko ang phone ko. Hinanap ko ang number niya saka nag-type ng message.

Ralph, nasaan ka at uuwi ka ba ngayon?

Mali mali. Erase 'yon.

Ralph, ang tagal mo na riyan. Uwi ka na, please.

Mali talaga baka sabihin ang pabebe ko.

Ralph, pag hindi ka pa umuwi ngayon, babatukan na kita. Nagpapa-miss ka masyado.

"Jinggay." Ay Jinggay! Sa sobrang gulat ko ay napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nung makita si Ralph na papasok ng bahay. Tumingin ako sa phone ko at nanlaki ang mga mata ko nung makita kong nag-SEND ito!

Nataranta ako at inerase 'yon agad. Pero tanga lang kasi kahit i-erase ko 'yon sa 'kin ay naka-send pa rin 'yon sa kanya. Paano na? Ano na ang gagawin ko? Bakit kasi siya nanggugulat eh di napindot ko yung send! Kainis naman, oh!

"What are you doing?"

Natigilan ako sa kahahampas ng cellphone ko dahil sa inis at tumingin ako sa kanya. Nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

"W-Wala," natatarantang sagot ko at tiningnan ang kamay niya kung hawak niya ba ang phone niya pero hindi naman. Hindi rin tumunog nung nag-text ako. Baka hindi niya dala. Sana nga hindi niya dala. Nako, nakahihiya! Pero paano na 'yan mababasa niya pa rin 'yon mamaya? Napasabunot ako sa buhok ko sa inis.

"Are you okay?" nagtatakang sabi niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Do you need a psychiatrist?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. "Uy hindi ako baliw, ah! Ang sama mo. Kauuwi mo lang nga, nanlalait ka na agad," sabi ko saka nag-walk out. Hindi dahil sa galit ako kundi napahiya lang naman ako sa harap niya dahil sa kainis na phone na-send ang text ko!

"Anong masama sa sinabi ko?"

Umiling ako habang naglalakad paakyat ng hagdan. "Lahat!" sagot ko at tinakbo na ang papunta sa kwarto ko.

Parang ayoko na tuloy lumabas. Mas gusto ko nang sana umalis na lang siya ulit. Kainis kasi na cellphone 'yon. Bakit niya sinend?

Nagkulong ako sa kwarto hanggang sa maghapon. Nahihiya akong makaharap si Ralph. Malamang nabasa na n'on ngayon ang text message ko. Ayoko pa sanang lumabas pero nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas na ako. Bahala na.

Napangiti naman ako nung makarating ako sa kusina na hindi nakita si Ralph.

Kumuha ako ng kanin sa rice cooker at ulam sa isang container na nasa counter. Kumain ako dahil gutom na gutom na talaga ako. Kumakain ako nung dumaan si Jinggay na may dala-dalang laundry basket.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now