XVIII. Anthophile

1.1K 21 0
                                    

Marso 14, 1952

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Marso 14, 1952

Aking minamahal na talaarawan,

Kasalukuyang nasa Cebu si William kasama ang ama niyang si Don Francisco dahil may aasikasuhin tungkol sa kanilang negosyo. Ayun sa aking asawa, mananatili sila roon ng isang linggo kaya't naiwan akong mag-isa sa asyenda. Wala akong gagawin buong araw kaya sumagi sa isipan ko ang magsulat sa aking talaarawan. Isang buwan na pala ang nakalipas magmula nung huli kong sulat dito. Pasensya ka na, sadyang napakahigpit ng pamilya Argaze dahil binabantayan nila lahat ng aking kilos.

Isa pa, nag-aaral din ako. Nakakahiya dahil pang bata ang aking pinag-aaralan ngunit mabuti nalang din nang sa gayun ay hindi ako maging pabigat sa buhay ni William. Bilang asawa ng magiging sunod na mayor, nais kong matutunan ang mundo ng politika upang hindi maging bulag sa katotohanan.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang kasal na ako. Parang noong kahapon lang, nagtatanim pa ako sa bukid namin at halos wala kaming makain araw-araw. Ngayon, nakatira na ako sa asyenda, pinagsisilbihan ng daan-daang mga kasambahay, at tinitingala ng buong lungsod.

Ibang-iba ang nangyare keysa sa aking inaasahan.

Akala ko sa kanya ako ikakasal.

Kasi nangako siya sakin. 

Nangako siya noong mga bata pa kami. 

Aniya'y babalik din siya kaagad ngunit sampung taon na ang nakalipas, ni anino niya hindi ko naaninag. Napapaisip tuloy ako kung ano na kaya ang hitsura niya? Maayos lang kaya ang kalagayan niya? Masaya kaya siya sa buhay niya? 

Naaalala pa kaya niya ako? at ang binitawan niyang pangako?

Sa totoo lang, mapahanggang ngayon umaasa akong babalik siya. Na isang araw kakatok siya sa pintuan na may matamis na ngiti sa labi at dala-dala ang paborito kong bulaklak na tulipan. 

Bakit ko ba 'to sinulat? Masama itong ginagawa ko. Kasal na ako kaya't dapat ako'y matapat sa aking asawa. Dapat ko nang kalimutan ang taong 'yun at ang pangako niyang tinangay na ng hangin at panahon. 

Nagmamahal, 

Emillia Argaze

* * * * * 

My eyes are widen while reading the second chapter of my grandmother's diary. She mentioned another guy aside from my grandpa. So, lola Emillia didn't actually love lolo William when they were newly-wed? But I do understand. It's hard to love someone you just met, let alone force you to marry them. 

She's only twenty years old at this time I guess, because she was born in 1932. I couldn't imagine how tough must it have been for her to marry and carry a heavy role at such a young age. 

The Paradise of Eternal SorrowWhere stories live. Discover now