XVI. New Beginning in Manila

1.4K 22 0
                                    

Puno ng iyakan ang malamig na gabi sa aking pag-alis patungong Manila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Puno ng iyakan ang malamig na gabi sa aking pag-alis patungong Manila. Hinatid ako nina mama at papa. Ang nakakamangha dahil sumama rin si ate. Maliban sa kanila, nagpumilit na sumama si ate Yana. Alas tres ng madaling araw, andito kami sa airport at nagsimula na akong magpaalam sa kanila. 

Niyakap ko ng mahigpit ang aking mga magulang. Kanina pa nga iyak ng iyak si mama kahit nung nasa sasakyan pa lang kami. Dad on the other hand wants to keep his tough image. I know he feels sad, ramdam ko pa rin naman. 

Matapos yakapin sina mama at papa, sunod akong napatingin kay ate. 

Mukha siyang walang pakialam. Sa katunayan nga parang napilitan lang sumama sa paghatid eh. Ano pa bang inaasahan ko?

Instead, si ate Yana na lamang ang yumakap sakin ng mahigpit. After all, she's been acting more like an older sister than my actual one. 

"Ma'am Sollace, mag-ingat ka palagi sa syudad. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako o di kaya mga magulang mo. Sakaling may nambu-bully sayo dun, hindi ako mag-aatubling sumugod sa Maynila at ipagtanggol ka. T-tsaka huwag muna mag jowa okay? Alam kong maraming mayayaman at matatalinong pogi dun ngunit pag-aaral muna ang aatupagin mo. " kung hindi lang sana siya inawat ni mama ay paniguradong aabutin kami ng ilang araw dahil sa dami ng bilin niya.

But I'm glad I have someone like ate Yana who genuinely cares. 

Ilang habilin at usapan ang nakalipas, tuluyan na akong lumisan. Mas lalong lumakas ang hagulhol nina mama at ate Yana. Hindi ko rin mapigilang maluha sa aking nakikita. I don't want to cry on my way to Manila kaya buong lakas kong pinigilan ito. Mamaya ko na ibuhos 'pag nakarating ako sa aking apartment.

I take a last look at my province and inhale the cold air for the last time.

I'll be back Green Will province. 

* * * * * 

I'm finally here at the grand city of Manila. 

As a probinsyana girl, syempre namangha ako sa mga nagtataasang estraktura at establisyemento na nagkalat sa iba't-ibang parte. Iilan lang mga puno ang makikita ko. 'Di katulad sa lugar namin, dito napakadaming tao at ang init-init din. 

As a person who loves nature, it kinda hurts seeing limited trees in here. May mga halaman nga kaso fake pa. 

Anyway, sa first day ko rito ay naglibot-libot muna ako. Buti nalang din malaki-laki ang apartment na binili nina mama kasi alam kong dyan lang ako magmumukmok na parang ibon. 

And guess what? I stumble upon someone.

Not just someone.

The Paradise of Eternal SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon