Chapter 11: Surprise in Ilocos

164K 2.9K 240
                                    


Geneva's POV

"Mama! Si Ate Gen nandito!"

Natawa na lang ako nung excited na ibinalita ni Irene ang pagdating ko sa mama niya. Patakbo pa talaga siyang pumasok sa loob pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto.

Kusa na lang akong tumuloy sa bahay nila at napangiti habang tanaw ang bahay. Gano'n pa rin ang ayos. Sobrang alaga ang bahay.

"Geneva?" Nilingon ko ang tumawag sa 'kin. "Ikaw nga!"

Madali niya akong niyakap nang mahigpit. "Ikaw na bata ka. Bakit ngayon ka lang bumisita? Miss na miss ka na namin."

"Tita..." Napanguso ako. "Miss ko rin naman kayo nina Irene."

"Ate." Niyakap din ako ni Irene nung makabalik siya.

"Kumusta ka na? Hindi ka man lang dumalaw rito last year. Akala ko ba taon-taon mong dinadalaw ang mga magulang mo?"

"Dalawang araw lang kasi ang binigay sa 'king off last year, Tita, kaya hindi ako nakadalaw rito sa inyo. Umuwi rin ako agad after kong mabisita sina Mama at Papa last year. Pasensya na po."

"Okay lang. Naiintindihan ko. Alam ko namang importante sa 'yo ang trabaho mo. Teka, kumain ka na ba? Gutom ka ba? Ipaghahanda kita." Agad na umalis si tita saka tinungo ang kusina nang hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Kahit kasi sabihin kong busog ako ay alam kong maghahanda pa rin 'yon ng pagkain.

Tumayo na rin ako para tulungan siyang maghanda. Masaya ako at matitikman ko ulit ang luto ni tita. Masarap kasi siyang magluto. Very traditional ang lasa. Saka masaya akong makita sila ulit.

Sila na lang kasi ang kilalang kamag-anak ko. Magpinsan sina mama at Tita Irish. Close sila ni mama kaya hindi naputol ang ugnayan nilang dalawa hanggang sa lumaki ako. Isa lang ang anak ni tita at 'yon ay si Irene na magtatapos na ng high school. Nasa barko ang papa niya at nagtatrabaho bilang seaman. Isang beses lang sa isang taon ito umuwi. Ang sipag din ni tito magtrabaho.

"Tikman mo 'yan. Masarap 'yan," aniya sabay lagay ng mga pagkain sa plato ko. Sobrang na-miss ko ang asikasuhin ni tita. Mula pa bata ako ay ganito na siya sa akin. Palaging naglalagay ng pagkain sa pinggan ko. Parang anak na rin kasi ang turing niya sa akin. "Hindi ka kasi nagpasabi na uuwi ka, sana napagluto kita ng paborito mong chopsuey."

"Okay lang, Ttita. Ayoko naman kayong abalahin."

"Anong abalahin ka riyan. Tita mo ako at pamangkin kita kaya wag kang mahiya riyan. Ilang araw ka ba rito? Dumalaw ka ulit bago ka bumalik ng Manila para mapagluto man lang kita."

"Isang linggo po ako rito. Kaninang umaga lang po ako dumating."

"Ah, so may ilang araw pa pala. Kailan mo gustong dumalaw nang makapaghanda ako?"

"Siguro sa ikalawang araw po. May dadalawin pa kasi ako bukas at sa susunod na araw naman ay death anniversary na ninla Mama at Papa kaya roon po ako sa sementeryo. After po no'n, dadalaw ulit ako dito sa inyo."

"Sige, promise 'yan ha?"

Tumango ako. "Promise po."

Nagkwentuhan lang kami nina tita tungkol sa kanila at kinamusta rin nila ang trabaho ko. Hindi ko na sinabi ang tungkol kay Ralph. Hindi naman kailangan dahil hindi naman ito pupunta rito. Sa busy n'on, hindi n'on tutuparin ang sinabi na pupunta siya. Sino ba ako at pagkakaabalahan niya ng oras? Siya na mismo nagsabi na mas importante sa kanya ang kumita.

Nung hapon ay tinulungan ko sina tita na mag-harvest ng mais. Pinakuluan namin ang iba saka ginawang meryenda. Nakami-miss ang buhay sa probinsya at ang sariwang hangin. Ito talaga ang kinalakihan ko.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon