Chapter Four: Cursed Eyes

Magsimula sa umpisa
                                    

Mukha siyang nagulat sa inasta ko, kaya agad akong siniko ni Cynthia. "Papasok na kami." Matigas kong sabi. "Kaya kung pwede lang, alisin mo yang kamay mo." I asked him. He obliged, inalis na niya ang pagkakahawak saakin.

Hinila kaagad ako ni Cynthia palayo.

"You see? Kaya sabi ko sayo iuwi mo ko! Look what these eyes did. Wala pang ilang minutes, gulo na agad yung dinulot nila." Pagdadabog ko kahit hindi pa kami masyadong nakakalayo. Pabulong ko lang naman sinabi e.

Huminga ng malalim si Cynthia, "Nagkataon lang na nakita ka ni Kurt sa mall nun. Hayaan mo na."

Huminto ako.

"They're fake. I'm wearing contacts." Di ko mapigilang pagrarason kay Kurt. Bumalik pa ko sa kinaroroonan nila pagkatapos ay bumalik na rin ako sa tabi ni Cynthia, leaving Kurt shocked and confused more than ever. "Maniniwala naman siguro yun no?"

Inirapan ako ni Cynthia, "Lalo ka lang naging suspicious, Thene. Dapat hindi mo na ginawa yun."

"E kesa naman isipin niyang gray talaga mga mata ko di ba? Hayaan mong isipin niya na brown talaga mata ko, at yung sinusuot kong contacts ay etong gray." Pagdadahilan ko kay Cynthia.

"Ewan ko ba kasi sayo, may padisguise-disguise ka pa kasing nalalaman." 

Kurt's POV

Paalis na siya at ako nawiwindang parin.

Masyado ata akong nagulat sa nakita ko. Hindi ko kasi ineexpect na kulay gray yung mga mata niya. Kamukhang-kamukha nung mata nung nakita ko sa mall.

"They're fake. I'm wearing contacts." Nagulat ako nang makita kong bigla siyang bumalik para sabihin yon. Nagmukha tuloy siyang defensive. Lalo tuloy akong nagdududa.

Siniko ako ni Jiro, "Dude, tungkol san yun?"

"Wala." Sabi ko sabay iling. Pero hindi ko maalis sa isip ko yung nakita ko. Totoo ba na contacts lang ang mga yon? Bakit naman siya magcocontact lens kung nakasalamin na siya? Bakit parang may tinatago siya? 

Siya ba talaga yung babaeng hinahanap ko sa mall?

I visualized the both of them. No. Imposibleng iisa lang sila. Yung babaeng nakita ko sa mall, lamang ng isang daang paligo kay Nerd. So bakit ko ba iniistress ang sarili ko na baka iisa lang sila? Hindi naman pwedeng mangyari yun, ang layo ng itsura nila sa isa't isa. Ang ganda nung nasa mall, si Nerd. Ayun... nerd. Hindi sila iisa.

Pero hindi naman normal sa Pilipinas na makakita ng taong gray ang mata hindi ba?

Leche. Lalo kong ginulo utak ko!

Athena's POV

Pesteng palusot yon, sana naniwala siya. Okaya maguluhan nalang kahit papaano! Alam ko naman sa sarili ko na palpak yung palusot kong iyon kahit hindi sabihin saakin ni Cynthia. Wala kasi akong maisip na iba e. Under pressure ako noon kaya yun nalang ang naisip ko.

Bakit ko ba kasi pinoproblema yung lalaking yon? Nakakainis. Napaka-pakiekamero naman kasi niya. Hindi naman porke sikat siya dito ay may karapatan na siyang manghimasok sa buhay ng may buhay. 

Ang tanga-tanga ko rin naman kasi e. Nakalimutan ko pa mga contacts ko e nasa bedside table ko nalang sila. Buti nalang nasa sasakyan yung salamin ko at hindi ko naiwan pati to. Kaya eto ako ngayon, mukha na siguro akong naisisiraan. Pilit ko kasing pinantatakip yung bangs ko sa mga mata ko. Wala na nga akong makita sa dinadaanan ko e. Mabuti nalang andyan si Cynthia para iguide yung dapat kong daanan.

Kahit pa nagdidiscuss na yung bwiset na teacher sa harap, nakatakip parin mukha ko. Wala na akong paki kung sabihan niya akong bastos, kapag kasi nakita nila yung mata ko baka magtanong nanaman sila. Baka pati family background kong maintriga sila. It't not like, everyday may nakakasalubong kang pilipina na gray ang mata hindi ba?

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon