4th-

85 1 1
                                    

7:45am

Nasa library ako ngayon. Nagrereview ng konti para sa quiz namin mamaya.

Pag naman kasi sa room ako nagstudy e malamang wala akong maabsorb kundi ang ingay ng classmates ko. Haha

Di ako loner or what ah. Di ko lang talaga trip sa room kasi maaasar lang ako dun.

Kasama ngayon ni Aira yung boyfriend niya kaya naman e mag-isa ako.

Oo, nagkaboyfriend na nga ang magaling kong kapatid. Congrats naman!

Congrats at mag-isa ako ngayon. (Bitterness alert) Hahahaha.

Nagscan lang ako ng notes habang nakarest yung aking chin sa palad ko.

Medyo inaantok nga ako e....

Wew... Makaidlip nga ng sandali....

3...

2...

1....

"Uyyyyyy!" Mahinang sigaw ng isang tinig at bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko.

"H-HUH?! ASAN ANG SUNOG?!"

Bigla namang napatingin sa akin yung mga tao.

OMG. Bakit ba nangyayari tooooooooooooo. >__<

Nag-bow na lang ako at nagsorry.

Paglingon ko sa tabi ko e nakaupo na siya sa upuan dun.

At nagpakita na naman ang loko. Great. Stalker ata 'to e. Tssss

"Chill, hon~ Ako lang to." Ngumiti naman siya ng nakakaloko.

HON?! SIRA ULO BA 'TO?!

"I don't know you. Kaya get lost." -__________________- Pabulong kong sabi sa kanya at pinandilatan siya.

O ayan. Kung di pa tatabla yan ewan ko na lang.

"Ba't ba ang sungit mo sa akin, Miss? Galit ka ba sa mga poging gaya ko?" Ngumisi ngisi naman siya at napairap na naman ako.

"At ikaw, bakla ka ba at ayaw na ayaw mo akong tantanan ha? Lalaki ako, pwede ba. Dun ka kay Coleen. Wala kang mapapala sakin." Tss. Asar talaga 'to. Pasalamat siya at nasa library kami kundi kanina ko pa siya naupakan. -______- (XD)

"Ayieeeeee. Selos siya~" Sinundot sundot naman niya yung gilid ko.

Aba naman! Ayos 'to a naghahanap ata ng death penalty. -_____________-

Bigla ko naman siyang hinila papalabas ng library at kinausap sa may hallway.

"Hoy, bakla. Una, hindi tayo close. Kaya wag na wag mo akong mahawak hawakan kahit saan at baka maupakan kita. Pangalawa, LALAKI AKO. LALAKI. DI MO GETS? Kaya lubayan moko nakakahighblood ka e." Iniwan ko naman siya na nakakatunganga dun. Nagulat ata sa sinabi ko. Pffft. Basta ba't lubayan niya ako e ayos na rin.

"A-anong sinabi mo....?"

"Lalaki ako. Tapos." Sinabi ko ng mas malakas para marinig niya at patuloy pa rin sa paglakad papalayo.

"Hindi..... Y-yung isa." Nagulat naman ako sa tono ng boses niya kaya napatigil ako at napalingon sa likuran.

Mas lalo naman akong nagulat sa ekspresyon ng mukha niya.

Medyo... dumilim. Nawala yung ngisi niyang nakakabaliw at napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Bakla pala ako? Ha?"

Napailing naman ako at biglang nawalan ng boses.

"H-hindi... Jo-"

"Tignan natin, Miss. Tignan natin." Ngumisi na naman siya ulit.

Pero ngayon... wala na akong makitang halong biro.

Seryosong seryoso yung mukha niya nun...

-

Hala ka Mieeel! Ginalit mo si Cross. Hahaha. XD

Update update before magiging busy ng husto ang sched ko. XD

Comment po kayo~ Ingat ang lahat! ;)

Sweetest Sin (Editing)Where stories live. Discover now