2nd-

89 4 2
                                    

9:34am

Ba't naman kasi di nagmeet yung teacher na yun? Nakakainis tuloy walang magawa.

Kaya eto at naglalakad lakad ako sa school grounds, kunwari may pupuntahan habang patingin tingin sa paligid.

Papunta ako sa kabilang building nun nang may nahulog sa harap ko, kaya medyo nagpanic ako.

ANO YUN!? UFO?!

Napatingin ako ulit sa harap ko.

Ugh. Eto na naman ang kakornihan ko. -.-

Papel lang pala! Tss.

Nakapagtataka naman. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang tao na posibleng nagtapon nito dito.

Pinulot ko yung papel at binuksan.

Napataas ako ng kilay sa nakasulat.

"Will you marry me?"

Aba?!

Napairap tuloy ako sa kawalan.

At talagang pinaglaruan pa ako!

Kaya naman pinunit ko yun at tinapon sa pinakamalapit na basurahan.

"Tsss. Tigilan mo nga ako!" Sigaw ko na may pagdadabog at papaalis na sana nang may narinig akong halakhak. Pigil na halakhak. -.-

Sa taas...

Tumingin naman ako dun at may nakitang lalaking nakasandal sa railing ng rooftop.

Nakangisi siya at pinagmamasdan ako ng maayos.

Wala akong panahon sa mga biruang ganito. Mga wala talagang magawa sa buhay tong mga lalaki. Hayyy.

Kaya naman e hindi ko na lang siya pinansin at naglakad lakad ulit.

Bumili ako ng milk tea sa isang vending machine na nadaanan ko at napaupo sa isang bench.

"Ang tahimik talaga. Nakakarelax naman. Hmm." Uminom ako at ngumiti habang nakatingala sa langit. Pinikit ko rin ng saglit yung mga mata ko para namnamin yung iniinom ko.

CF ba ito? Hahaha.

"Ang sarap talaga!" Napadilat ulit ako at medyo lumaki yung mga mata ko nang may makita akong anyo sa harapan ko.

"M-MULTO!" Sigaw ko sa kanya habang nagtutok ng isang daliri at biglang napatayo.

"Huh? Sa kagwapuhan kong ito multo ako? Aba miss, bulag ka ba?" Nakangisi niyang tanong.

Conceited. Go away. Ugh.

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang segundo at medyo natigilan ako.

Okaaaay. Maybe 'cute' naman siya pero not my type, especially dahil sa ugali.

Sayang. :P

"Tantanan mo nga ako. Tss." Sumipsip pa ako at naglakad papalayo.

"Oy miss! Ba't ang sungit mo?" Humabol naman siya sa akin at ngayon e katabi ko nang naglalakad.

"Bakit ang kulit mo? Pumasok ka na nga di yung nag-c-cutting ka."

"Gusto ko lang naman ng kausap e! Boring kasi. Tsaka nag-c-cutting ka rin kaya!" Nagpacute naman ang loko. Heh. Di uubra sakin yan. ._.

Di ko siya pinansin at naglakad na lang.

"Saan ka ba pupunta ha?"

"Bakit? Hawak mo ang mga paa ko ganun? Please. Umalis ka na nga ayaw kitang kausap. Shooo." Binugaw bugaw ko pa siya at nakangisi naman siya ngayon.

"Gwapo naman ako, di ba?" Tanong niya na may kasabay na kindat kaya ikinagulat ko.

"Pake ko, di ba?"

"Gusto mo ako e. Uyyyyy aminin!" Kiniliti pa ako ng loko. Aish!

"Yakk. Pwede ba! Tsaka wag mo nga akong hawakan!" Tinulak ko siya at nag-roll ng eyes. Hahaha.

"Tsk tsk tsk. Ang dami talagang naloloko sa akin. Aminin mo na, miss. Cute ka naman e."

-________- Hayyy kung libre sanang manuntok ginawa ko na.

Ngayon at nabanggit niya, parang pamilyar nga siya.

Parang isa sa mga pinagkakaguluhan dito sa school?

Siguro.

"O edi dun ka na sa mga iyon. Wala kang makukuha sa akin." Umirap lang ako at napatingin sa relo.

Nako! Malelate na ata ako sa next class ko!

Kaya naman kumaripas ako ng takbo at iniwan siya.

"Hoy Miss yung pangalan mo!"

"Che!" Lumingon ako at dumila habang tumatakbo pa rin.

Di mo na kailangan malaman ang pangalan ko kasi di na rin tayo mag-uusap ulit.

Napangiti ako.

Promise.

-

Pa-hard to get ata si Miel? Hahahaha.

Di naman, guys! Allergic lang talaga yan sa mga lalaking mahangin. XD

Nagulat po ako kas first chapter pa lang medyo madami na ang reads.

Salamat po! ^____^

Sweetest Sin (Editing)Where stories live. Discover now