7th-

36 0 1
                                    


4:26pm

Mag-isa akong palabas ng campus ngayon dahil may date raw ang kapatid ko. At talagang naunahan ako sa pagkakaroon ng boyfriend. Ahe di naman ako bitter and I don't really mind being alone. Actually, ayos rin to paminsan-minsan. It helps me think. It helps me relax.

Simula nang nangyari kahapon ay mabibigat na tingin na ang aking natatanggap mula sa paligid. Ibang iba talaga ang epekto ng ugok na yun dito sa school namin e. Para siyang diyos na tinitingala ng lahat. Lahat maliban sa akin.

Binuksan ko na lang ang libro ko at nagbasa habang naglalakad. Binalewala ko na rin ang mga mapanghusgang matang nakasunod sa akin at lumiko na ako patungo sa bus stop at hinawi ang buhok mula sa mukha ko. Ilang sandali pa ay may narinig akong tinig na tinatawag ang pangalan ko. Narinig ko naman ang pito ng isang itim na kotse sa bandang kaliwa ng daan kaya napatingin ako dito. Nakita ko si Coleen na nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan at kumakaway habang nakangiti. Tinuro ko naman ang sarili ko na parang sinasabing "Ako?" at tsaka lamang lumapit nang tumango siya sa akin.

Medyo kinabahan ako. Baka naman galit siya sa akin dahil sa ginawa ko kahapon? Jusko! Girlfriend siya ni Cross e malamang may sama ng loob to sakin. Nako tuloooong. Airaaaaa. Mamaaaaa, paaaaaapa!Anong sasabihin ko?!

Pinapasok niya ako sa sasakyan at doon ko lamang napansin ang isang lalaking nakaitim na hawak hawak ang pinto ng kabilang dulo ng kotse. Pumasok naman ako at nagdasal na wala siyang gagawing masama sa akin kahit na sinasabi ng utak ko na tumakbo na lamang ako.

"Uhm... Ano sanang kailangan mo sakin?" Kinakabahang tanong ko.

"Sorry kung bigla bigla na lang kitang pinapasok ah. Kailangan ko kasi ng kasama ngayon e.." Nagpout naman siya. "Ayos lang ba sayo?" Nakangiting sambit niya.

"Saan ba?" Nakangiti ring tugon ko kahit na nawiweirduhan ako sa inaasal niya. Hindi naman kami magkakilala e at pwede naman siyang magpasama sa mga kaibigan niya. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya pero hindi ko na lang itinuloy. At tsaka isa pa e yung ginawa ko sa boyfriend niya kahapon. Wahhhhhh tulong!

Sinabi niya na kakain lang kami ng sweets at magkwekwentuhan. Stressed raw siya ngayon at walang maisamang mga kaibigan kaya naman ay ako ang kanyang naimbitahan.

Pumayag naman ako dahil narito na rin ako sa loob ng kotse niya. Ano pa bang magagawa ko di ba? At feeling ko may atraso ako sa kanya kaya naman ay pumayag na rin ako.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami.  Ang laki ng lugar, parang hindi tamang cafe ang itawag rito e. Binati siya ng mga crew neto at umakyat kami sa 2nd floor kung saan ay mukhang isang private floor. Pakiramdam ko tuloy sila ang may-ari nitong cafe na ito dahil respetado talaga ang pakikitungo sa kanya rito.

"My usual." Sabi niya habang nakangiti at tumingin sa akin. "Pumili ka na, Miel. Don't worry sa akin ang bayad kasi ako ang nag-aya sa iyo." Pagpapatuloy niya habang linapag ng babaeng nasa tabi ko ang menu.

Ang gagara ng mga presyo! Pero mukhang masasarap. Umorder na lang ako ng Sizzle Dazzle Brownie dahil hindi ko naman kayang maubos yung ibang orders rito. Ang lalaki e. Tsaka ang lalaki rin ng presyo, naman! Grabe tong si Coleen ang yaman nga.

"Naiilang ka ba sakin?" Tanong niya habang linalapag ang cellphone niya sa mesa.

"H-hindi naman.. Ano kasi... Iniisip ko lang na..." Nag-aalinlangan kong sabi.

"Na..?" Ngumiti naman siya.

"Ano eh... Kasi..." Wahhh saan saan ako dumadapo yung paningin ko pano ba to! Aside sa nahihiya akong sabihin ang kanina ko pang hinaing e ang ganda niya kasi. Nahihiya akong titigan siya at baka anytime e matitibo ako. Ahuhuhu.

"Ahhh.. Kung tungkol to kay Cross e wag kang mag-alala. Di naman ako galit or whatnot. Wala yun. Medyo natawa pa nga ako e." Natawa nga siya pagkasabi niya nito. Huwaat?! Natatawa siya?

"Bakit naman? Binastos ko siya sa harap ng maraming tao e..." Nahihiyang sabi ko.

Humagalpak naman siya sa tawa. Oyoyoy! Ang prinsesa tumatawa ng ganito? Ang kyut niya pa rin hays.

"Hahahahahahaha sorry! First time kasing may kumalaban ng ganoon kay Cross e. Kahit siya siguro ay gulat na gulat. Hahahahahaha nako natatawa talaga ako."

"Eh kasi naman e... Ano, ang sarap niyang asarin." Pinipigilan ko rin ang tawa nang sinabi ko iyon.

Nag-usap lang kami hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. 5:30 na rin pala at kailangan ko nang umuwi.

"Coleen, mukhang kailangan ko nang umuwi e." Sambit ko nang  makita ang oras sa relo ko.

"Ah sige ipapahatid na kita." Ngumiti siya.

"Hindi na. Nakakaabala na ako masyado e. Salamat pala ha." Binalik ko naman ang ngiti niya at nagsimula na kaming bumaba.

May linapitan namang lalaki si Coleen pagkababa namin at napansin kong pamilyar ang mukha niya, pati na rin ang isang babaeng nasa harapan niya. Saan ko nga ba sila nakita?

Nagnginitian sila at nagpaalam naman si Coleen sa kanila. "Sige Jad, Kaye, alis na muna kami ah?" Ngumiti naman ako at nagbow sa kanila. Jad? Bigla ko namang naalala yung kahapon. JAD! Oo! Kaya pala pamilyar ang mukha nila. Sila yung kasama ni Cross sa table kahapon! Napansin ko ring iba yung titig ni Jad kanina sa akin e. Parang ang bigat ng aura na hindi ko mawari. Mukhang regular customers rin sila rito sa cafe nina Coleen. Close rin talaga sila kay Coleen at Cross kaya naman ay kailangan kong mag-ingat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweetest Sin (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon