6th-

22 0 0
                                    


12:01pm

Bigla naman akong napatayo at binagsak ang mga kamay ko sa mesa namin at ikinagulat yun ng mga tao, lalong lalo na si Cross at ang aking kapatid.

"Ate...." Akmang hahawakan niya ako pero di niya natuloy dahil sa ekspresyon ng mukha ko.

"Hoy Cross! Ano bang drama to ha? Nakakagago ka masyado! Kelangang idamay yang mga alalay mo ha? Para saan? Ano bang balak mo ha?" Tinitigan ko naman siya sa mata nang walang alinlangan.

Wala e sinimulan ko na wala nang atrasan to. Nakakasar namaaaaan! Huhuhu yung reputasyon ko! Kung meron man. T______T Hayy bigla pa tuloy gumulo lalo 'tong magulong buhay ko.

"Mag-sorry ka muna at titigilan kita. Bawiin mo yung sinabi mo kahapon." Seryoso niya namang tugon.

Yun lang tapos kelangan pa may dramang ganito? Aba bakla nga! Ang arte arte masyado tsk.

"Cross...." Sinikap ko namang tumingin sa mga mata niya. Aish para kaming nasa k-drama ngayon e di ko feel! Kung kasing gwapo sana siya ni Lee Jongsuk okay na!

"Ano yun?" Napangisi naman ang mokong.

"Ano... So..."

"So?"

"S-so....."

"Hmm?" Ngising ngisi yung loko.

"SORRYHIN MO MUKHA MO! BAKLA! AKALA MO BABAWIIN KO?!! ABA'T BAKLA KA E PROVEN NA YON ANG ARTE MAY DRAMA PANG GANITO NA NALALAMAN!" Napairap na lang ako at napansin kong nalaglag ang panga ni Aira at hinila ang braso ko. Bumulong naman siya bigla sakin. "Juskoooo ateeee ano ba 'tong ginagawa mo plano mo bang sirain ang buhay moooo? Waaaaahhh"

"Sira na buhay ko dati pa sa kakasunod niyang lalaking yan saken tsk. May girlfriend tapos ang harot harot." Wala na akong pakialam sa tingin na binibigay ng mga tao sa akin. Ang alam ko lang ngayon ay umabot nako sa limitasyon ko sa pagpigil. So what kung maging impyerno buhay ko? Hindi mataas ang pride ko para magsorry sa isang tao kaso kung sa kanya? At wala naman akong ginawang masama kundi sabihin ang totoo? Haha no way!

"Aba pre hinahamon ka ata. Dalhin mo sa bahay mamaya at baka magbago ang isip." Tumawa naman yung lalaking nasa table nila at sumunod naman si Cross. Che! Mga bastos! Aish nakakakulo ng dugo! Natawa rin yung ibang mga nakarinig pero yung mga babae, which I assume e patay na patay sa haliparot na yun, e parang mangangain anytime. Ahe. Di ako masarap mga beh. Wrong number po kayo. Ahehe.

Nagmadali namang tumayo si Aira at hinila ako papalabas. Tumakbo kami papunta sa garden at dun ay huminto kami. "Ate naman! Blacklisted ka na niyan sa school," hingal niyang sabi. "Sana nagsorry ka na lang sa kanya. Tsaka... Bakit mo naman siyang sinabihang bakla? E halos lahat na nga nagkakagusto dun e!" Natatawang tanong niya.

"Wala bigla ko lang nasabi e kaya naman pinanindigan ko na lang. Ang sarap asarin e. Hahahaha!"

"Tsk. Basta kahit anong mangyari ate andito lang ako para sayo! I'll ward them off for you! Char English yon ate maging proud ka!" Tumawa naman ang baliw kong kapatid. Hayy. Di naman ako takot e.
Tsaka... Sana naman nang dahil dun e talagang tantanan niya na ako.
Sa lahat ng ayaw ko e yung mga haliparot na mga lalaki na walang isang salita.

Linagay ko naman ang braso ko sa may balikat niya. "Oo no! Sakin mo ata nakuha yang tapang mo." Kinindatan ko naman siya.

Ano na naman kayang mangyayari sa mga susunod na araw?
Simula kasi nang umeksena yang Cross na yan e mas lalong bumuhol yung buhay kong magulo.

-
Ayaaaaaaan! Nakapag-ud rin si otor! *nagpasabog ng confetti* Ngayon lang ulit nagkaroon ng motivation na ituloy 'to e! Pano kasi ang daming nangyari huehue.
Hope you enjoyed the chapter! Comments at votes po ah? Salamaaaat! [08-16-15]

Sweetest Sin (Editing)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα