5th

92 6 0
                                    

"So bakla pala itong mukha na 'to? Seryoso? Halikan kita dyan e!"

"Tss. Ewan ko sayo."

Lumakad na ako palayo. Akala ko ay susundan niya pa ako pero sa awa ng Diyos e tinantanan ako ng loko.

Haaayyy. Nakahinga naman ako ng maluwag dun.

 Cross' POV 

11:47am

Bakit ganun? Kahit ano atang gawin ko ang sungit sungit nun sakin.

Nakakachallenge naman 'to. Wala pa atang nakakatanggi sa charms ko no! Tss.

At isa pa... TAWAGIN BA NAMAN AKONG BAKLA? IBANG KLASE TALAGA 'YON! -.-

.... DI tuloy siya matanggal sa isip ko. Hayy.

May gusto ba ako sa kanya? Hindi.

Hindi naman siguro. Kami ni Coleen e, 'di ba?

Tama! Nachachallenge lang talaga ako at nagawa niyang tanggihan 'tong kagwapuhan ko!

Kaya naman e nung lunch time kinabukasan,  may naisip akong plano.

Nasa isang table na kami nina Jad at Kaye. (Minseok as Jad :p)

Wala si Coleen kasi tinatapos pa raw nila yung group project nila.

Nakita ko rin naman sina Miel at yung kapatid niyang si Aira sa may bandang dulo.

Ako? Stalker? DI AH! Sadyang madami lang akong sources! Gwapo e! Kekeke

Chance na 'to. Ayos.

Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at pumapalakpak ng ilang beses, at ayon, nakuha ko naman ang atensiyon ng mga taong nakapaligid sa akin.

"Alam niyo..." Bigla namang nagmala-tutang nareject yung mukha ko (siyempre props, tol! props!)

"Awww! Bakit, Cross? May nangyari ba?!" Sigaw ni Tricia, yung president ng fans club ko habang napatayo at mukhang nag-aalala nang husto.

TInignan ko naman ang reaksyon ni Miel at ayun, mukhang bored at walang interes pero nakataas ang kilay niya habang umiinom ng coffee latte.

Ay pucha! Bakit coffee?! AISH! Minus pretty points ka na saken!

AY TEKA NGA! ANO BANG PAKIALAM KO DUN DI BA? -________- Langya ang gulo ko na naman!

I cleared my throat.

"Kase may isang babaeng di tinatablahan ng charms ko e.... Tapos.... Sabi pa niya..."

"ABA SINO YAN?!" Sigaw nung mga babae sa katabing table namin.

Hahahaha. Lagot si Miel neto! Tsktsk.

"Pre ang drama mo." Sabi naman ni Jad habang na humihigab.

Natawa naman si Kaye, "Yaan mo siyang dumiskarte, hon. Humihirit habang wala si Coleen e."

Nag-roll lang ako ng eyes, handa nang ituloy yung speech ko kuno.

"Bakla raw ako e." Bigla ko namang linagay yung isa kong kamay sa aking dibdib na parang nasasaktan ng husto at tumingin sa ibaba.

Pumalakpak naman si Kaye at mukhang tuwang tuwa sa drama ko habang  napangisi naman si Jad.

"O asan na yang babaeng yan tol? Mukhang interesante e."

Ayan na. Mang-gu-good time na naman 'tong master ko. Hahahaha

"Ayun siya o," sabi ko habang napatingin sa kinauupuan nila Miel at Aira.

Nakita ko namang medyo gulat yung mukha niya, mukhang kinakabahan rin.

Hayyyy, Miel. Ayusin mo lang yung pagtrato sa akin e ayos na ako.

Sorry at kailangan ko pang gawin to.

Kasi... mukhang nagkakainteres na rin ako sayo e.

-

O ayan! FINALLY! Nakapagupdate na si otor! Kaiyak sorry ngayon lang!! T________T

Sana di kayo nagalit sakin huhu. Magpapatuloy na 'to guys don't worry~~

^___^

 PS: Kaye at the right side~~ 

Sweetest Sin (Editing)Where stories live. Discover now