Special Chapter 04

22.3K 536 43
                                    


Pat

( Kean's POV )

"Anong pangalan mo?"

Napalingon nalang ako sa isang bata ng magsalita ito.

Nandito kasi ako sa parke malapit lang sa bahay namin..Wala rin naman kasi akong makakalaro kasi wala sina kuya Ethan at Nathan..Wala rin si Ate Xandra pari na sina mommy at daddy..

Busy sila lahat , kasi nga may trabaho pa..

"Kean.." simpleng sagot ko

Umupo ito sa tabi ko at tiningnan akong mabuti

"Patricia nga pala..Pat nalang para mas madali.." sabay abot niya ng kamay niya sakin

Tinanggap ko naman yun at ngumiti sa kanya..

"Mag isa ka lang?" tanong niya

"Ah..Oo , wala kasi sina mommy sa bahay..Wala akong kalaro." sambit ko at yumuko

"Pareho pala tayo.."

Napalingon ako sa kanya at kitang kita sa mata niyang malungkot rin siya.

"Sabi ni daddy namatay daw si mommy nung ipinanganak niya ako.Kahit hindi sabihin ni daddy saking malungkot siya , ramdam ko yun..Sa murang edad ko naranasan ko na yung hirap na ganito..Hindi ko man lang naranasan ang mahalin ng isang ina..Hindi ko man lang nayakap yung mommy ko kahit saglit lang.." narinig ko nalang ang pag hikbi niya

"Tahan na.." sambit ko at hinagod ang likod niya

"Kung hindi siguro dahil sakin , hindi mamamatay si mommy..Sana ipinalaglag niya nalang ako para hindi siya mamatay.." aniya pa

"Wag mong sabihin yan..May dahilan kung bakit nawala ang mommy mo.At kung ano man yun , wag mo namang hilingin na sana wala ka nalang..Kasi nga diba , nawala ang mommy mo at nabuhay ka..Para na ring isinakripisyon niya ang buhay niya para sayo..Kasi mahal ka niya."

Tiningnan niya ako habang may luha sa mata..

"Sana nga totoo yan.." aniya at bigla nalang isinandal ang ulo niya sa balikat ko..

Hindi pa ako agad nakagalaw sa sobrang gulat pero di nagtagal ay napangiti nalang ako..

Siguro si Pat na yung magiging kaibigan ko simula ngayon..

"Balang araw , magiging masaya rin ako.." biglang sabi ni Pat

"Magiging masaya rin tayo.." sambit ko pa

Napangiti naman ito at ipinikit ang mata habang nakahilig sakin..

------

Ayan!.Hanggang diyan nalang kasi tatapusin ko na yung The End Of Our Love..Sana po guys basahin niyo yun kasi makakakuha rin kayo ng clue doon kung sino at ano ang mangyayari sa surprise story ko..Pagtapos ko na yun promise mag a-announce ako dito kung ano yung mga bago kong gagawin..Basta basahin iyo lang un please.. 

Thank you po ulit sa lahat ng support niyo sakin at mahal ko kayo! 😍😘

Love you all ❤❤

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now