Chapter 19

20.7K 602 41
                                    


Pangako

"Mama , dada , okay na po kayo?Bati na po kayo!" si Xandra ng magising siya

Tumango naman kami ni Troy..

"Buti naman po at okay na kayo." si Nathan

"Sana hindi na kayo mag away..Kasi pagod na kaming mag hintay ng happy ending.." si Ethan

"Happy ending?Agad?.Hindi pwede yan , walang happy ending hanggat hindi nagkakaroon ng love life ang mga baby ko.." sambit ko naman

"At syempre , walang happy ending hangga't hindi nasusundan ang baby Xandra ko.." si Troy

Nanlaki naman ang mata ko ng lingunin ko siya..

"Ano bang pinag sasasabi mo diyan?."

"Bubuntisin kita , Mhie..Para naman masundan na si Xandra.." aniya at hinalikan ako sa pisngi

"Ikaw ah..Akala mo madaling manganak.."

"Mama , tama naman si dada..Gusto ko ng baby sister.." si Xandra at ngumiti

"Kayo ah..Pinag kakaisahan niyo ako.." pagbibiro ko

Gusto kong maniwalang katapusan na toh..

Gusto kong maniwalang happy ending na lahat..Kasi gaya ng karaniwang istorya..May katapusan talaga..

Pero sa tingin ko hindi pa dito magtatapos ang lahat..May dadating pa.Pero ano yun?

Siguro naman hindi mauulit lahat diba?Siguro naman hindi ako masasaktan ulit...Hindi ako iiyak ulit.Kasi complete family na kami..

Walang makakawasak sa isang pamilya diba?

"Mhie.."

Napatigil ako sa pag iisip at nilingon si Troy na kakapasok lang sa kwarto namin..

Bumalik na rin kasi kami sa bahay namin..Gusto daw kasi nina Ethan at Nathan na bumalik na talaga dito lalo na't miss na nila ang kwarto nila..

"Ano yun , Dhie?.Inaantok ka na?"

Niyakap niya ako galing sa likod at hinalikan ang ulo ko..

"Ang bilis noh..Parang noon lang , nag aaral pa tayo.Magkaaway tayong dalawa...Parang aso't pusa na hindi pwedeng magsama.Pero naging tayo rin naman kasi umamin ka , na gusto mo ako..Ang gwapo ko talaga Mhie noh?Sa sobrang gwapo ko nahulog ang napaka taray na kapatid ng barkada ko...Ang babaeng sobrang hirap patawanin.Tapos sumunod yung nalaman mong may sakit ka at itinago sayo ng pamilya mo.Pinuntahan mo ako sa bahay ng hindi ko alam at nadatnan mo kami ni Aya.."

"Na naghahalikan.." dagdag ko

"Iniwan mo ako..At nung bumalik ka , sabi mo maghintay ako sa sweet revenge mo..Pero parang wala ka namang revenge dun kasi nahulog ka parin ulit sakin..Sobrang pogi ko talaga.Kahit na nawala ang first baby natin , masaya parin tayo..At ngayon.Inakala naming lahat na wala ka na..Na namatay ka sa aksidente..Pero ito ka Mhie , yakap ko ngayon..Magka ayos tayo.At ito ang gusto ko.."

"Ako rin naman Dhie eh..Sa tingin ko nga hindi tayo ang para sa isa't isa..Kasi ikaw , lumalaban ka.Pero ako , simula pa lang ng laban sumusuko na...Hindi naman dapat ganun diba?Kasi kung ako ang para sayo , lumalaban dapat ako.Kung ako ang dapat sayo , edi sana hindi ko itinatago ang lahat sayo..Pero mahina ako Dhie.Hindi ako kagaya mo..Siguro kung hindi tayo magkasama ngayon , inakala ko ng may ibang kapatdapat sayo.."

"Pero ikaw ang nandito Mhie..Ikaw ang yakap yakap ko..Ikaw ang mahal ko.Ikaw ang nag iisang babaeng pinangarap ko..Ikaw ang babaeng ina ng mga anak ko.Ikaw ang babaeng magiging lola ng mga apo ko...Ikaw ang babaeng liligawan ko ng paulit ulit...Ikaw ang babaeng sasabihan ko ng i love you palagi.Ikaw ang babaeng yayakapin ko ng parang wala ng bukas..Ikaw ang babaeng bubuntisin ko ng paulit ulit para mas rumami ang mga anak natin..At ikaw ang babaeng makakasama ko sa pang habang buhay.."

Natawa nalang ako sa mga sinabi niya..

Baliw talaga ang isang toh..

"Pangako yan?" tanong ko sa kanya

"Hindi ako mangangako Mhie..Kasi yung pangako nakakalimutan.Nasisira..Pero ako , gagawin ko..Gagawin ko lahat ng sinabi ko sayo.."

"I love you Dhie.." sabay halik ko sa kanya

"I love you too Mhie..At bubuntisin na kita , ngayon.." sabay ngisi nito

Nagulat nalang ako ng itulak niya ako sa kama..

"D-Dhie..Anong g-ginagawa mo?" gulat kong sabi

"Bubuntisin kita Mhie..Kaya nga ng sinabi ko..Gagawin ko lahat ng sinabi ko.At pati na toh.." aniya at hinalikan ako

Loko loko talaga siya..

Sana ganito nalang lagi..

Wait , hindi yung ganitong may nangyayari samin..

Pero yung mga masasayang alaala..

Sana masaya nalang lagi.

Sana hindi na kami maghiwalay pa.Kasi ayoko ng umiyak.

Ayoko ng subukan pang sumuko sa mahal ko.

Dahil yung ang pangako ko sa kanya at sa sarili ko..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now