Chapter 25

20.2K 563 77
                                    


Kean

Mag iisang buwan na simula nung magsimula ang pananakit ni Troy sakin..

Kahit kawawa na ako kung tingnan ng mga kasambahay namin , tinatatagan ko parin ang loob ko..

Hinawakan ko ang tiyan ko at ngumiti..

"Malapit ka nang lumabas baby..Sorry kung mukhang hindi ko matutupad ang pangako ko sayo..Ipapanganak kita , masisilayan mo na ang mundo , pero hindi parin buo ang pamilya natin.Galit parin ang mga kapatid mo sakin.Hindi parin ako naaalala ng dada mo at sinasaktan niya na ako..Sorry kung sa mga pagkakataong sinasaktan niya ako , nadadamay ka.Wag kang mag alala baby , hindi ko hahayaang sa paglabas mo , wala dun si Troy.." sambit ko 

Natigilan nalang ako ng makarinig ako na may nabasag na Kung ano..

Agad akong lumabas ng kwarto at tiningnan kung ano yun..

"Manang , ano po Yung nabasag?" tanong ko sa kasambahay

"M-Ma'am , lasing na naman po kasi si sir Troy..Bigla niya nalang po tinapon ang bote kaya nabasag.." takot na sabi ng kasambahay namin

Napa buntong hininga nalang ako..

Lagi nalang bah ganito?.Pagkatapos maglasing ni Troy , kung ano ano nalang ang gagawin niya..

"Nasan na bah siya?"

"Nasa sala po.." aniya at yumuko

Tumango nalang ako at pumunta na sa sala..

Nadatnan ko si Troy na nakapikit ang mata at nakahilig sa sofa..

"Troy , bakit ka na naman bah nagbabasag?" mahinahon kong sabi at hinawakan ang balikat niya..

Akala ko aalisin niya ang kamay ko pero wala siyang ginawa..Hinayaan niya lang ako..

"Troy , kung pagod ka , sa kwarto ka matulog.." sambit ko ulit pero wala parin siyang ginagawa

Tulog na kaya siya?

Agad kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya para naman baka sakaling magising siya..

Amoy na amoy ko ang amoy alak niyang hininga..

Yucks!.Kung hindi lang talaga ako marunong mag tiis sa kanya , baka kanina ko pa siya sinukahan! >.<

"Troy.." mahinang sabi ko habang magkalapit parin ang mukha namin..

Konti nalang at maghahalikan ko na siya kaya naman kinailangan ko ng tumayo ng maayos..

Pero bago ko pa magawa yun ay bigla niya nalang hinawakan ang batok ko at..

At..

Hinalikan ako! O.O

Hindi naman ito yung first kiss ko..But.

Hindi niya ako naaalala diba?

Kaya bakit niya ako hahalikan..

Nang humiwalay ako ay agad siyang nagsalita ng nakapikit..

"Aya..Aya , bumalik ka please.." aniya

Napa iwas nalang ako ng tingin dahil sa narinig ko..

Sabi na nga bah eh..

Si Aya na naman.

Kaya niya ako hinalikan kasi inakala niyang ako si Aya.

Si Aya na mahal niya ngayon..Si Aya na wala nga dito pero lagi niya namang hinahanp.

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now