Chapter 38

20.2K 523 38
                                    


Balik

( Kyla's POV )

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Troy

Hindi ito sumagot at naglakad papalayo sakin..

"Troy!.Bumalik ka!" sigaw ko

Hindi parin siya lumingon kaya agad ko siyang hinabol..Pero habang hinahabol ko siya mas lalo siyang lumalayo..

"Troy!.Wag kang umalis!.Please!" sigaw ko habang umiiyak

Nadapa nalang ako ako bigla dahil nanghihina ang katawan ko..

"Troy!"

"Kyla!"

Napamulat nalang ako bigla ng marinig ko ang tawag sakin ng isang lalaki..

Hinahabol ko pa ang hininga ko habang nakatingin sa kawalan..

"Kyla , okay ka lang?"

Napalingon ako at dun ko nakita si Dale na nag aalalang nakatingin sakin..

Pero hindi ko siya pinansin at tiningnan ko ang paligid..

"S-Si T-Troy?.N-Nasan siya?" tanong ko

Uupo na sana ako ng biglang kumirot ang tagiliran ko..

"Wag ka munang magalaw..Sariwa pa ang sugat mo.." aniya at inalalayan ako pahiga ulit

Naiiyak ko siyang tiningnan..

"Nasan si Troy.?Dale , nasan siya?" tanong ko ulit sa kanya

Nag iwas lang siya ng tingin sakin..

Agad akong kinabahan dahil sa hindi niya pagsagot..

Tumayo ulit ako sa pagkakahiga at doon ko naramdaman ang sobrang sakit!

Napahawak ako sa sugat ko habang tumutulo na ang luha ko hindi dahil sa sakit na nararamdaman kundi sa kaba sa puso ko kung nasan na si Troy..

"Kyla!.Sabing wag kang magalaw!" aniya at pinahiga ako

Agad naman siyang tumawag ng doktor para tingnan ako.

Pero kahit ganun gusto ko paring malaman kung nasan si Troy!.Anong ibig sabihin ng panaginip ko?.

Nang makaalis ang doktor ay agad kong nilingon si Dale..

"Dale , please..Sabihin mo sakin kung nasan si Troy..Parang awa mo na." sambit ko at hinawakan ang kamay niya

"Kyla , masasaktan ka lang.." aniya at nag iwas ulit ng tingin

"Nasan nga siya!.Gusto kong malaman at wala akong pakialam kung masaktan ako sa kung ano man ang sasabihin mo!" sigaw ko at hindi na mapigilang mapahikbi

"Kyla--"

"Sabihin mo na please.." naghihina kong sabi

Napayuko naman siya..

"Umalis na siya.."

Natigilan nalang ako sa sinabi niya..

So , totoo yung napanaginipan ko?.Umalis nga siya?

"Umalis siya kahapon pagkatapos mong operahan..Pumunta siya ng ibang bansa at sabi niya...Sabi niya hindi na siya babalik." aniya

Parang paulit ulit nanasagasaan ng truck ang puso ko..

Ang sakit!.

Iniwan niya ako ng wala man lang paalam!.

Iniwan niya ako ng parang wala lang!

"Kyla , ito yung pinapabigay niya sayo.." may inabot na sulat si Dale sakin

Agad ko yung kinuha at binuksan..

Dear Kyla, 

Siguro alam mo na ngayon na nakaalis na ako..Sorry ah , hindi na ako nagpaalam..Masakit rin kasi para sakin na magpaalam pa sayo.Alam kong maraming gumugulo ngayon sa isip mo.Pero Kyla , ginagawa ko lang toh para hindi ka na mahirapan.

Alam kong mahal mo si Dale..Hindi mo man sabihin alam ko yun..Kita ko yun.Siguro nga hindi ikaw at ako ang sa huli..Siguro nga hindi tayo ang para sa isa't isa...Sobrang sakit rin sakin Kyla , na kailangan kitang iwan para lang maging masaya ka.

Hindi naman ako selfish eh , kung gusto mong maging masaya sa piling ng iba , hindi naman kita pipigilan.Mahal nga kita diba?.At gagawin ko lahat maging masaya ka lang kahit hindi dahil sakin.

Alagaan mo ang sarili mo , pati na rin ang mga bata..Mahal na mahal ko kayo..

Nagmamahal , Troy

Halos punitin ko ang papel dahil sa sakit na nararamdaman ko..

Hindi..

Hindi niya ako pwedeng iwan!

"Troy!." sigaw ko at itinapon kung saan ang sulat..

"Kyla.." hinawakan ni Dale ang balikat ko

"Dale!.Ibalik mo si Troy dito , please!" pagmamakaawa ko

"Kyla , hindi pwede--"

"Ibalik mo siya!.Gusto ko siyang makita!" sigaw ko at nagsimula nang itapon ang mga unan

"Kyla huminahon ka.."

"Hindi!.Gusto kong makita si Troy!Sasapakin ko talaga siya!" sigaw ko pa

"Kyla , wala na nga siya.Umalis na siya at iniwan ka na niya.."

"Hindi pwede!.Hindi siya pwedeng sumuko nalang ng basta basta!.Mahal ko siya..Mahal na mahal ko siya.." sambit ko at napahilamos nalang ng kamay ko

"Mahal mo siya , eh ba't hindi mo yan sinabi sa kanya nung nandito pa siya?" si Dale

Yumuko lang ako at niyakap ang tuhod ko.

"Kasi natatakot ako..Natatakot akong masaktan ako sa huli.." sambit ko

"Natatakot ka?.Eh ngayon nga nasasaktan ka na kasi wala siya..Sana sinabi mo nalang sa kanyang mahal mo siya para sa pag gising mo nandito siya.." galit nitong sabi

"Madaling sabihin , pero sobrang hirap gawin..Sa tingin , mo bah madaling sabihin sa kanyang mahal ko siyang gayung may galit pa sa puso ko?.Sa tingin mo bah ganun ka simple yun?" tiningnan ko siya

Tinitigan niya lang ako..

Ang tanga ko rin kasi eh..

Ang tanga tanga ko at nagpadala pa ako sa galit ko..

Kung hindi lang sana ako tatanga tanga , nandito pa siya.Kung hindi lang sana ako duwag , nandito pa siya.At kung hindi lang sana ako mapagmataas , nandito pa sana siya para punasan ang mga luha ko.

Pero wala na siya eh..Umalis na siya at iniwan niya na ako.

May magagawa pa bah ako?

Para maibalik ang taong mahal ko?

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now