Chapter 39

20.9K 561 25
                                    


Mahal

Tulala lang ako ng makauwi ako ng bahay..Kahit kinakausap ako ng mga bata ay tanging tango at iling lang ang sinasagot ko sa kanila.

Para kasing nawalan ako ng lakas ng mawala rin siya sa tabi ko.

Nawalan ako ng gana ng umalis siya.

Parang nawalan ng kulay ang mundo ko dahil alam kong sumuko na siya.

Narinig ko nalang galing sa baba ang tunog ng piano..

Nasa hagdan lang kasi ako at nakadungaw sa mga bata na tinutugtog ang piano.

"Ang galing mo kuya Ethan!" si Xandra habang tinitingnan si Ethan na nag pa-piano.

Nakatingin lang din si Nathan sa kanya habang nakangiti..

Naramdaman ko na naman ang luhang pumatak sa pisngi ko..

"Syempre , tinuruan siya ni daddy eh.." si Nathan

"Nasan na bah kasi si daddy?.Sabi niya babalik siya." malungkot na sabi ni Xandra

Napatakip nalang ako ng bibig ko dahil ayaw kong may makarinig ng hikbi ko..

Agad akong pumasok ng kwarto para hindi na marinig ang tunog ng piano pero kahit anong gawin ko , rinig ko parin..

Napasandal nalang ako sa pinto habang umiiyak..

"Troy , bumalik ka na please..Bumalik ka na sa piling ko.Miss na miss na kita.." sambit ko habang yakap yakap ang tuhod at umiiyak

Ang sakit..

Sobrang sakit..

( Troy's POV )

Napasabunot nalang ako sa sarili ko ng maubos ko ang pangalawang case ng alak..

Kahit magpakalasing ako hindi mawala wala sa puso ko yung sakit!.Gustong gusto kong balikan si Kyla..Gustong gusto ko siyang yakapin..

Pero paano?.

Para saan pa?.Para saktan siya?

Narinig kong may kumakatok sa pinto ng condo ko kaya agad akong tumayo at binuksan yun.

Pero bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko nalang ang malakas na suntok nito sakin dahilan para matumba ako.

"Gago!.Alam mo bah ang ginagawa mo?!.Mas nahihirapan si Kyla ng dahil diyan sa pagtatago mo!" sigaw ni Dale sakin

Nalasahan ko na ang sarili kong dugo pero wala akong pakialam dun at agad na akogn tumayo..

"Ano bang pinagsasasabi mo?" bored kong tanong sa kanya

"Sinabi ko sa kanyang pumunta ka sa ibang bansa gaya ng gusto mo..Pero alam mo yung resulta ng kasinungalingan mo?.Nagdudusa na siya ngayon!.Nasasaktan siya dahil sa ginagawa mo!." sigaw nito sakin

Natigilan naman ako sa sinabi niya..

Oo , ginusto kong sabihin ni Dale kay Kyla na nasa ibang bansa ako kahit hindi naman talaga..Pero inakala kong magiging masaya na siya..

Pero bakit iba ang sinasabi ni Dale sakin?

"Araw o gabi man , umiiyak siya..Halos hindi niya na gustong kumain.Hindi niya na naaalagaan ang sarili niya.Tapos puro narin tanong ang nasa isip ng mga bata kung bakit nagkakaganun si Kyla at kung bakit hindi ka pa bumabalik..Ano bah talagang gusto mong mangyari , Troy?Huh?" galit nitong sabi

"Imposible yang sinasabi mo..Masaya na si Kyla kasi malaya na siya.." sambit ko at tinalikuran siya

"Anong akala mo sakin?.Na nagsisinungaling ako?.Tanga ka pala eh..Eh kung ikaw kaya yung tumingin sa asawa mo..Sa tingin mo masayang makita siyang halos tulala nalang buong araw?.Akala mo masayang makitang umiiyak siya at humihikbi ng patago?"

Umupo ako sa sofa at isinandal sa backrest ng ang ulo..Ipinikit ko ang mata ko at doon ko nakita ang imahe ni Kyla na nakangiti sakin..

"Mahal ka niya.."

Napadilat nalang ako sa narinig ko..

"Mahal ka niya , yan ang sinabi niya sakin nung araw na binigay ko sa kanya ang sulat..Alam mo bang halos wala na siyang pakialam kung gaano ka sariwa ang sugat niya malaman lang kung nasan ka?.Hindi ko na siya kayang pigilan , Troy!.Mag isip ka naman!."

"Bakit hindi niya sinabi sakin?" wala sa sarili kong sabi

"Kasi natatakot siya!.Natatakot siyang masaktan!.Mahal ka niya pero galit din siya!"

Napapikit ulit ako..

Totoo bah yun?

Totoo bang mahal niya ako?

"Pag isipan mong mabuti lahat ng toh , Troy..Bago pa siya ulit ang sumuko , bumalik ka na sa kanya.." aniya

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang muling pagbukas at pagsara ng pinto ng condo ko.

Napatulo nalang bigla ang luha sa mga mata ko..

Nakaka bakla pero ito ako eh..Nahihirapan din ako..

At hindi ko alam kung ano bah talaga..Lalaban pa bah ako?.Babalik na bah ako?

O mananatili nalang akong nagtatago dito?

Hindi ko alam kung ano bah talaga.

Babalik o hindi?

Naguguluhan na ako!

Kasi mahal ko talaga siya...

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon