Chapter 28

20.7K 566 76
                                    


Galit

Umuwi muna ako sa bahay kasama si Dale..Pinabantayan niya rin kasi si Kean sa bodyguard niya para walang makalapit na kung sino sa anak ko.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong napatingin sa mga anak kong nasa sala lang at kinakausap ni mommy..

Napatingin naman si mommy sakin at agad akong sinalubong ng yakap..

"Kyla..Buti naman at umuwi ka na dito." aniya at hinalikan ako sa pisngi

Ngumiti lang ako sa kanya at tiningnan ulit ang mga bata na nakatingin lang din sakin..

"Ethan , Nathan..Xandra.Mga baby ko , yakap naman kay mommy oh.." sambit ko habang pinipigilan ang maiyak

Akala ko lalapit sila sakin pero hindi..Nakatayo lang sila at nanatiling nakatingin sakin.

Tiningnan ko si Dale na nasa likod ko..Nakatingin lang din siya sakin na para bang may gustong itanong pero pinipigilan niya lang ang sarili niya..

Ako nalang ang lumapit sa mga bata para yakapin sila..

Pero hindi ko pa sila nayayakap ng tuluyan ng bigla akong itulak ni Xandra..

"You lied mama..I hate you..You lied!" sigaw niya at tumakbo

Parang pinunit punit ang puso ko habang tinitingnan ang kambal..

"Sana sinabi mo nalang ang totoo , mom." si Nathan at umalis din

"I'm sorry mom , pero galit kami sayo..You lied to us." si Ethan at umalis na din

Napaluhod nalang ako habang umiiyak.

Anong klase parusa bah toh?.Ba't ako nasasaktan ng ganito?

Ayoko na..

Naramdaman ko nalang ang yakap ni mommy sakin..

"Kinausap ko na sila Kyla..Pero hindi talaga nila maintindihan.." si mommy at mahigpit akong niyakap

Huminga nalang ako ng malalim..

Kaya ko toh..Magiging maayos din ang lahat.

Lumipas ang tatlong linggo pero ganun parin ang trato ng mga bata sakin..Kahit nung maka uwi ako galing sa ospital dala dala si Kean ay hindi nila ako kinausap..

Tyaka lang nila nilalapitan ang kapatid nila kapag si mommy ang may hawak..

Nandito ako ngayon sa garden para magpahangin ng biglang may mag door bell..

Agad kong binuksan ang gate at dun ko nakita si Dale na may dalang bouquet of flowers..

"Oh , Dale..Napadalaw ka." nakangiting sabi ko

"Na miss kita eh.."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"I mean yung mga bata pala.." aniya at napakamot ng ulo

Umirap lang ako at pinapasok na siya..

"Para sayo pala.." aniya at iniabot sakin ang bulaklak na dala niya

"Thank you.." sambit ko

"Nga pala , kinausap ka na bah ng mga bata?" 

Napa buntong hininga nalang ako at umiling..

"Miss na miss ko na nga sila kahit nandito lang naman sila sa tabi ko..Ibang iba lang talaga kasi yung noon at ngayon..Noon , halos yakapin nila ako buong araw.Ngayon..Kulang nalang hilingin nilang sana hindi nalang ako ang naging nanay nila.."

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now