Chapter 10

23.4K 591 77
                                    


Hangganan

"Kyla , wag mo namang ipagkait sa mga anak mo ang makasama ang ama nila.." si mommy ng malam niya ang ginawa ko kanina

"Mom , mas mabuti ng minsan nalang nila makasama ang daddy nila , kasi para narin yun mas madali nalang para sa kanila ang umalis at sumama sakin sa ibang bansa.."

"Pero tama bang hayaan mo ang mga anak mong walang kilalanin na ama?.Diba sabi mo noon na kahit anong mangyari , hindi ka papayag na hindi kompleto ang pamilya mo?Ano toh ngayon , Kyla..Ikaw na mismo ang sumisira ng pamilya mo.." si daddy

"Para rin naman yun sa kanila , dad , mom!Kasi kung hindi ko sila ilalayo dito , baka mawala sila sakin..At ayaw kong mangyari yun.." mangiyak ngiyak kong sabi

"Ayaw mo silang mawala sayo..Pero makakaya mo bang lumayo ang loob nila sayo dahil lang sa mas pinili mo silang maging ligtas at iwan ang daddy nila?" si mommy

Napatahimik naman ako sa sinabi niya.

Ano bang mas importante?

Ang maging ligtas sila?

O ang maging kompleto kami?

Buong gabi kong inisip kung nao nga bah nag tama..Kung ano nga bah ang dapat.

Pero nakatulog nalang ako dahil sa pag iisip..

Nagising nalang ako dahil narinig kong may tumutogtog ng piano..

Bumangon ako at tiningnan kung ayos lang bah ang mukha ko bago lumabas..

Nang bumaba ako sa hagdan ay mas lalong napakunot ang noo ko ng makita ko ang mga anak ko na naka upo sa sahig habang nakatingin sa kung sino mang tumutogtog ng piano..

Nagulat nalang ako ng mapagtanto kong si Troy pala yun..

Bakit siya nandito?

Nakita ko kung paano ngumiti ang mga anak ko habang nakatingin kay Troy na tinutogtog ang piano..

Kaya ko bah silang saktan kapag dumating ang panahon na kailangan na naming lumayo dito?Na kailangan na nilang lumayo sa daddy nila.

Ipinikit ko ang mata ko para pigilan ang nagbabandyang luha..

"Dada , ang galing mo po!" si Xandra at niyakap si Troy..

"Magaling talaga yan , marunong pa nga siyang kumanta at tumogtog ng guitar eh!" si Nathan

Tumingin si Xandra kay Troy..

"Talaga dada?"

"Oo , gusto mo bah turuan kita sa susunod?"

"Sige po , sige po!" excited na sabi ni Xandra

"Mommy!"

Napalingon ako kay Ethan na nasa harapan ko na pala..

"Oh , bakit?"

"Sumali po kayo samin , kumanta po kayo ni daddy katulad nang dati...Na miss ko na po kasi yung masayang pamilya natin.." aniya

Napalingon naman ako kay Troy na nakatingin lang din sakin..

"S-Sige , anong kanta bah ang gusto niyo?" nagdadalawang isip kong sabi

Hinila naman ako ni Ethan papalapit kay Troy at tyaka kumuha si Nathan ng guiter at ibinigay kay Troy..

"Kahit ano po , basta kayong dalawa ang kumanta.." masayang sabi nila

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now