Pinatatag ko ang sarili. Ang totoo'y kinakabahan ako. Mukhang magiging bato pa ang kinita namin mula sa event.

"Walang libre sa mundo, my lady," aniya. Muntik ko nang matakpan ang sariling bibig.

Deym! Ang hot niyang mag-Tagalog! Matigas at malamig ang kanyang boses ngunit lalaking-lalaki sa aking pandinig. Bagay sa kanya ang seryosong mukha, bagay rin sa kanya ang nakangisi. Bakit gano'n? Ang unfair! Parang wala man lang pangit sa kanya! Siya na ang perfect!

"Done checking me out?"

"Ay butiki!"

Napatalon ako nang pumitik siya sa hangin.

"You're spacing out. I said, you owe me for that night," bored niyang sabi.

I change my mind. Hindi pala siya perfect. Ang salbahe ng ugali niya! Wala siyang isang salita. Sana kung magpapabayad pala siya, sana sinabi niya kaagad. Hindi ko na sana itinuloy ang pag-iimbita sa kanila.

"I'm sorry, Mister, but I think you should talk to the chairperson of the student council, not to me. Napag-utusan lang akong imbitahan kayo at isa pa, wala akong pera. Excuse me!"

Lalagpasan ko na sana siya ngunit bigla niya akong hinarang.

"I don't need your money," malamig niyang sabi. Wala rin akong mabasang emosyon sa kanyang mukha.

Naguguluhang tiningnan ko siya.

"Then what do you need?"

"Date me."

"What?"

Nalaglag ang aking panga. Pakiramdam ko nasapul ako ng elisi ng bentilador. It's painfully surprising!

"You heard me right."

Suminghap ako at tiningnan siya nang diretso. Ang totoo'y parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagbayo nito.

"Are you playing games with me, Mister?"

Tinaasan ko siya ng kilay at humalikipkip sa kanyang harapan. Kahit guwapo siya at nakakapanghina ng tuhod ang presensya niya, hindi pa rin ako aamin nang buhay na kinikilig ako sa sa sinabi niya!

"Playing games is not my thing, my lady."

Nakipagtagisan ako sa kanya ng tingin. Ngayon lang din nag-sink in sa utak ko ang tawag niya sa 'kin.

My lady.

I chastised myself inwardly. I should not feel this way. This is too good to be true. Ilang segundo akong nanahimik. I don't know what to say. I don't understand why my heart is acting this way.

I breath heavily.

"Look, Mister. Busy ako at hindi dapat ako ang sinisingil. Why don't you date our chairperson since she was the one who asked for your presence during the event? If you want, ihahatid kita sa kanya---"

"Cut it!" Dumilim ang kanyang mukha kaya napaatras ako.

"I want you to date me or else, I will collect half of the tickets sale."

Nanlaki ang mga mata ko.

"You can't be serious!"

"I'm dead serious, my lady. Tomorrow, I'll pick you up from your apartment at 3PM. Don't ever ditch me or you wouldn't like what will happen."

With that, he turned his back on me. Naiwan akong nakatulala. Natauhan lamang ako nang medyo nakalayo na siya.

"Teka, hindi mo alam ang apartment ko!" sigaw ko. Napatigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Nakangisi na ulit siya't namulsa. Bakit ang pogi niya? Diyos ko!

"It's for me to find out," an'ya.

Naglakad na ulit siya pagkatapos sabihin iyon. Naguguluhang napasandal ako sa pader.

Totoo ba talaga 'yon? Isang Sid Dela Vega, niyaya akong mag-date? The last time I check, hindi ko naman kamag-anak si Rapunzel.

"Hoy, babae!"

"Ay, butiking supot!"

Napatalon ako sa sobrang pagkagulat. Hinampas ko sa braso ang bagong dating.

"Ano ka ba naman! Bakit ka nanggugulat?!" singhal ko sa kanya. Hindi pa nga nakaka-recover ang puso ko sa lalaking iyon tapos may manggugulat pa sa'kin.

"Kanina pa kaya kita hinahanap. Ang sabi mo susunod ka!" singhal sa'kin ni Marga pabalik.

"So dapat manggulat, gano'n?" nakasimangot kong sagot.

"Whatever! Hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko!"

"Naka-silent ang phone ko!"

"Naka-silent o talagang hindi mo napansin dahil may isang guwapong nilalang kang kausap?"

Napakamot ako sa batok. Sinupil ko rin ang ngiting pilit lumalabas sa mga labi ko.

"Aba't! Bakit ka nakangiti? Ano'ng pinag-usapan niyo ni Fafa Sid? Hindi ako na-inform na close pala kayo."

Ano'ng mayroon sa Sid na 'yon? Why does he had this effect on me?

"Hoy, babae! Magkuwento ka!"

Nilagpasan ko si Marga.

"Siya ba ang nagbigay ng rosas na 'yan? Aba! Ang bilis mo rin pala! Nasungkit mo na agad ang miyembro ng Zero Degree? Ano'ng pinag-usapan n'yo?"

Tiningnan ko lang siya.

"It's for you to find out. Aray!"

Sapol ko ang aking noo.

"Ano ba'ng problema mo?" inis kong singhal sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama.

"Aba naman, meym! Baka nakakalimutan mo, may dyowa ka sa probinsya!"

Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Nabitawan ko ang rosas na hawak ko.

Ang landi ng puso ko.

©GREATFAIRY

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon