"P-Pero Max, sa'yo ako masaya." Patuloy parin siya sa pag-iyak niya. Nakita ko ang babaeng nabuntis ni Luke, tinignan ko ang tiyan nito at medyo may umbok na. Naalala ko bigla si Madi. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Luke at pinaharap siya sa akin.

"Magiging masaya ka rin Luke, once na maging tatay ka na, you'll find your happiness. Hindi pwedeng sa akin mo dinedepende ang kasiyahan mo, Luke." Naiiyak kong sabi. "Maging masaya ka sa magiging pamilya mo, okay?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Bakit ang unfair mo? Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko?!" Nagulat ako sa tono ng boses niya naka medyo napaatras ako.

"P-Pero totoo ang sinasabi ko! Mas magiging masaya ka sa magiging pamilya mo!" Hindi ko maiwasang mapagtaasan siya ng boses, he seems like he's ready to argue with me.

"Kasi ayon 'yung nararamdaman mo diba?" Tila nahulog ang puso ko sa sobrang gulat ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? Alam niya ba?

"Tama ako diba?! Kasi magkakapamilya ka na rin! Kasi nabuntis mo si Madi!" Doon ako napaiyak sa sinabi niya. No use din pala ang pagtatago ko ng sitwasyon namin. Tangina.

"Tinanggap ko naman 'yung sitwasyon mo Max e. I stayed silent, I never said a thing about your situation with her! Tapos ngayong nalaman mong nakabuntis din ako you'll easily let go of me?" There was a hint of bitterness in his voice.

"Hindi sa g-ganon..." Tanging nasabi ko sa kaniya dahil naubusan na ako ng salita. Feeling ko may pumipigil sa akin na magsalita.

"Ganon na rin iyon Max. Bakit ka ba nakipagkita sa akin ngayon? Are you going to confess your situation with her? Or you'll open up your feelings with her?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pati ba naman 'yon?!

"Hindi ko pa nakikita si Madi pero eversince, alam ko 'nang iba ang dating niya sa'yo. The way your face brightens whenever you tell stories about her... to everything about her. Alam ko 'yon. Nakikita ko, pero I chose not to say a word."

"I-I'm sorry..." Hindi siya nagsalita. Tanging ang tunog ng paligid lang ang naririnig namin.

"I hope you'll be happy with her." Bigla niyang sabi sabay lakad papalayo sa akin. That's when I bursted out crying, hindi 'man lang pumasok sa isip ko ang scenario na ganito! Masyado akong confident kanina!

Mabilisan akong nagdrive pabalik sa unit ni Madi, pumasok ako sa kuwarto niya at nakita kong tulog parin siya. Dahan dahan akong tumabi sa kaniya at isiniksik ang ulo ko sa leeg niya. Hindi ko maiwasan ang mga luha ko sa pagtulo. Naramdaman siguro ako ni Madi kaya nagising ito.

Mula sa pagkakahiga ay naupo ito. Sumunod naman ako sa kaniya at umupo rin. Hinarap ko siya at patuloy parin ang mga luha ko sa pagtulo.

"Max?" Malumanay nitong sabi. "I broke up with Luke..." Umiiyak na sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagulat siya.

"Shh, it's okay. Nandito lang kami ni baby." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Madison's POV

"What happened ba?" Tanong ko sa kaniya, nakayakap parin siya sa akin.

"She got a girl pregnant." Sabi niya sa akin. 'Di ko maiwasang hindi magulat. Kahit na si Max ay nakabuntis rin, at ako iyon, ay hindi ko maiwasang hindi magulat. Masyadong mahal ni Luke si Max. Kahit na hindi ko parin nakikilala ng matino si Luke ay alam kong alagang alaga niya si Max.

"Shh, stop crying. Papangit ka niyang sige." Pananakot ko sa kaniya. Nakita ko namang napanguso siya. "Ano ba, huwag ganon." Sabi niya sa akin. "Edi stop crying." Sabi ko sa kaniya.

"Ang sakit Madi." Sabi niya sa akin at muli ay lumuha. "Alam mo Max, kapag nagmamahal ka, hindi nawawala ang sakit. Karugtong ng pagmamahal ang sakit." Kasi ganon ang nararamdaman ko. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko. "Loving hurts, nagmamahal ka lang kaya ka nasasaktan." Sabi ko sa kaniya. Are you referring to yourself, Madi?

"Alam mo, I'll help you move-on, I mean, baby and I will help you move-on, okay?" Sabi ko sa kaniya at hinimas ang buhok niyang malambot. "How to move-on ba?" Sisinok-sinok na sabi niya sa akin. "Max, there are many ways in moving on, may proseso, may mga pagdadaanan ka pa before finally reaching your goal. And for you to able to reach it, you need those people who truly loves you, that includes me and baby." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Telling him everything between us is not the right time.

Inalalayan ko siyang humiga habang kaharap ako, pahikbi hikbi parin siya ngayon. Hinawakan ko ang pisngi niya ay marahan na hinimas ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko.

"Isip mo nalang na madami pang nagmamahal sa'yo Max. You'll find the right person who can also accept the whole you, who can also accept your flaws, a person that can be someone beside you." Tinignan ko si Max, tulog na pala siya. Napangiti na lamang ako at hinalikan ang kaniyang noo.

I stared at his beautiful face, my pretty boy, I could say. I can't help myself from admiring this man infront of me kahit na 'babae' daw siya. I did nor never thought that I would fall inlove with him. First time ko palang siya nakita noon sa University, I already fell inlove. Love at first sight? Hindi talaga ako naniniwala doon dati, but when I saw him on the rooftop, damn, hindi ko napigilan 'non ang mahumaling sa kaniya. Lagi ko rin siyang sinusundan at tinitignan ng patago, kahit noong umamin siya kay Franc. Nakita ko kung paano siya nasaktan, nakita kong nasaktan siya sa nangyari, I don't know but I felt hurt too. From that day, I started sending letter for him, I really love to write calligraphies before, I wrote letter andquotes for him.

Nandoon ang kaba na baka mahuli niya ako pero everytime I see him smile while reading my letter, it makes my heart jump with so much joy. Galit pa nga noon si Hunter kasi ang tanga ko raw pero hindi ako nakinig sa kaniya. I love what I'm doing.

I mean this is how I show my love for him. Na kahit mas mukha pa akong lalaki sa kaniya, I still want him to feel na siya ang babae. I would do anything for him. Kahit na mas sexy pa siya sa akin, I won't mind as long as I love him. Action speaks louder than words naman diba? I just hope he feels what I want him to feel. I hope he sees my worth at hindi ako mapagod, though never mangyayari iyon.

After staring at his beautiful face, I drove off to sleep.

••••

Chappy Question:

"What's worst? Being left behind or leaving someone behind?"

My Pretty Boy Where stories live. Discover now