19th Shot

4.5K 141 35
                                    

19th Shot

Max's POV

I'm still not sure about my feelings. As in, I can still feel na I'm gay, at ramdam ko na hindi na magbabago iyon. I'm still attracted to men, pero bakit pagdating kay Madi, tumitiklop ako? Pagtinitignan ko si Madi, nawawala ang mga tao sa paligid, nagiging blur ang mga tao at sa kaniya lang nakafocus ang tingin ko. Nawawalan ako ng pake sa lahat maliban sa kaniya. Am I weird?

Ano ba Maxelita? May boyfriend ka!

Pero ano 'tong nararamdaman ko para kay Madi? Bakit ganito?

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama ni Madi at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Luke, agad niya rin namang sinagot.

"Hello, hon? Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Hello, hon. Can I meet you today?" Tanong ko sa kaniya. I need to figure out my feelings. Ayokong may maipit sa sitwasyon namin.

"O yes, sure. Basta ikaw." Feeling ko ay nakangiti siya ngayon kaya't napangiti na rin ako. "Nang bola ka pa." Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

"I'll just text you 'yung pagkikitaan natin, okay?" Sabi ko sa kaniya. "Okaaaay." Malambing niyang tugon.

"Sige, I'll hang-up na, ingat ka ha? I love you." Malumanay kong sabi sa kaniya. "Ikaw din hon, love you too, mwuah!" Sabi nito at pinatay na ang tawag. Sa ngayon palang ay naguguluhan na ako pero kailangan kong malaman 'kung sino ba talaga ang mas mahal ko.

Kinumutan ko muna si Madi at lumabas na sa Unit niya, ayoko naman na gising pa siya kaya umalis na lamang ako ng walang paalam.

Habang nagdadrive ay nag-iisip ako kung ano ang sasabihin ko kay Luke. Should I start with, "Hon, I cheated." Or "Hon, Madi's pregnant and I'm the father.", I don't know what to say! Baka mamaya kapag nandoon na ako ay matameme na lang ako. Ang hirap! Habang papalapit ng papalapit sa tagpuan namin ay mas lalo akong dinadaga.

"Hi sir, goodevening!" Sabi sa akin ng waitress. Nginitian ko naman ito at hinanap na si Luke. Nakita kong naka-upo ito sa table for two na upuan. Pero busy ito, may kausap itong babae. Likod lang nung babae ang nakikita ko kaya hindi ko alam kung sino ito.

I walked near them, hindi naman ako mapapansin ni Luke dahil busy ito sa kausap niyang babae, I can definitely see na naiirita na ito sa presensya nung babae.

"Alam mo, nababaliw ka na. You should go, I don't even know you." Rinig kong sabi ni Luke sa babae. "Pero maniwala ka sa akin! I'm pregnant and you're the father!" Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Y-You're w-what?" Mautal-utal na sabi ko. Napalingon sa akin sina Luke. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Luke at nung babae.

"H-Hon," gulat na sabi ni Luke. Hindi ko kinaya ang narinig ko, ang sakit. Bago tumulo ang luha ko ay tinalikuran ko na sila at lumabas na sa resto. Napatigil ako sa paglalakad nang may humablot sa braso ko.

"L-Look hon, i-it's not what you think." Sabi niya sa akin. Pero hindi ko siya tinitignan. Nanatili ang tingin ko sa sahig.

"W-We should break-up, Luke." Biglang nagtuluan ang mga luhang nanggaling sa mga mata ko. Nakita kong nanlumo si Luke sa kaniyang narinig.

"N-No, hon. Please, don't break-up with me, I love you." Tinignan ko si Luke, nakita kong humahagulgol na ito.

"P-Pero magkaka-anak ka na Luke!" Sabi ko sa kaniya, parang baliktad ata?

"H-Hindi ko anak 'yon Max!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Huwag mong talikuran ang responsibilidad mo Luke! You should accept your responsibility as a father to your child!" Nanggigigil kong sabi.

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon